Gusto ko...

46 0 0
                                    

Gusto ko, caring. Sakitin kasi ako, at gusto ko, tuwing nagkakasakit ako, andiyan ka sa tabi ko. Ikaw 'yung magaalaga sa akin, bibilhan ako ng gamot, pipilitin akong pumunta sa doktor at magpachech up, ganun ba. At kapag pinagpapawisan ako, andiyan ka para punasan yung pawis ko, at sasabihan mo akong magpahinga na kasi halatang halata na pagod na ako.

Gusto ko, maeffort. Gusto ko 'yung sinosorpresa mo ako tuwing monthsary natin, o di kaya anniversary, o birthday ko, pasko, new year, at kung ano-ano pa. Di naman kailangan na mayaman ka eh, di ko naman kailangan ng materyal na bagay or kahit anong mamahaling gamit, as long as pinaghihirapan mo, okay na sakin yun.

Gusto ko, gwapo. 'Yung tipong tinitilian, ganon. 'Yung head turner. Gusto ko kasi, kapag nagka boyfriend ako, lahat ng babae mapapalingon, at magseselos. Yung pagchichismisan kayo dahil sa sobrang gwapo ng kasama mo. Yung kinikilig sila sa tuwing dadaan ka tapos tatayo ako, haharap sa kanila, at sasabihing "Excuse me. Boyfriend ko yan". Ganun ang gusto ko.

Gusto ko, sweet. Magsusubuan tayo. (Corny, alam ko). Basta! Yung lalanggamin tayo, ganon.

Gusto ko, boyscout. Laging handa. 'Yun bang "call my name and I'll be there" ang peg mo, pero hindi ko na kailangan tawagin pa ang pangalan mo dahil nasa tabi mo lang naman ako.

Gusto ko, matalino. Hindi mo na kailan mag-aral, hindi mo na kailangan makinig ng todo-todo sa teacher, at hindi mo na kailangan magpuyat magdamag para mag-aral, kasi nga, matalino ka na.

Gusto ko, understanding. Maiintindihan ka. Iintindihan ka. At naiintindihan ka.

Gusto ko, photojournalist. Dapat araw-araw kang may dala-dalang camera o kahit cellphone lang, basta nakukuhanan mo ng litrato lahat ng masasayang moments natin tapos lalagyan mo ng caption. Pwede rin yung parati kang kumukuha ng stolen shots, tapos ipaoakita mo lahat ng 'yon sa isang mahalagang okasyon.

Gusto ko, magalingsumayaw. Shemay. Sobrang nakakainlove nun.

Gusto ko, gentleman. Yun bangikaw yung magdadala ng bag ko. Papaupuin mo ako sa upuan kapag naubusan tayo ng mauupuan o di kaya ikaw ang kakarga ng banko ko. Bibilhan mo ako ng pagkain sa tuwing nagugutom ako. Ikaw yung bibili ng tampons ko kapag dinatnan ako ng hindi ko alam.

Gusto ko, responsable. Alam mo kung ano ang priorities mo. Hindi mo kailangan yung paulit-ulit kang pinapaalalahanan tungkol sa ganito, ganyan, ganon. Yun bang naka mind set na kung ano yung kailangan mo gawin para sa araw na 'to, para bukas, at para sa future.

Gusto ko, masarapkasama. Hindi awkward. Hindi kayo nauubusan ng topic kahit pa buong araw na kayo magkasama at naguusap. Tapos kahit wala kayong gustong sabihin sa isa't-isa, kahit na pareho kayong tahimik lang, ang saya mo parin kasi ang sarap niya talagang kasama.

Gusto ko, marunongkumanta. Turn on din yun. Sobra. Lalo na kapag nililigawan ka pa lang, tapos kakantahan ka. Yung tipong mapapa oo ka sa sobrang ganda at sobrang sarap pakinggan ang boses niya.

Gusto ko, masayahin. Moody ako. Sobra. Kaya naman, gusto ko yung taong kaya akong pasayahin kahit na mukha na akong pinagsakluban ng langit at lupa sa sama ng mukha ko dahil sa sobrang pagkabadtrip. Nagagawa mong ayusin ang mood ko sa pamamagitan ng pagbato ng joke na sa sobrang corny, nakakatawa na.

Gusto ko, mayrespeto. Hindi nawawala yung "po" at "opo" mo sa mga matatanda. At pati na rin yung kahit na maghubad ka sa harap niya (which is hindi pa rin dapat ginagawa) hindi ka niya gagalawin o kahit tignan man lang.

Gusto ko, masarapmagluto. Masarap magdate ng kayo lang dalawa lalo na't alam mong siya ang nagluto. Yung heaven yung feeling kapag natikman mo yun luto niya at hinding-hindi ka magsasawa kasi ang saraaaaaaap niyang magluto. Gigising ka sa umaga, bababa ka ng dining area na may nakahanda nang mga pagkain sa mesa na niluto niya para sa'yo, tapos matutulog ka sa gabi na busog na busog dahil siya na naman ang naglutong dinner niyo.

Gusto ko, marunongmagdrive. Advantage 'yun no. Hatid sundo ka niya sa school. Tapos siya rin ang maghahatid sundo sayo sa date niyo. Hawak-hawak pa niya kamay mo sa loob ng kotse habang nagmamaneho siya.

Gusto ko, loyal. Syempre. Sino ba namang babae ang gusto 'yung habang sila pa, may ibang nilalandi ang boyfriend nila? Diba wala?

Ang dami kong gusto, diba? At lahat ng 'yun, wala sa'yo. Hindi ka gentleman. Ako pa ang pinapadala mo sa mga gamit mo. Handi ka gwapo, well, may itsura ka naman pero hindi ka tinitilian. (Pwede na yung point 5). Hindi ka caring, nagkasakit na ko't lahat-lahat pero tinatawanan mo lang ako. At dun, dun sa part na 'yunmasasabi kong masayahin ka. Minsan ka lang rin mag-effort, kasi parati kang busy sa hindi ko alam na bagay. Hindi ka photojournalist, naniniwala ka kasi na memories are the best souvenirs. Hmm. May point ka dun, infairness. Hindi ka matalino, nagrepeat ka pa ng nung elementary ka. You're not sweet, myghad! Ang bitter mo! Understanding ka ba? Point 5 lang din! Gago ka! Wala kang respeto! Hindi ka boyscoutat lalong lalo hindi ka responsable. Ako pa nagpapaalala sayo ng mga bagay-bagay. Hindi ka masarapmagluto. Minsan sunog, minsan masyadong maalat, madalas walang lasa. May mali ba diyan taste buds mo? Haaay! Hindi ka marunongkumanta. Please lang. Magpapakamatay ako kapag kumanta ka I swear. Ang tigas ng katawan mo! Ang pangit mong sumayaw. Hindi ka rin marunong magdrive. At ang rason mo? "Pwede na naman na magcommute eh". Grabe, nakaka GG ka, alam mo yun? Hindi ka rin loyal. Parati kang may kasamang babae tapos inaakbayan mo pa! Sa tuwing nagtatanong naman ako sayo, ang sagot mo parati, "kaibigan ko lang yun". Oh, diba? Ganda ng sagot mo. Kaibigan daw pero todo maka akbay. Hindi ka macho. Hindi spiky ang hair mo. Wala kang abs. Hindi ka sporty. Parati kang tambay. At ang bad boy mo talaga!

Ano ba yan! 2/18 lang ang score mo! So bale, 11% ka lang dun sa checklist ko?

Eh pero pake ko ba?

Ikaw namananggustoko, eh.

Gusto ko...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon