CHAPTER 10
Balak ko ng umuwi ng mga sandaling yun pero nagsalita ulit yung bulag na pulubi
"pero meron akong natatandaang aksidente na nangyari sa kalsadang ito kamakaylan lang," sabi nya
"talaga po! ano pong aksidente?" atat na tanong ko
"yung bumangga yung motor sa pader na ito," tinuro nya yung pader na malapit sa sinasandalan nya "wu.. grabe muntik na akong madaplisan nun, nalaman ko nalang nung kinwento sa akin ng driver," dagdag nya
"haha akala ko yun na," sabi ko
"anong akala mong yun na, teka nga muna, bakit anu bang hinahanap mong aksidente iho,"
"ah wala po,"
"anong wala? meron eh,"
"ano kasi, medyo mahirap paniwalaan eh, kaya alam kong di ka maniniwala pag sabihin ko sayo," paliwanag ko pero mapilit talaga sya
"sige okey lang kahit ano, papakinggan at paniniwalaan ko, kahit ano nga pinapaniwalaan ko pati yung end of the world sa december 21, 2012,"
"weh? tapos na yun eh matagal na,2013 na kaya ngayon,"
"ahh ganun ba, sorry hindi kasi ako natingin sa kalendaryo iho,"
"haha, naiintindihan ko naman po,"
"pero willing naman ako maniwala sa sasabihin mo,"
"sigurado ka,"
"Oo,"
Okey fine, makulit yung bulag na ito eh kaya pinagbigyan ko sya sa gusto nya at isa pa gusto ko rin ikwento ito sa ibang tao, naupo ako sa tabi nya para maging maayos ang paguusap namin, pero di naman yung sobrang lapit, pagtitinginan na talaga kami ng mga taong dumadaan dun
"ganito kasi yun, nasagasaan ako ng bike tapos nawalan ako ng malay then pagising ko, nakakabasa na ako ng isip ng ibang tao, oh wag kang tatawa," sabi ko at mukhang seryoso naman syang nakinig sa sinabi ko
"ba't naman ako tatawa, eh wala ka namang sinabing joke," sabi nya
"sabagay, pero naniniwala ka ba sa sinabi ko,"
"Maniniwala ako pag nagawa mo sa akin yang sinasabi mo,"
"Yun nga ang problema eh, sa mga mata ko kasi nakikita yung isip ng iba, eh hindi gumagana sayo kasi nga baka dahil sa bulag ka,"
"ganun ba, oh edi ayos na rin pala yang powers mo iho,"
"ayos ba yun, di ko nga alam kung ayos ba na may ganto ako eh,"
"Alam mo iho, lahat ng bagay ay may dahilan, bakit di mo hanapin sa sarili mo ang dahilan kung bakit ka nagkaroon ng ganyang abilidad o kung bakit ikaw ang napili ng diyos na biyayaan ng ganyang kakayahan,"
May punto nga naman ang bulag na ito, mukhang may plano nga ang dyos kung bakit ako ang napili nya na magkamit ng abilidad na makabasa ng isip at yun ang kaylangan kong malaman, kahit papaano nakatulong din ang bulag na ito sa mga katanungan ko
"salamat sa mga sinabi mo kuya, kahit papaano naliwanagan ako ng konti," sabi ko at tumayo na ako sa pagkakaupo
"konti lang talaga, haha,"
"oh sige salamat, sya nga pala anong pangalan mo?"
"ah eh, camote cue pero camote na lang itawag mo sa akin," mautal nyang sagot
"camote cue? haha siguro mahilig sa kamote yung parents mo,"
"haha ganun na nga,"
"ako naman si Dark, oh pano alis na ako,"
"alis ka na agad,"
"Oo eh, pero pag may time ako babalikan kita dito,"
Pagkatapos ng lahat ng yun, di na ako sinumpong ng malabangungot na panaginip na yun na gumigising sa akin sa madaling araw pero nalate naman ako ng gising ngayon, nakalimutan kong i-set yung alarm ng cellphone ko
Lunes ng 6am na ako nagising, may pasok kami ngayon ng 7am kaya nagmamadali na ako, hindi na nga ako nag-almusal pero this time, di ko na nakalimutan yung I.D. ni Daine at nilagay ko na sya sa bag ko
Paglabas ko ng bahay nakita ko si Fhane, nakaupo sya dun sa upuan malapit sa bahay namin, nakabihis din sya ng uniform, oo nga pala ngayon pala sya papasok, pero di nya napansin ang paglapit ko sa kanya dahil busy sya sa pagtetext
"Fhane?" sabi ko
"oh Dark," paglingon nya
"anong ginagawa mo dito, bakit nandito ka pa eh 7am ang pasok natin ngayon," tanong ko
( eto talaga si Dark, gusto ko lang naman na sabay na tayong pumasok )
Hala, seryoso ba talaga ang babaeng ito, late na nga ako gusto pa akong sabayan, alam nya naman yung schedule namin eh, major subject pa naman ngayon
"ah akala ko 8am pa," palusot nya
"huh? bukas pa yun eh, ngayon yung 7am,"
"ganun ba, edi tara, sabay na tayo," sabi nya
"Okey,"
Wala na akong nagawa, kasi nandun na eh, gusto nya talaga akong makasabay. Naglakad muna kami papunta sa sakayan pero dahil sa mas mabilis akong maglakad eh nahuhuli siya
"huy Dark, sandali lang," sabi nya na pilit na humahabol sa akin
Huminto ako sa paglakad para abutan nya ako kahit labag sa kalooban ko kasi nga late na kami diba
"bagalan mo naman ng konti, luge ako sa laki ng mga hakbang mo eh," sabi nya nung maabutan nya ako
"eh kasi late na tayo eh," sabi ko
"okey lang yun, normal lang naman sa mga college yun,"
"nakakahiya kaya yun,"
"ayos lang yun, magkasama naman tayo diba," sabi nya
Medyo naiilang na ako kasama si Fhane, yung feeling na para kaming magsyota dahil sa sobrang closed namin sa isa't isa
ITUTULOY . . .
BINABASA MO ANG
Mystery Life: Hidden Story
FantasyAng kwento tungkol sa misteryong pagkatao ni Dark na nagkaroon ng ability na makabasa ng iniisip ng ibang tao sa pamamagitan lang ng pagtingin sa kanilang mga mata. Maganda nga ba ang idudulot nito sa kanya? Handa na rin kaya syang mabunyag ang mga...