Chapter 31

623 19 0
                                    

Chapter 31

Tahimik kaming nag-aantay sa resulta. Nakatingin lamang sa may kisame si Chean yong tipong may malalim itong iniisip. Gusto ko sana siyang kausapan ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Ayaw ko namang tanungin siya kung ano ang  problema nito. Mukha kasing sobrang lalim nito, yong tipong hindi din nito alam kung paano sasabihin ang kaniyang problema.

Bumukas ang pintuan kaya napatayo kami, pinaupo kami ulit ni doktora Mendes nang makaupo ito sa kaniyang upuan.

“Hindi maganda ang kinalabasan nang resulta, Ms. Clumberge.” Kinabahan ako bigla sa sinabi niya.

“A-anong ibig niyong sabihin doktora? P-pwede niyo bang pakeklaro po?” hinawakan ni Chean ang aking kamay at pinisil ito.

“Masilan ang pagdadalang tao mo, Ms. Clumberge. Kailangan niyo pong magdoble ingat at huwag po kayong masyadong magpa-stress dahil baka lumala ang kalagayan niyo o ang mas malala, baka po malaglag ang bata.” Para akong binuhusan nang malamig na tubig dahil sa sinabi ni Dra. Mendes.

“May irereseta akong bitamina para lumakas ang kapit nang bata. Inumin mo ito bago matulog.” Si Chean na ang kumuha nang papel na inilahad ni Dra. Mendes.

“Salamat doktora.” Tumango si Dra. Mendes sa amin.

Inalalayan akong tumayo ni Chean.

“Babalik nalang po kami dito sa susunod.” Magalang na usal ni Chean.

Wala sa sariling naglakad ako papalabas nang ospital.

“Okay ka lang ba, Raye?” bakas ang pag-alala sa tono nang kaniyang boses.

“No.” pinagbuksan niya ako nang pintuan.

Kung nagtatanong kayo kung saan galing itong kotseng dinala ni Chean. Well, kinuha niya ito sa bahay nila.

Meron naman talaga itong kotse ngunit mas gusto niyang magcommute kagaya ko pero ngayong buntis na ako, nagpresenta siyang, siya na ang maging taga hatid sundo sa akin kung meron man akong lugar na gustong puntahan.

Habang nasa biyahe kami, hindi muna ako ginulo ni Chean. Alam niya sigurong wala ako sa mood na makipag-usap.

Feeling ko wala akong kwentang ina. Walang kamuwang-muwang ang aking anak na pinapabayaan ko na pala siya.

Bakit hindi ko napansin na ang lahat nang ginagawa ko ay nakakasama pala sa anak ko? Pinunasan ko ang luhang kumawala sa aking mga mata.

Huminto bigla ang kotse. Nagtatakang napalingon ako kay Chean.

“Anong ginagawa natin dito?” wala akong kaide-ideya kung bakit niya ako dinala sa mansyon nang grandpa at grandma ni Danica at Dazton.

“Tumawag sa akin kanina si Danica, pinapapunta tayo dito.” Pinaningkitan ko siya nang mga mata.

“What do you mean?”

“Pasensya ka na kung di ko agad nasabi sayo ito. Alam ko kasing wala ka sa mood kaya naisipan ko na baka-“

“Dapat tinanong mo muna sa akin Chean, hindi yong basta-basta ka nalang nagde-desisyon na wala akong kaalam-alam. Sa tingin mo ba handa akong harapin sila? Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Malamang alam na nila ang tungkol sa pagdadalang tao ko.” Naiinis kong sumbat sa kaniya.

“I-I’m sorry. Nawala sa aki-“

“Paki tawagan si Ellaine at Giselle please.” Pagpuputol ko sa kaniyang sasabihin.

Ginawa niya naman ito nang walang pag-aalinlangan. Napasandal ako sa sandalan habang nakatingin sa labas at tinatanaw ang napakalaking mansyon nang mga Lockheart.

Seducing My Boss (Seducing Series #1)Where stories live. Discover now