Chapter 28
Kinaumagahan, nagising ako dahil sa inatake na naman ako sa pagsusuka. Palagi nalang ganito ang nangyayari sa akin tuwing umaga. Okay sana kung hindi ako nanghihina tuwing nagsusuka ako, ngunit nanghihina talaga ako.
Naghilamos ako matapos kong maisuka lahat ng kinain ko kagabi. Hinang-hina kong tinungo ang aking kama. Anong gagawin ko ngayon? Mukhang hindi ko kayang maglakad at pumasok sa trabaho. Hindi naman siguro masama ang hindi sumulpot sa trabaho diba? Kahit kababalik ko lang.
Kinuha ko ang aking selpon ng tumunog ito. Hindi na ako nag-abala pang tignan kung sino ang tumawag.
“Hello?”
[“Where are you?”] parang biglang lumundag ang aking puso ng marinig ang boses niya.
“Huh?”
[“It’s 9:00 AM and you are already late.] napangiti ako nang wala sa oras. Ang strikto talaga.
“Masama ang pakiramdam ko.” Which is true naman.
[“What?! Why?”] bakas sa boses nito ang pag-alala? Or imahinasyon ko lang iyon?
“Ewan ko.” I can’t tell you the truth, sorry.
[“Should I go there?”]
“Wag na. Kaya ko pa naman ang sarili ko.” Half lie.
[“I insists, I will go there.”]
“Wag-“
[“Remember, you are now my girlfriend. As your boyfriend, I should take care of you.] parang may kung anong humaplos sa aking puso. This man never failed to make my heart beats faster.
“S-sige, ikaw ang bahala.” Pilit kong tinago ang kilig sa aking boses.
[“Wait me there.”] at binabaan niya ako ng tawag.
Nanatili lang akong nakahiga sa aking kama. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman ngayon. Bakit ako pumayag? Paano pag sumuka ako? Anong idadahilan ko sa kaniya? Bakit ba hindi ko muna inisip ng mabuti ang lahat bago pumayag? Tsk, bobo nga talaga ako.
Napangiwi ako ng biglang umasim ang aking panglasa. Kahit hinang-hina na ako, pinilit ko ang aking sarili na tumayo at magtungo sa banyo.
Ilang oras akong nasa may iniduro at nagsusuka. Wala na yatang natira sa aking tiyan dahil puro tubig nalang ang naiisuka ko.
Damn, bakit lumala ang morning sickness na ito?!!!
Nakarinig ako ng pagkatok sa pintuan. Nandito na yata si Dazton. Anong gagawin ko?
“Iza?” sinubukan kong tumayo ngunit hindi ko kayang tumayo ng mag-isa.
“D-Dazton.” Mahina lamang ang naging boses ko.
“Iza? Are you there?” napakagat ako ng labi. Bakit ba Iza siya ng Iza, sarap niya talagang halikan. Ano ba yang pag-iisip na meron ka, Raye? Nanghihina ka na nga puro landi pa yang inaatupag mo.
“H-hindi nakalock yang pintuan.” Mabuti nalang nagawa ko pang lakasan ang aking boses.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Agad akong napalingon dito at nakita si Dazton na nakatayo sa hamba ng pintuan. Inilibot niya ang kaniyang paningin hanggang sa mamataan niya ako. Nakita ko ang pagguhit ng pagkagulat sa kaniyang mukha. Nang makabawi, nilapitan niya agad ako.
“Hey, what happen?” sinapo niya ang aking ulo at leeg.
“Your temperature is normal, how come-“
“Ihiga mo nalang ako sa k-kama please.” Hindi ko na talaga kaya.
Hindi na siya nagtanong pa sa akin, binuhat niya ako at inihiga sa kama. Inayos niya muna ang pagkahiga ko, bago ito tumayo. Nagtaka ako ng kinuha niya ang kaniyang selpon.
“S-sandali, sinong tatawagan mo?” kinabahan ako bigla.
“I need to call my personal doctor. She needs to check you.” Namutla ako bigla sa kaniyang sinabi.
“Hey, are you okay? Why are you so pale?” nilapitan ako ni Zwane at sinapo ang magkabila kong pisngi.
“Tell me. Are you hurt? D*mn, answer me sweetheart.” Nanatili akong nakatitig sa kaniya. D-did he just call m-me sweetheart?
“Iza baby.” Lumakas ang tibok ng puso ko. Enebe yen. Bakit ngayon pa ako tinamaan ng landi? Kanina sweetheart, tapos ngayon baby na.
Gumising ka nga Raye!!!! You need to stop Dazton from calling the doctor, baka mabuko ka pa niya. Hindi ka pa handa diba?
“J-just don’t call the doctor. Takot ako sa kanila.” Pagdadahilan ko, sana gumana.
“What? You are afraid of doctor?” para akong tanga na tumango ng maraming besis sa kaniya. Desperada na talaga ako.
“Okay, if that’s what you want then just rest. I will cook something for you.” Parang bigla akong nabuhayan ng marinig ang sinabi niya.
“Pwedeng barbeque nalang ang kainin ko.” Nag pretty eyes pa ako dito. Barbeque yata ang flavor of the day ko.
Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo.
“Barbeque?” tumango ako dito.
“Sige na please.” Nagpout pa ako.
“Tsk, why would you eat-“
“Sige na~ Pag di barbeque ang ipapakain mo sa akin, hindi ko yon kakainin. Sige ka.” Pagtatampo ko dito. Napabuntong hininga ito, tinignan ko siya. At nakitang kong nakatingin din pala ito sa akin, nagtitigan kaming dalawa. Ilang minuto kaming nagtitigan hanggang sa bumuntong hininga na naman ito.
“Okay.”
“Yeheeeyyy!!!” parang bata kong sigaw.
“Are you sure you don't have illness?” bakas ang pagdududa nito habang nakatingin sa akin.
“Oo.” Hindi siya umalis sa kaniyang posisyon, sinuri niya ako ng maigi yong tipong hinahanapan niya ako ng butas kung talaga bang nagsasabi ako ng tutuo sa kaniya.
“Wait me here. Take some rest while I’m away. I’ll be back.” Nagulat ako nang halikan niya ako sa noo.
Nagsimula itong lumakad at pipihitin na sana niya ang siradora ng magsalita ako.
“Ikaw hah, baka mas lalo akong mainlove sayo. May pahalik-halik ka pa sa noo. Pag ako nahulog ng tuluyan sayo, siguraduhin mo lang na sasaluhin mo ako.” Binalingan niya ako ng tingin. Napatulala ako ng makita ko ang pagguhit ng ngiti sa kaniyang labi.
“I will.” Yan lang ang sinabi niya bago siya umalis.
“Kyaaaaaahhhh!” impit kong sigaw. Tinakpan ko ang aking bunganga ng unan upang hindi niya marinig ang sigaw ko. Malamang hindi pa nakakalayo ang isang iyon.
Gosh, talaga bang sinabi niyang ‘I will’? Waaaahh, sasaluhin niya talaga ako? Wala ba yong halong biro? Tutuo ba talaga yon?
Pero Raye, tandaan mo. May Aila higad na siya, baka mamaya niyan pag umextra yong Aila higad na yon bigla-bigla ka nalang iiwan sa ere.
Biglang nagbago ang timpla ng aking mukha sa naisip. Hindi naman talaga maiiwasan na ganun ang mangyari. Napilitan lang nga yata si Dazton na alagaan ako ngayon at gampanin ang pagiging boyfriend niya sa akin.
Pero kahit ganun, hindi mababago ang katutohanang may nagmamay-ari na sa puso niya, ang masaklap pa, hindi ako ang babaeng iyon. Siguro, huwag ko munang isipin ang bagay na iyon, saka ko na pro-problemahin yan pag dumating na. Sa ngayon, i-enjoy ko muna ang sweet moments namin ni Dazton.
YOU ARE READING
Seducing My Boss (Seducing Series #1)
Любовные романыThe day that I laid my eyes on you was also the day that I fell in love on you.. Rayeiza Clumberge, ang babaeng hindi sumusuko sa lahat ng laban. She is sweet like sugar, and she likes teasing other people. She has a strong personality and very opti...