Chapter 29
"Single ulit?", Hailey asked.
May ginagawa siyang design sa kanyang laptop at ako naman ay nagrereview para sa quiz ko bukas. Bihira kaming magkita kahit na nasa iisang university lang kami. We're all busy with schoolwork.
Kahit nga si Cain, hindi na makapagparamdam sa amin dahil graduating na siya ngayong taon. Ako naman ay may may dalawang taon pa dahil limang taon ako sa arki. Hailey has one more year left.
"Oo. Hiniwalayan ko na. He's too aggressive. I already told him that I don't want to get too physical with him. Kung saan-saan napupunta ang kamay niya", saad ko at nailing.
"Hanap ka na ulit. Actually, hindi mo naman kailangan maghanap. Ang haba ng pila sa'yo! Kaloka! Kahit nga mga taga ibang universities, dinadayo ka rito", sambit niya at ngumisi ako.
She's got a point. Kung lalake lang naman, hindi ko kailangang maghanap. The line is long and I just need to pick whoever I want to date and make my boyfriend. Minsan kahit hindi na boyfriend, kahit fling lang.
Ganoon ako sa nakaraang tatlong taon. Papalit-palit lang ng lalake. Hindi ko naman pinagsasabay, pero hindi kasi ako pumapayag na bakante ako nang matagal.
I like the thrill of meeting new guys. I like it when they give me so much attention, and when they confess how much they like me na kung kaya nilang sungkitin ang buwan ay gagawin nila para sa akin. I've always wanted to be liked that way... at kahit papaano ay napaparamdam naman iyon sa akin ng mga lalakeng iyon.
"Hmm. Hahanap ako ng moreno ulit", sambit ko.
I don't date mestizos and engineers. Iyon ang number one requirement ko.
"Kilala mo ba si Troy Gavillan?", tanong ni Hailey.
Namula ang pisngi ko. Of course, I know him! Fourth year na siya at architecture din ang kinukuha. We're in the same org and I often walk past him. Palangiti siya at mabait sa kahit na sino. Matalino rin kaya favorite ng mga profs.
I even took a photo of his work displayed in an exhibit here in our school. Manghang mangha ako sa mga designs niya. Gusto ko sanang makausap kaya lang hindi ako makakuha ng tiyempo dahil busy daw iyon lagi.
"Oo naman...", saad ko at nagpigil ng ngiti.
"Crush mo 'no? Cute niya 'no?", sambit niya at tumango ako. "Crush ko rin 'yun", saad niya at umaktong kinikilig.
"Single ba?", tanong ko.
"Hindi ako sigurado. Wala 'yong naging girlfriend, ever! But I heard he's quite close to Clara Del Rio, 'yung artista? They're often seen together with some friends."
Napatango ako. Clara Del Rio. I know her. Maraming may crush doon sa mga blockmates ko dahil maganda raw. Kung hindi ako nagkakamali, dito rin sana niya ipagpapatuloy ang college studies niya ngunit dahil sa sobrang hectic ng schedule ay napilitang lumipat sa ibang school na nago-offer ng online classes.
Naging sila rin yata ni Theo.
Ngumiwi ako. "Hindi pala pwede", sambit ko.
But that week ended with me getting another date with a law student. Hindi rin naman nagtagal dahil busy siya. Halos hindi ko na nga makasama! Ito ba 'yung naramdaman ni Harold sa akin dati?
And the years passed just like that.
"Why don't you date me instead?", si Scott na nakahilig sa mesa ng isang bar kung saan kami nagkita. Katatapos lamang ng finals namin at nagyaya ang ilan sa mga blockmates ko na uminom kaya sumama ako. I need this, too. Mababaliw ako sa college program na kinuha ko kaya kailangang kailangan kong mag-unwind.
BINABASA MO ANG
The Calm in the Chaos (Trazo Real Series #3)
RomanceAdi, a child from a family of politicians in Batangas, grows fond of Rafael, her late cousin's closest friend. As their lives intertwine, Adi realizes that her life will always be chaotic. But she found serenity in her new found friend, Rafael. Adr...