Chapter 29
Naalimpungatan ako nang maramdamang may humaplos sa aking pisngi.
Dahan-dahan kong inimulat ang aking mga mata at doon ko nasilayan ang isang gwapong nilalang na seryosong nakatingin sa akin. Napangiti ako sa kaniya.
“Hello sweetheart.” Wala sa sarili kong sambit.
Umusog ako papalapit sa kaniya at niyakap ang kaniyang bewang kahit nakaupo ito. Isiniksik ko ang aking mukha sa kaniyang tiyan at naramdaman ang matitigas niyang pandesal sa loob ng kaniyang damit.
“Hehehehe.” Napahagikhik ako. Parang tutuo yong panaginip ko. Yong init sa kaniyang katawan, ang sarap sa pakiramdaman.
“Tsk, are you don-“
“Hmmmm.” Napaungol ako. Bakit parang tutuo? Yong boses niya-
“Iza, sweetheart.” Napamulat ako ng wala sa oras at napatingala. Nang makita ko ang mukha ni Dazton, agad akong napalayo sa kaniya.
“K-kanina ka pa?” nahihiya kong tanong dito.
“Yeah, you’ve been harass-“
“Hoy, wag ka namang magsalita ng ganyan. Kahit malandi ako, hindi ko gagawin iyon sayo!” feeling ko nag-akyatan lahat ng dugo ko sa aking mukha. D*mn this man. Bakit ang hilig niyang pakiligin ako?
“Really?” napapout nalang ako sa tanong niya sa akin.
“Oo!!”
“Then look at me and say that you aren’t harassing me.” Nanlaki ang aking mga mata at binalingan siya ng tingin.
Harassing daw… Napakamot ako ng aking ulo. Hmm, may point naman siya, parang hinaharas- este wala akong ginawang ganun sa kaniya inosente ako!!!!
“Sandali, nasaan pala ang barbeque ko?” malay niyo maiba ang usapan namin.
“You’re changing our topic.” Sumeryoso bigla ang mukha nito.
“Alam mo Dazton, yang pagiging seryoso mo masyado baka maaga kang tumanda. Naku, ayaw kong mapagkamalan tayong mag-ama pag nagkataong-“
“Stop talking.” Napasimangot nalang ako. Ganyan naman yan lagi eh. Kapag nagsasalita ako, bigla-bigla nalang niya akong patitigilin sa pagsasalita.
“Can you walk?” nagtatakang napatingin ako sa kaniya.
“Your barbeque is in the kitchen.” Biglang nagliwanag ang buo kong mukha sa narinig.
“Let’s go!!” tumayo ako bigla kaya muntikan na akong matumba, mabuti nalang may umalalay sa akin para makatayo ng maayos.
“Careful.” Napakagat ako ng labi nang maamoy ko ang ordinaryo niyang pabango.
Inalalayan niya akong lumabas sa aking kwarto hanggang sa makapunta kami sa kusina. Nang makita ko ang barbeque na nasa may mesa, agad akong kumalas kay Dazton.
Nilantakan ko ang mga barbeque at isinawsaw sa maanghang na tuyo na may asin at asukal.
“Your weird.” Komento ni Dazton habang napapangiwi ito sa tuwing isinasawsaw ko ang barbeque sa tuyong may asin at asukal.
“Ang sarap kaya nito. Gusto mong tikman?” tumayo ito bigla at lumayo sa akin.
“No thanks. I’ll just wait you there.” Sabay turo niya sa may sala nitong apartment. Tumango ako sa kaniya. Hindi ko na siya tinanong at pinansin pa dahil masyado akong nasarapan sa kinakain ko ngayon.
Iniligpit ko ang aking pinagkainan at kumuha ng fresh milk sa ref. Nagtungo ako sa may sala at napahinto ako sa paghakbang papalapit kay Zwane nang marinig ko ang pangalan ni Aila higad.
YOU ARE READING
Seducing My Boss (Seducing Series #1)
RomanceThe day that I laid my eyes on you was also the day that I fell in love on you.. Rayeiza Clumberge, ang babaeng hindi sumusuko sa lahat ng laban. She is sweet like sugar, and she likes teasing other people. She has a strong personality and very opti...