Pumasok ngayon aa trabaho si Nadia pero bilang office engineer. Naririto siya para magbigkis ng mga Architectural Plans and Blueprints.
Hindi masaya sa opisina si Nadia dahil mas gusto niyang nandodoon sa construction site pero kailangan niyang mag bind kaya wala na siyang ibang pagpipilian.
Muk'ang pagod si Nadia ngayon kaya pagkatapos niya sa kanyang trabaho, pumunta lang siya sa isang fast food at kumain ng hapunan. Ang balak niya kasing gawin mamaya ay magpahinga at matulog dahil mahaba haba ng oras ang ginugol niya sa trabaho.
Pagkalipas ng tatlong araw ay nasa site naman si Nadia, ilang araw na ding hindi nagkikita sina Joseph at Nadia dahil gusto niya ngayon ibuhos lahat ng oras niya sa trabaho dahil sa mga nakalipas na araw na nandito ang pamilya niya.
May dumating na truck ng hallow blocks kaya tinawag nang isang manggagawa ang kanilang Engr. Mendoza. Pumunta agad si Nadia para magsagawa ng CHB Drop test kung saan susubukan nila yung tibay ng CHB.
Nilagay niya na sa kanyang kamay ang hollow blocks na naka pahalang saka nagsimula. Ang unang subok ni Nadia ay ito'y nadurong.
Mga durong ito kaya pina subukan din ito ni Nadia sa kanyang ka-trabaho at ito'y nadudurog talaga.
Rejected ang hallow block na dinala ngayon. May dumating muli na truck kaya hindi na gumalaw si Nadia sa pwesto at hinintay na lang na huminto ang truck.
"Magandang umaga po, Engineer." Pagbati sa kanya ng driver.
"Magandang umaga din ho." Naka-ngiting sambit nito sa driver.
Kumuha na si Nadia ng isang pirasong hallow block at nilagay ito sa baba, kumuha na din siya ng metro para isukat ang actual dimension ng hallow block.
40 cm and 6 inches. Tama.
Nagsimula ng mag drop test muli si Nadia nang bigla niyang nabitawan yung hallow block pero hindi ito nabasag. Pinagpag niya muna yung kamay niya saka umulit.
Nilagay niya na sa kanyang mga palad ang hallow blocks saka sinagawa ang drop test.
Ito ay hindi nadurog o nabasag.
Pinasubukan niya din ito sa driver kaya ngumiti lang ang driver dahil accepted ang kanyang dineliver na hallow blocks.
Pumunta si Nadia sa isang bahay na nagawan na ng katawan kaya sinukat ito ni Nadia kung tama ba ang lapad nito.
Ang ginagawa nilang pabahay ay 50 SQ. M. lang. Pumasok si Nadia sa loob habang dala niya ang kanyang bond paper kung saan nakalagay do'n ang mga sukat ng gagawin nila.
Tama naman iyon nang biglang tumawag si Joseph sa kanya.
Hindi niya ito sinagot hanggang sa maka tatlong tawag ito ay pinapatayan niya pa din si Joseph ng tawag.
Nagpahinga muna sandali si Nadia nang may lumapit na tao sa kanya.
"Engineer, ba't ang puti niyo ? Tapos ang kinis pa ng iyong muk'a e lagi kayong nakabilad sa araw tapos maalikabok pa dito." Ani niya.
Bumingisngis muna si Nadia, "Hahaha maputi ho talaga ako at hindi peke ang aking kutis."
Biglang naging Batanguño ang impit na pananalita ni Nadia dahil ang kanyang kausap ay gano'n din ang accent.
"Gusto ko nga hong maging tan na tan, yung morena ho ba. At tungkol naman ho sa aking muk'a e kumunsulta po ako sa dermatologist. At inirekomenda niya sa akin ang Astrigent no 2 adapelene gel at sunblock SPF50." Dugtong niya.
Maya-maya bumalik na si Nadia sa trabaho niya nang biglang may sasakyan na umayaw sa kanyang atensyon.
Kumunot ang noo ni Nadia nang makita niyang si Joseph ang lumabas sa sasakyan ay si Joseph.
Naglakad si Nadia papalapit sa kanya dahil baka sa harap pa sila ng mga gumagawa mag talo.
"Why are you here?" Bungad ni Nadia.
Magiisang linggo na silang hindi nagkikita pero imbis na yakap ang isalubong ni Nadia kay Joseph ay pinagtabuyan niya ito.
"You didn't answer my calls, even my messages." Sagot ni Joseph sa kanyang girlfriend.
"I'm busy, bitch." Pabulong na reklamo ni Nadia dahil baka siya ay marinig ng mga kasama niya sa trabaho.
"But I miss you. Have some time with me, Nads." Ani ni Joseph at binigyan ng malungkot ng mukha si Nadia.
Inirapan lang ni Nadia si Joseph saka naglakad papalayo dito at bumalik na sa trabaho.
Hindi na na sumigaw si Joseph ng pangalan ni Nadia dahil baka mabulabog nito ang mga gumagawa.
Ang tangi niya na lang nagawa para ilabas ang inis na kanyang nararamdaman ay sinipa niya ang malaking bato na nasa harapan niya.
Nadia's POV
Nag over time ako ngayon dahil sobrang daming trabaho at gusto ko iyon matapos ngayon araw dahil ayokong matambakan ng maraming trabaho.
Ang dilim dito, nag over time din siguro yung kapitbahay ko, patay din kasi yung ilaw nila sa labas.
Pumasok na ako at nagulat ako ng may biglang tumulak sa akin sa pader kaya pinindot ko agad yung switch ng mga ilaw na nasa gilid ng ulo ko.
I saw Joseph's serious face.
"Ba-bakit ka nandito gago?" Nauutal ko sambit kay Seph habang seryoso siyang naka-tingin sa'kin.
"I said I miss you." Seryosong sagot niya kaya napatingin na lang ako sa mga braso niyang kinulong ako.
"I said, I'm busy." Angal ko at sinubukan ko siyang itulak pero hindi ako nagtagumpay.
I was surprised again when he kissed my lips so hard.
"Jo... Joseph!"
Hindi ako makapag-salita sa mga halik niya.
"Amoy sumento na ko!" Reklamo ko agad sa kanya nung huminto siya.
Umayos lang ng tayo si Seph saka sinarado yung pintuan ng bahay ko. Tangina baka may nakakita pa sa'min. Nakakahiya.
"Maria Nadia naman! Come on, hindi ganyan ang bonding! Sinusuyo mo dapat ako ngayon kasi nagtatampo ako. Yakapin mo dapat ako, lambingin mo dapat ako, gano'n ang bonding!"
Sigaw niya sa'kin pero imbis na magalit ako e napangiti na lang ako sa mga asal niya ngayon.
Bakit ba kasi ang cute ng tarantadong 'to?
"Gago marinig ka ng kapitbahay, ang lakas ng boses mo." Reklamo ko sa kanya habang nakakulong pa din ako sa braso niya.
"Ano naman ngayon?" He looked at me badly.
"HINDI NAMAN TAYO MAGPAPATAYAN, MAGLALAMBINGAN TAYO!"
Mas lalo niya pang nilakasan yung boses niya kaya tinakpan ko na lang yung bunganga niyang parang nakalunok ng sampung speaker.
"Tangina mo talagang gago ka!" Gigil na gigil kong sambit.
'Di ko magawang sumigaw baka sabihin ng kapitbahay buntis na ko bukas.
YOU ARE READING
The Secret Life Of Misfits | √
RomanceCorrupted Lies Series #2 Nadia back to the Philippines after her master's degree in Singapore. Nadia and Joseph continued to see each other and to catch up every single thing they missed to each other. But Joseph had three children so their relation...