WHERE IT ALL STARTED
Main Characters:
Denise Fae A. Madrigal
Ken J. Villacruz
Author's Note: This story purely is a product of the author's imagination. Any resemblance in true life situation is purely coincidential. Enjoy reading!!! Hehe...
"Daddy, lift me up."
"O, dahan-dahan lang, Paul. Baka mahulog yung bata. Naku! Naku!"
"Haha. Don't worry, hon. I got him."
"Yehey! Wow, mommy at daddy. Pakiramdam ko, lumilipad ako. Hehe."
Nakakatuwa namang pagmasdan ang pamilya nila. Hayy... kelan kaya ako magkakaroon ng sariling pamilya?
Oh, nandyan na pala kayo. Ang mabuti pa'y ipakilala ko na ang sarili ko.
Hi, everyone. My name's Ken J. Villacruz. I am 24 years old and a successful businessman. And so... yeah. That's all.
Tumayo na ako mula sa bench ng inuupuan ko. Dito sa bench kung saan nagsimula ang lahat.
---
Sophomore year ko nun sa Austin Academy nang una ko syang makita.
Kasama kong naglalakad nun sa hallway ang bestfriend kong si Kristoff. Pabalik na kami sa classroom namin. Section 2-B kami which means ang general weighted average namin ay 90-92. Hindi naman sa pagmamayabang pero matalino talaga kami nitong si Kristoff. Hehe.
Napadaan kami sa classroom ng 2-A. Napansin naming nagkukumpulan ang mga tao dun.
"Ano kayang pinagkakaguluhan nila?" - tanong ni Kristoff.
"Malay." - pagsasawalang-bahala ko. E hindi naman talaga ako interesado eh.
"Tingnan kaya natin." - suhestiyon ni Kristoff.
"Tss. Wag na." - sabi ko at naunang naglakad. Sumunod naman sa'kin si Kristoff.
Walang tao pagkarating namin sa classroom. Nagtungo na ko sa upuan ko at gayundin si Kristoff. Since Villacruz ang apelyido ko e sa likod ako nakaupo. Luckily, sa may bintana kaya tanaw ko ang school ground. Si Kristoff naman e nasa unahan nakaupo since ang apelyido nya e Buenaventura.
Nakatanaw lang ako sa labas nang biglang tumunog ang bell. Nagsidatingan na ang mga kaklase namin.
"Grabe, para syang barbie doll."
"Oo nga e. Ang ganda nya no?"
Rinig na rinig ko ang pag-uusap nina Claire at Farah. Nasa unahan ko sila nakaupo. Hmm... sino kayang pinag-uusapan nila?
"Ay, oo nga pala. Mamaya pag nakita ulit natin sya magpapicture naman tayo. Hihi." - Claire.
"Okay-okay." - pagsang-ayon ni Farah.
Dumating bigla si Mrs. Elizaldo at agad na nag-quiz. Di bale, nagbasa naman ako ng sunod naming topic.
After ng History class namin kay Mrs. Elizaldo e nagbihis na kami para sa PE class namin then nagtungo kami sa gymnasium.
Umupo muna kami sa bleachers dahil may gumagamit pa ng gym. Napaaga ata kami ng dating. Sabagay, 15 minutes before mag-time kami dinismis ni Mrs. Elizalde.
"Sino ba yung pinagkakaguluhan dun sa 2-A kanina?" - natanong ko kay Claire due to curiosity.
"Ah... transferee."
"Transferee?"
"Hayun sya o."
Tumingin ako sa direksyon na tinuro ni Claire.
BINABASA MO ANG
WHERE IT ALL STARTED
Short StoryNaranasan mo na bang magkaroon ng crush? E kung oo... try mong basahin 'to at alamin ang pinagdaanan ng bida... hehe.