21

151 13 0
                                    

Nagpasya akong bisitahin namin si Jasmine at kailangan ko rin siya makausap tungkol sa pinagusapan namin ni daddy noong isang araw. Nagulat pa nga siya pagkakita niya sa amin nasa labas na ng bahay niya.

"Mommy..." Niyakap siya ni Eve.

"Why are you here?" Tanong niya sa akin.

"Hindi ba ang sabi ko sayo dati na kami ang bibisita sayo para hindi ka na gumastos pa ng pamasahe kung gusto mo kami makasama."

"Alam kong busy ka sa trabaho para bumisita sa akin."

"Weekend, Jas. Wala akong pasok kapag weekend."

"Pasok ka muna." Alok niya sa akin.

"No, no... yayain ka sana namin mamasyal. Namiss ka na kasi ng bata."

"Si Eve lang ba ang nakamiss sa akin?"

Napakamot ako ng ulo. "Siyempre namiss rin kita."

"Pumasok ka muna kasi magpapalit pa ako ng damit." Alok niya ulit sa akin.

Nilibot ko ang paningin ko nang pumasok na ako sa loob ng bahay niya at may nakita akong picture sa side table. Siya siguro ito noong bata pa. Ang cute niya.

"Si mommy po 'yan nasa picture." Sabi ni Eve. Tama nga ako na si Jasmine nga ito.

Sobrang tuwa nga ni Eve na kasama niya ulit ang mommy niya. Matutupad na talaga ang gusto niyang mangyari. Ang maging kumpleto ang pamilya niya.

"Eve, don't run!" Sabi ko. Baka kasi mawala siya sa paningin namin.

Huminto siya sa pagtakbo at humarap sa akin. "Daddy, mommy, pwede mo bang makipaglaro sa ibang bata sa palaruan?"

"Sure, have fun. Dito lang kami ng mommy mo."

Habang naglalaro si Eve sa ibang bata ay naghanap kami ni Jasmine ng mauupuan sa malapit para mabantayan namin si Eve.

"May balita ka pa ba sa ex husband mo?" Tanong ko.

"Wala akong balita sa kanya simulang maghiwalay kami. Bakit mo natanong?"

"Nothing. Ang akala ko kasi naguusap pa rin kayo."

"Iyon kasi ang sinabi ko sa kanya na putulin na ang ugnayan namin. Makakabuti na rin sa amin ang ganito na walang ugnayan sa isa't isa. Hindi niya ginugulo ang buhay ko ngayon."

"Alam ba niyang buntis ka ngayon?"

Umiling siya. "Wala siyang alam. Ikaw pa lang ang nakakaalam na buntis ako."

"I see... Sinabi ko nga pala kay dad ang tungkol sa pagbubuntis mo."

Tumingin siya sa akin. "Ano ang sabi niya? Hindi naman siguro siya nagalit, 'no?"

"Mukhang hindi naman siya galit habang sinasabi ko sa kanya pero..."

"Pero ano?"

"Ayaw niyang maniwala na sa akin yung bata na dinadala mo. Baka daw kasi ang ex mo ang ama pero sinabi ko sa kanya na handa akong ipaDNA test para patunay sa kanya na akin 'yang bata."

"Wala nangyari sa amin ni Brent kahit bagong kasal pa lang kami pero pumapayag akong magpaDNA test."

"Sinabi ko rin kay dad na kahit hindi ako ang ama ay handa pa rin akong tumayong bilang ama niya."

"Si Eve? Sinabi mo na ba sa kanya?"

"Oo, sinabi ko na sa kanya noong isang araw. Sorry kung sinabi ko sa kanya na wala ka."

"Ayos lang. Busy rin kasi ako sa pagapply."

"Kung gusto mo pwede kitang tulungan na makapasok sa isang sikat na airline."

"Talaga? Gustong gusto ko na ang magtrabaho. Halos isang linggo na akong nagaapply pero niisa sa mga inapplyan ko ay wala pang tumatawag sa akin."

"Kakausapin ko si dad na tulungan kang makapasok sa BlueSky Airline."

"Sa B-BlueSky Airline?! Ang pagkaalam ko mahirap ang makapasok doon. Mga professional ang mga empleyado nila doon, eh."

"Talaga? Sa naririnig ko kasi dati na tumatanggap sila ng mga baguhan na pero hindi ka naman baguhan sa pagiging flight attendant. At least may experience ka na. Ayaw mo iyon matutupad na rin ang pangarap mo makapunta sa ibang bansa."

"Gusto ko. Gagawin ko ang lahat na makakaya ko kung matanggap nga ako diyan at ayaw ko rin madisappoint ka lalo na ang papa mo."

Ngumiti ako. "May tiwala ako sayo, Jas."

"Eh, ikaw? May balak ka pa ba bumalik sa pagiging seaman mo?"

"May balak pero sa ngayon hindi na muna. Ayaw ko kasi lumaki si Eve na wala ako sa tabi niya. Tapos may parating pa."

Nakita ko na ang paglapit sa amin ni Eve. Mukhang napagod na makipaglaro sa ibang bata sa palaruan.

"Gutom na po ako."

"Kain na tayo." Tumayo na ako sa kinauupuan namin. "Saan mo gustong kumain?"

"Kahit saan. Hindi naman ako pihikan sa pagkain kumpara noong pinagbubuntis ko pa si Eve."

Pumunta na kami sa isang restaurant na tinuro ni Eve.

"Pumili ka na kung ano gusto mong kainin. Ako na ang bahala sa bill natin."

Pagkatapos namin kumain ay namasyal ulit kami. Niyaya ko si Jasmine na lumabas para magusap kaming dalawa pero nahihiya naman ako sa mga magulang ko na iwan si Eve para may kasama kaya sinama ko na siya.

"Daddy, mommy, nood po tayo ng movie!" Sabi niya at may tinuturo kung ano man iyon.

Hindi ba nauubusan ng energy ang batang 'to? Naglaro na siya lahat-lahat pero may energy pa rin.

"Sure, pumili ka na kung ano ang gusto mong panoorin."

"Sana hindi masyado pangbata ang piliin niya." Sabi ni Jasmine.

Natawa ako sa sinabi niya. "Ayos lang kahit pangbata ang piliin niya.  No choice rin naman tayo."

Bumili na ako ng ticket noong nakapili na si Eve kung ano ang papanoorin namin. Mabuti nga lang hindi masyado pangbata ang pinili niya.

Bumalik na ako sa kanila. "Bago tayo pumasok... gusto niyo ba ng popcorn?"

Umiling ang bata sa akin kaya tumingin ako kay Jasmine na kinailing niya rin. "Okay pa ako sa kinain natin kanina."

"Pwede na tayo pumasok sa loob. Kaya tara na."

Papasok na sana kami sa loob ng cinema noong nagsalita ulit si Jasmine.

"Comfort room lang ako kaya mauna na kayo sa loob."

"Sige. Heto yung seat number natin kaya sumunod ka na lang sa loob."

Nang matapos ang pinapanood naming movie ay naenjoy ko naman siya. Hindi kasi ako masyado mahilig sa pangbatang movies kahit noong bata pa lang ako o sabihin na lang natin na hindi talaga ako mahilig manood ng movies. Napapasugod lang ako kapag kasama ko si Eve.

Gabi na rin kaya hinatid ko na si Jasmine sa kanila. Pagkarating namin sa bahay niya ay bumaba na rin ako ng kotse.

"Thank you. Nagenjoy ako kanina." Aniya.

"Me too. Nagenjoy rin ako."

"Baka mainip na si Eve kaya papasok na ako sa loob."

"Tulog na si Eve. Kaya pala ang tahimik kanina, ayun tulog na pala. Naubos rin ang energy."

Tumawa siya. "Ganyan talaga ang mga bata. Hindi agad-agad nauubusan ng ener–"

Bigla ko siyang sinunggaban ng halik sa labi at agad naman siyang tumugon sa halik ko.

My Secret RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon