Ito na yung araw na pinakahihintay ng iba. Oo sila lang. Dahil sila lang naman ang excited sa mangyayti ngayon ako hindi, kinahabahan ako dahil first time ko sa ganitong kaganapan.Kahapon pa ako kinakabahan. Baka hindi kami manalo? Hindi naman kasi ako kilala dito sa school baka kaunti lang ang magcheer saamin lalo na saakin. Kagabi hindi ako nakatulog dahil iniisip ko na baka hindi kami manalo baka dahil sakin matalo kami ni Akihiro by partner ang mananalo kaya sobrang kinakabahan ako. Hindi ako mapakali kanina pa!
Nasa back stage na lahat ng candidates nag aayos para sa event ngayon. Inaayusan na ako ni Alvin. Siya ang nagmemake up saakin ngayon. Naayusan na niya si Akihiro naka flannel siya na blue sa loob nun ay white t-shirt at ripped jeans na pantalon na color black. Bagay naman sakanya kasi mahaba ang legs nya at naka vans shoes na navy blue sya.
Naka flannel din ako na blue sa loob nun naka spaghetti strap ako na puti. Naka ripped jeans na black din ako at navy blue na vans. Kailangan pareho ng suot ang magkapartner sa unang pagrampa namin.
Hindi ako natulungan ni Ate Akira na mag ayos ngayon dahil masama daw ang kanyang pakiramdam. Hindi din siya pumasok ngayong araw kaya pinaubaya nya yung event ngayon sa vice president ng student council. Nitong mga nakaraang araw ang tahimik nya. Madalas hindi sya kumakain ng maayos, hindi sya kumakain sa gabi palagi nyang sinasabi na busog pa sya. Kaya siguro sumama ang pakiramdam nya. Hindi siya lumalabas ng kwarto tuwinh walang pasok at kapag umuuwi sya sa bahay. Ang laki talaga ng epekto ng pagmamahal naapektuhan ang buo mong katawan.
Akala ko simpleng away lang ang nangyari sakanila pero hindi pala. Kaya siguro gusto ni Ate Akira na mapag isa para makapg isip. Ganoon naman talaga yung mga taong nakakaranas ng sakit. Gusto palaging mag isa. Nag aalala na kami ni Mama baka maapektuhan ang pag aaral nya. Nalaman na rin ni Mama yung tungkol sa boyfriend ni Ate sinabi ng mga kaibigan nya nung bumisita sila sa bahay. Noong araw na yun napilitan na sabihin ni Ate yung nangyari. Matagal na pala sila ni Kuya Adrie yung boyfriend nya three years na daw sila magfofour years na sana sila bukas kaya gusto daw ni Kuya Adrie na ipakilala si Ate sa pamilya nya yun nga lang ayaw ng Mama ni Kuya Adrie sa Ate ko. Nagulat si Mama sa nalanan nya kahit ako ay nagulat na may boyfriend na pala ang Ate ko at hindi nya sinabi iyon saamin loob ng tatlong taon.
Tapos na kaming ayusan ni Alvin. Nilagay narin namin yung number namin sa may gilid ng damit sa suot namin. Pang anim kami ni Akihiro. Nakaupo kami ni Akihiro sa harap ni Alvin habang sinabihan nya kami kung ano ang dapat naming gawin.
Walang Q & A kaya bawas kaba. Pagandahan at pagwapuhan daw ang event nato. Ano naman ang laban ko? Hindi ako kagandahan kagaya ng mga kasali ngayon.
"Good Luck satin Ate Yumi!" Sabi ni Diarra nung nagkita nya ako bago siya umakyat ng stage.
"Good Luck!" Sabi ko. Ngumiti siya sakin saka umakyat sa stage.
Nagsisimula na ang event kaya todo ang kaba sa dibdib ko. Pinagpapawisan na ng malamig ang kamay ko.
"Guys! Kaya nyo yan wag kayong kabahan!" Sabi ni Alvin. Tumingin ako kay Akihiro mukhang hindi naman sya kinakabahan o hindi lang halata?
Tumingin si Akihiro saakin. Nginitian ko sya pero nag iwas lang sya ng tingin. Napanguso naman ako. Sungit. Naghihintay nalang kami na tawagin kami.
"Oh guys! Susunod na daw kayo! Yumi yung sinabi ko sayo chin up! Huwag yuyuko. Akihiro ikaw gamitin mo ang charms mo para sumigaw yung mga babae! Guys galingan nyo audience impact ang pinakamataas na score! Keri nyo yan!" Sabi ni Alvin. Pumapalakpak pa sya habang nagsasalita. Natawa ako sa kilos ni Alvin parang siya pa ang kinabahan saamin. Medyo nawala yung sandali yung kaba ko dahil sa pagtawa sakanya. Umiling lang si Akihiro.
BINABASA MO ANG
When I'm in High School (Completed)
General FictionHigh School Means Life. Fun. Memories. Love. Ang sarap balikan ng High School Life. Mula sa unang pagtibok ng puso. "Haaaay! Ang cute nya talaga!" Sa mga hindi papaawat na kalokohan "Tara cutting tayo!" Sa gi...