End

936 38 4
                                    

Epilogue

"Dazton!!!!" dumagundong sa magkabilang sulok ng aming bahay ang aking boses.

"Dazton!!!!!!" napapikit ako sa sobrang sakit.

"Baby, wag mo namang pahirapan si mommy." bulong ko sa aking anak habang hinahaplos ang aking tiyan.

"Dazton!!!!! Ano ba!!!!" sigaw ko ulit.

Nakarinig ako ng pagkulabog sa may banyo at bumukas ang pintuan nito ng pabalya.

"What? Is there something wrong?" natataranta itong lumapit sa akin. Gusto kong matawa sa hitsura niya ngayon dahil may shampoo pa sa kaniyang buhok.

"Tawagan mo sina mommy!" nagtaka man ito ngunit sinunod niya naman ang aking utos.

Huminga ako ng malalim habang hinahaplos ang aking tiyan. Konting tiis nalang baby.

"Dazton!!!!" napasigaw na naman ako ng sumakit ng husto ang aking tiyan.

"B-baby, tell me what's w-wrong?" lumapit ito sa akin at tinitigan ako.

"It's damn hurt." napaluha ako.

"What hurt? Baby, don't make me crazy of thinking what's wrong." bakas ang kaba at pag-alala sa kaniyang boses.

"M-manganganak na ako." mahina kong sambit ngunit tama lamang na marinig niya ito.

"W-what?"

"Manganganak na ako!!!!" sigaw ko dito.

"Ano pang tinutunganga mo diyan, Dazton?!! Umalis kana sa harapan ko at tawagin mo ang mga katulong!!!" sigaw ko dito dahil sa sakit.

"Y-yeah." taranta itong naglakad palabas.

"Saan ka pupunta?" inis kong tanong dito.

"O-out? To call some help?" wala sa sariling usal nito.

"Nang nakaganyan ka?" sinamaan ko siya ng tingin, gusto niya bang ilabandara yang katawan niya sa mga tao dito?

Napatingin siya sa kaniyang katawan, at doon lang yata rumehistro sa kaniyang utak na wala pa siyang damit at may shampoo pa sa kaniyang buhok.

"Shit!" sigaw nito at bumalik sa banyo.

"Dazton!!!" ano ba!!! Bakit ganito? Bakit nawawala sa sarili si Dazton?!!! Damn, bakit ngayon pa siya nagkaganito?

Dahan-dahan akong tumayo upang magtungo sa may pintuan. Ayaw kong hintayin si Dazton dahil baka dito pa ako manganak ng wala sa oras.

Akmang pipihitin ko na ang siradora ng biglang may nagsalita sa aking likuran.

"Baby! Don't walk!!" muntikan na akong madulas dahil sa pagkagulat.

Napahawak ako sa aking dibdib.

"Balak mo bang paanakin ako dito?!!" I furiously say it to him.

"I'm sorry, baby. I'll carry you." naramdaman ko ang malamig niyang kamay na humawak sa akin. Napakapit ako sa kaniyang batok upang  hindi ako malaglag.

Naging mabilis ang paghakbang na ginawa ni Dazton habang pababa ito ng hagdanan.

"Ready the car." utos niya sa aming driver.

Nataranta ang lahat ng mga tao sa bahay ng malaman nilang manganganak na ako. Nagmadaling sumaklolo sa amin ang aming driver, pinagbuksan niya ng pintuan kami ng boss niya.

"Ahhhhh." napaimpit ako sa sakit. Naramdaman kong bigla nalang may tubig na lumabas sa akin.

"Sh*t, move faster!!" tarantang sambit ni Dazton.

Seducing My Boss (Seducing Series #1)Where stories live. Discover now