Chapter 34
“Boss, wag niyo pong kalimutan na ipainom kay Raye yong bitaminang ibinigay ko sa inyo bago siya matulog sa gabi.” Paalala ni Chean kay Dazton habang inilalagay ni Dazton ang mga bagahe namin sa likod nga sasakyan.
“I will remember that.” Kalmadong sambit ni Dazton.
“Ikaw naman Raye.” Lumapit sa akin si Chean at hinawakan ang aking kamay.
“Wag na wag mong pababayaan ang sarili mo. Wag kang magpaka stress doon. Tawagan mo kami kung may ginawa itong si boss. Kahit amo ko yan, hinding-hindi ko yan uurungan pag sinaktan ka niya.” Napatawa ako ng mahina saka ito iniyakap.
“Thank you.” Yan lang ang tangi kong nasambit.
“Nagda-drama ang dalawa.” Napakalas kami sa yakapan dahil sa limang bruhang nakatingin sa amin.
“Selos lang kayo.” Pang-aasar ni Chean sa kanila.
Inirapan lang siya ng mga ito. Lumapit na din sila sa gawi ko at isa-isa akong niyakap.
“Be careful.” Janessa
“Take care.” Lexy
“Call us if you need something.” Lanxi
“We will miss you.” Giselle
“Ang drama nila kala mo naman isang taon kang mawawala.” Napatawa nalang ako sa sinabi ni Ellaine bago ito niyakap.
“Salamat sa lahat.” Bulong ko dito. Tinapik niya ang aking balikat.
“Ikaw pa, ang lakas mo kaya sa amin.” Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at kinindatan pa ako.
“Let’s go.” Napalingon kami kay Dazton na binubuksan na ngayon ang pintuan sa passenger seat.
“Go na. Baka mainip yang si lovey-dovey mo.” Biro ni Ellaine
“Ewww, ang corny.” Reklamo ni Chean
“Bitter ka besh. Wala ka kasing love life.” Ellaine
“Nagsalita ang meron.” Chean
“Hahahahaha.” Napatawa nalang kami. Kahit kailan talaga.
Lumapit ako kay Dazton, inalalayan niya akong makapasok sa loob. Nang makaupo na ako ng maayos siya ang nagkabit ng seatbelt ko bago isinara ang pintuan. Lumingon ako sa may bintana at kumaway sa mga kasama ko hanggang sa umandar na ang kotseng sinasakyan namin.
Habang nasa biyahe kami, pinagpahinga muna ako ni Dazton dahil malayo-layo pa daw ang resort ng pamilya niya. Total pagod din ako, hindi na ako umangal dito at natulog nalang.
Nagising ako ng may tumapik sa aking pisngi. Bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Dazton. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso ng malanghap ko ang hininga nito. Umupo ako ng maayos kaya napalayo ito sa akin.
“We’re here.” Tumingin ako sa labas at nakita ang napakagandang tanawin. Napayakap ako sa aking sarili sa lamig ng simoy ng hanging tumama sa akin.
“Wear this.” May inilahad siyang coat. Hindi na ako nagdalawang isip na tanggapin ito.
Napangiti ako ng maamoy ang pamilyar niyang pabango. Parang gusto ko tuloy hingin ito sa kaniya.
Lumabas na kami sa kotse. Lumapit siya sa akin at hinapit ako papalapit sa kaniya. Nagtatakang tinignan ko ito. Nakatingin lang ito sa harap wearing his serious face.
“Let’s go.” Sabay kaming naglakad. May kumuha na sa aming mga bagahe, sa tyempo ko mukhang mga tauhan iyon ng Lockheart.
Namangha ako sa ganda ng paligid. Para akong nasa isang paraiso.
“Nasaan pala tayo?” inilibot ko ang aking paningin sa magandang tanawin.
“We are in Tagaytay.” Pumasok kami sa resort nila. Parang katulad lang ito doon sa resort na unang napuntahan ko. Ilang resort pa kaya ang meron sila?
“Let’s go to our room.” Natigilan ako sa sinabi niya. Napaangat ako ng tingin, nagtataka ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.
“O-our room?” tumango ito.
“Bakit iisa lang ang room natin?” gulat kong tanong dito.
“Why? Is there something wrong about being together in one room?” sabagay ano bang problema dun? Para namang di na ako nasanay, ngayon pa ba ako mahihiya? Palagi nga akong tumatabi sa kaniya, nung una, sa kwarto doon sa bahay nila tapos ang pangalawa, kung saan may nangyari sa amin. Biglang nag-init ang magkabila kong pisngi ng maalala ang nangyari sa amin.
“Hey, are you alright?” umiwas ako ng tingin kay Dazton.
“Ahm, oo. Oo, okay lang ako.” Nahihiya kong sambit.
“Nasaan pala ang kwarto natin? Halika na.” pag-iiba ko sa usapan dahil baka maging kamatis na ako pag nagtanong pa siya.
“Okay.” Inalalayan niya ako patungo sa itaas.
Pagdating namin sa kwartong sinasabi niya. Napatulala ako sa sobrang ganda nito. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Parang hindi ito kwarto sa sobrang ganda.
Bumitaw muna si Dazton sa akin at may pinuntahan. Inaliw ko ang aking sarili sa buong paligid. Dali-dali kong kinuha ang aking selpon upang kuhanan ng litrato ang kwarto namin.
Nakita ko si Dazton na bitbit ang aming bagahe, inilagay niya ito sa tabi ng kama saka ito nagsimulang maglakad papalapit sa akin.
“Dazton!! Halika dito!! Bilis!!” excited kong usal.
Natatarantang lumapit naman ito sa akin, muntik pa nga itong madulas. Pinigilan ko ang aking sarili na matawa dahil baka magalit ito.
“What? What happen?” sabay hawak nito sa aking siko.
“Heheheh, picture tayo.” Kumunot ang noo nito sa sinabi ko.
Napapout nalang ako sa inasta niya. Ayaw niya ba?
“Hey, stop that.” Nagtaka ako sa sinabi niya.
“Stop what?” at nagpout na naman ako.
“That!” ano ba yang that na yan?
“Anong meron sa that?” taka kong tanong.
“Are you seducing me?” huh?
“Ano?!!” gulat kong tanong sa kaniya.
“Tsk, so you are still planning to seduce me, huh?” nagsmirk pa ito.
Gulat ko siyang hinampas sa braso dahil sa sinabi niya. Narinig ko ang mahina nitong halakhak. Napatingin ako sa kaniya at napatunganga habang nakatitig sa kaniya. Nang matauhan ako, agad kong inangat ang aking selpon at kinuhanan siya ng litrato. Natigil ito sa paghalakhak ng mag flash bigla ang camera. Shit, hindi ko na turn off yong flash.
Seryoso niya akong tinignan kaya itinago ko agad ang aking selpon sa aking likuran.
“Give me that.” Inilahad niya ang kaniyang kamay.
“Give what?” painosente kong tanong habang umaatras.
“Iza.” He used his warning tone.
“Dazton?” pang-aasar ko dito.
“Don’t make me chase you.” Banta niya sa akin habang lumalapit.
“Chase? Why would you chase me?” I wear my seductive smile.
“D*mn you woman.” Nagulat ako ng bigla niya akong hinapit papalapit sa kaniya.
Naitukod ko ang aking kamay sa matitigas niyang dibdib habang nakatingala sa kaniya.
Dub dub dub dub dub
Nagkatitigan kaming dalawa. Parang tumigil ang pag ikot ng aming mundo. Napahugot ako ng aking hininga ng makita ko ang pag galaw ng adams apple niya.
Unti-unting lumapit ang kaniyang mukha sa akin hanggang sa maglapat ang aming mga labi. Sa paglapat ng aming labi, bilyon-bilyong bultahi ang parang tumama sa akin dahil sa sobrang bilis ng pintig ng aking puso. Para akong matutunaw sa aking kinatatayuan dahil lang sa simpleng halik na ito.
YOU ARE READING
Seducing My Boss (Seducing Series #1)
Любовные романыThe day that I laid my eyes on you was also the day that I fell in love on you.. Rayeiza Clumberge, ang babaeng hindi sumusuko sa lahat ng laban. She is sweet like sugar, and she likes teasing other people. She has a strong personality and very opti...