Chapter 32

646 20 0
                                    

Chapter 32

Aaminin ko, hindi ko maipagkakaila na may pagtingin talaga ako kay Dazton. Bakit naman hindi? Sa pagbilis palang nang puso ko, alam na alam kong may ipinapahiwatig na ito agad. Sa bawat ngiti at mga tingin niyang nakakatunaw, alam kung hulog na hulog na ako.

Mukhang hindi na ako makakaahon pa kung gustuhin ko mang umahon.

Nandito kami ngayon sa harapan nang mga Lockheart. Nasa aking tabi ngayon si Dazton, kanina niya pa nilalaro ang aking mga daliri. At kanina ko parin napapansin ang mga mapanuksong tingin nina Ellaine, Giselle, Chean at Danica.

“Kailan ba ang kasal?” nabigla ako sa katanungang iyan. Magsasalita na sana ako nang unahan ako ni Dazton.

“As soon as possible mom.” Nabaling sa kaniya ang aking atensyon.

Nakatingin din pala ito sa akin, nangungunsap ang kaniyang mga mata yong tipong may gusto itong pinapahiwatig.

“Ang bilis naman insan.” Nakangiting sambit ni Danica.

“Tsk, it’s better to be early than late, baka maunahan pa ako.” Bumilis na naman ang tibok nang aking puso.

Kung hindi ko lang alam na mahal ko ang isang ito, tiyak akong iisipin kong may sakit ako sa puso.

“Pero diba dapat mas kilalanin niyo pa ang sarili niyo?” napalingon kaming lahat kay Ellaine na prenteng nakaupo sa isang single sofa.

“What do you mean by that iha?” tanong ng ina ni Dazton.

“Bigyan po natin sila nang oras na makilala ang isat-isa bago po sila magpakasal. I know naguguluhan pa sila sa mga desisyong ginagawa nila. Ayaw ko naman na humantong sa huli na mauuwi sa hiwalayan pag nagpadalos-dalos sila. As Raye’s friend, I want her to be happy. At ang naisip ko lamang na solusyon para maging tunay na masaya siya ay bigyan sila nang oras na kilalanin ang isat-isa hanggang sa pareho na silang malinawagan sa tutuong nararamdaman nila. At wala nang anumang pagpapanggap o sakitan ang mangyayari.” Napakagat ako nang labi. Ellaine is not a showy person pero ngayon ramdam na ramdam  ko at nakikita ko kung gaano niya talaga ako/kami kamahal.

“Sang-ayon po ako kay Ellaine, maam and sir.” Chean

“Tama siya. Dahil sa pagkakaalam ko kaunting panahon lamang sila nagkakakilala. Why don’t we give them a chance to know each other? Doon po magiging kampante kami, na nasa tamang lalaki ang kaibigan namin.” Giselle

“Sobrang swerte mo sa kanila iha. Hindi ko inakala na ganito ang iyong mga kaibigan.” Pinigilan kong mapaiyak. Tama nga naman ang grandma ni Dazton, sobrang swerte ko sa kanila.

Kahit na moody ako dahil sa pagbubuntis ko, nandiyan parin sila at patuloy akong iniintindi.

“I agree, grandma.” Danica

“Kung ganun, sige. Pumapayag kami sa desisyon niyo. Baby boy, why don’t you and Raye went on vacation? Doon muna kayo sa resort natin at gawin niyo ang mga bagay na gusto niyo upang mas makilala niyo ang isat-isa.” Ako lang ba? O talagang mahahalata sa boses ni Mr. Lockheart ang ina ni Dazton na alam niyang may ibang mahal ang anak niya?

“Oo nga apo.” Segunda naman ng grandma nito.

Pansin ko lang ang pagiging tahimik nang ama at grandpa ni Dazton.

“So it’s settled.”

“Kailan kayo magbabakasyon, baby boy?”

“Tomorrow.” Mabilis nitong sagot.

“Good. Then be prepared for tomorrow, iha. I hope you and my grandson will get along together and will find your own way back to each others arm.” Ang galing naman ni grandma, may pa ganun-ganun.

“Kumain muna kayo bago umalis.” Basag ni Mr. Lockheart ang ama ni Dazton.

“Good idea. Tamang-tama may iniluto akong sinigang at nagpa barbeque din ako.” Sa sinabi niyang barbeque bigla nalang ako natakam.

“Baka tumulo ang laway mo.” Parang  nagtayuan lahat nang balahibo ko sa aking batok ng bulong si Dazton sa akin.

“Oh, bakit parang nakakita ka ng multo diyan Raye?” pinaningkitan ko ng tingin si Ellaine ng ngumisi ito sa akin, yong mapang-asar na ngiti.

“Tumahimik ka nalang diyan Ellaine.” Nagkibit balikat nalang ito saka tumayo.

“Pag-ibig na kaya, pareho ang nadarama. Ito ba ang simula~”

“Hahahah, ganda naman ng boses natin Ellaine.” Danica

“Ako pa.” sabay kindat nito sa amin kaya napatawa nalang ang mga tao dito except sa amin ni Dazton.

Nagtungo kami sa dining room nila. Natakam ako sa barbeque na nakahanda sa may mesa pagka kita ko palang dito. Geez, parang gusto ko ng kainin ito.

“Can I eat  now?” pasulyap-sulyap pa ako sa barbeque.

“Hahaha, alam mo bang si Zwane ang nag request ng barbeque, iha? Hindi naman siya mahilig sa barbeque kaya nagtaka ako nung una ngunit ng sabihin niyang hindi siya ang kakain sobra akong nagulat. Ikaw pala ang tinutukoy niyang matakaw kumain ng barbeque.” Okay na sana yong kanina eh, kaso sinabihan akong matakaw. Ihampas ko kaya itong plato sa kaniya, kung di lang dahil sa anak namin hindi ako magcra-crave sa barbeque na yan!!

“Pag-ibig nga naman.”

“May problema ba tayo, Ellaine?” kanina ko pa siya nahahalata.

“Huh, bakit may problema ba?” naka ngisi nitong tanong. Inirapan ko nalang siya.

Hihilain ko na sana ang isang upuan ngunit naunahan ako ni Zwane.

“Parang na iinggit ako.” Giselle.

“Edi papuntahin mo dito si Kris nang sa ganun paghilain ka niya ng upuan.” Ellaine

“At mag-aaway na naman kayo.” Giselle

“Hindi naman ako makikipag-away sa kaniya kung hindi niya ako uunahan.” Maktol nito bago umupo.

“Para kayong aso’t pusa.” Giselle

Inayos ni Dazton ang pinggan sa harapan ko at nilagyan ito ng kanin. Kumuha ako ng barbeque saka ito nilantakan.

May mga pinag-usapan pa sila ngunit hindi na ako nag-abala pang makinig. Enenjoy ko nalang ang pagakin.

“Hahahahaha, para akong naging teenager ulit sa tuwing kasama ko kayo.” Mrs. Lockheart.

“Teenager parin naman kayo tita.” Chean.

“Sabagay.” At nagtawanan sila.

Sa kanilang lahat ako ang pinakahuling natapos sa pagkain. Inubos ko talaga lahat yong barbeque, hindi ko nga nahalata na kumain sila nito dahil sa sobrang busy ko sa sarili kong mundo.

“Hahaha, hindi halatang gutom ka Raye.” Sinamaan ko lang ng tingin si Chean.

“Ganito ba talaga ang mga buntis, tita?” Chean

“Oo iha. Alam mo ba nung nagbuntis ako sa baby boy ko. Pinalayas ko sa aming kwarto itong asawa ko dahil sa ayaw ko ang amoy niya. Tapos palagi ko pa itong inuutusan, sa tuwing di niya sinusunod ang aking  pag-uutos, bigla-bigla ko nalang siyang hinahagisan ng mga bagay na nahahawakan ko. May mga oras ngang masusugatan ko na siya ngunit kahit ganun, ang swerte ko parin sa asawa ko. Hindi niya kailanman ako iniwan kahit masyado akong moody at iyakin.” Napangiti ako sa ikwenento ni tita. Nakiki tita nalang din ako, total tita din ang tawag nila sa ina ni Dazton. Masasabi ko na ang swerte ni Dazton at nabigyan siya ng inang kagaya ni tita.

Seducing My Boss (Seducing Series #1)Where stories live. Discover now