Nagsimula sa GM

851 28 26
  • Dedicated kay Jerus Blanco
                                    

YESHA's POV

*beep beep*

As usual, GM everywhere.

Open. Read. Delete. Scroll.

Paulit-ulit lang ginagawa ko hanggang sa...

BAAAAAAAAAMMM!

Ang lapad ng ngiti ko nang may isang message akong nabasa.

May message si pag-ibig!

Kahit GM niya lang yun, feeling mo nag-I LOVE YOU na siya sayo. Hahaha. GM lang, pakiramdam ko, kami na. Hahaha. Umagang kaylandi, pasensya. Mehehehe.

From: Kurt

Naging singer saglit. Good morning.

Parang PM, syet.  Para sa akin ba yuuuun? Kapal. Hahaha. Gusto syang replyan pero syempre, may natitira pa namang hiya sa sarili ko. Hahaha. Tsaka ampanget kaya kung mas nauuna pang magreply ang babae, Imma right? or left? Hmm, waley. Hahaha.

Singer? Hmm, nakalimutan ko ata yan sa research ko. Haha. Stalke... ay very no, admirer nya ako. Let's say nagresearch talaga ako about him. Hahaha.

Jyruz Kurt Pineda. Pangalawa siya sa tatlong magkakapatid. Anak siya ng mag-asawang owner ng isa sa mga pinakasikat na restaurant dito na sina Kristi at Jules Pineda. Si Jessie Kryz at Janna Kye ang mga kapatid niya. Member/President siya ng GLEE Club sa school. Honor Student. POGING TUNAY. May 3 moles sa cheeks, 1 mole sa lower lips at may super lalim na dimples sa magkabilang pisngi. Favorite food, Lasagna. Favorite color, blue. Pot-pot ang name ng pet niyang Labrador Retriever na palaging kasa-kasama niya kapag nagja-jogging siya sa park simula 4:35 am hanggang 6:50am. Di ako stalker. Researcher lang talaga. Haha. Daig ko pa nangalap ng info for RRL. Haha. I can say na sikat sya sa school kaya who am I ba para mapansin nya? I'm just Yesha Aye Garcia, 17, a not-so-known 2nd year FinAct student na may gusto sa kaklase nyang si Jyruz Kurt Pineda, 17 years and 10 months and 23 days old 2nd year FinAct student na nagkataong magkagrupo kami sa isang subject kaya kinailangang magpalitan namin ng numbers. Chaka besh, feelingerang may number lang ako kaya nakakareceive ako ng GM nya. Hahaha.

After kong maligo, since uso talaga ang GM, mag-gi-GM na rin ako. Malay nyo diba, kumagat sa GM ko si Kurt. Haha.

To: __________

Goodmorning!

*send to many*

*send

Tapos...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

SI PAG-IBIG!

Kumagat ngaaaa.

Nagpagulong-gulong ako sa kama ko sabay sigaw! Saya ko lang bish.

From: Kurt

Good morning rin. Kamusta Aye?

Wtf, am I dreamin'? Reply agaaad!

To: Kurt

Uyy, okay lang, myghaad. Ikaw, kamusta?


*nagpipigil ng kilig sa text

From that moment, nagtuloy tuloy na kaming magkatext. Oh diba? Kabog!

Nagsimula sa GMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon