Chapter 5

584 25 6
                                    

1961

Y/N POV

Kakauwi ko lang kahapon galing sa states at nagpaplano nanaman ang aking inay ng handaan.

"Bukas. Okay Y/N?" paalala ng aking inay.

"Dadalaw din pala dito si Congressman at ang kaniyang asawa. Pati narin sila Donya Josefa. Balita ko tatlo na iyong anak nina Ferdinand" dagdag niya.

Ah talaga ba?

"Opo Inay" sabi ko at ako'y umalis na.

Nagpa plano nga pala kami nina Pacifico, ang kapatid na lalaki ni Ferdinand, na magtayo ng sariling clinic. Palibreng gamot para sa mga mahihirap.

"Where are you going?" tanong ng aking ama.

"At the clinic. I'm gonna be meeting up with Paco, dad"

"Okay, drive safe"

At tumungo nako doon.

"Y/N" sigaw habang kumakaway

"Paco! I've missed you!" sabay yakap ko sa kanya

"Kamusta ka na ba? Kasal na o hindi pa?" dagdag ko

"Naku! Hindi pa nga eh. Inunahan na ko ni Freddie. Mag tatatlo na yung anak" ika niya. Lumambot ako at medyo nasasaktan.

"Talaga ba? Mabuti naman hehe" yan lang ang lumabas sa aking mga labi.

"Pasok na tayo?" sabi ni Paco

*flashback*

"Ilan bang anak ang gusto mo?" tanong ni Ferdinand

"Hahaha seryoso ka ba?"

"Oo naman, dyan rin naman uwian natin"

"You really see a future in us, huh?" tanong ko habang siya nakangiti lang nang hinihimas ang aking kamay

"Ilan nga?" tanong niya ulit

"I don't know? Tatlo?"

"Pano pag gusto ko ng sampung lalaki?" patawa niyang sinabi

"Aso ba tingin mo sa akin?" at nagtawanan kaming dalawa

"Ah basta gusto ko may twins, doesn't matter if it's a girl or a boy. Pero alam mo ba yang usapang matanda na may kahulugan kung bakit babae o lalake ang anak mo?"

"Talaga ba? Sige nga? Ano bang mga sabi sabing mga iyan?" tanong niya

"Sabi nila na pag lalaki daw,tapat yung asawa mo pero pag babae, eh, kabaliktaran"

"Sure ako na lalaki lahat ng magiging anak natin" sabi niyang nanlalaki ang ngiti. Kitang-kita ang kanyang butas sa pisngi.

"Aba dapat lang talaga tapat ka sa akin" pasimpleng galit ko sa kanya

*end of flashback*

"Huy" mahinang tulak sa akin ni Paco

"Lalim naman ng iniisip mo. Ano sa tingin mo?" dagdag niya

"Ang alin?"

"Ano ba kasing iniisip mo? Mukhang kanina ka pa yata di nakikinig ah?"

"Haha wala. Yung lugar ba? Okay naman siya. Maluwag ang espasyo at gamit nalang din yun kulang. Namili na kami ni Rosa kahapon sa mga ilalagay dito. Bukas na daw nila ipapadala dito"

"Ano bang gagawin mo sa ibabaw na espasyo? Kung sa baba lang naman ang ating clinic?"

"Gagawin ko nalang sigurong tirahan, Paco. Para na din malapit"

"O sige, mabuti naman yan para pag may kagipitan eh andito ka lang"

Sa isang malawak na bakuran sa San Fernando kami magpapatayo ng clinic ni Paco. May dalawang palapag. Sa taas ay ang magiging tahanan ko habang sa baba ay ang magiging clinic. Ilang araw nalang din bago naming ito ibubukas.

"Taga saan ka nga, Paco?" tanong ko

"Taga San Juan. Magkalapit lang kina Ferdinand. Dayo ka doon minsan Y/N"

"O sige, sa susunod kung makakaluwag. Siya nga pala, bukas may handaan sa kina Inay"

"Oo nga. Banggit din sa akin ni Inay. Pupunta talaga kami at may leachon" sabi ni Paco'ng tumatawa

"Oh siya. Alis na ako Y/N. Kita nalang tayo bukas"

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon