TOS 22

107 30 14
                                    

Hanggang ngayon hindi parin nagsisink in sa utak ko ang sinabi ni lolo dad sa akin.

E-engagement party?

Ako? Magkakaroon ng ka engagement party?

Bakit ganito? Bakit sila nagdedesisyon para sa future ko?

Parang gusto ko nalang umiyak dahil sa mga desisyon nilang wala akong kaalam alam! Nakakainis!

Nandito ako ngayon sa library ng school, nagbabasa ako pero yung isip ko ay nandoon parin sa sinabi ni lolo.

Napahawak ako sa ulo ko ng maramdam kong kumikirot nanaman ito.

Parang wala akong gana mag aral ngayon, gusto ko nalang magpahinga dahil pakiramdam ko masama ang pakiramdam ko.

Kinuha ko na ang gamit ko sa library atsaka ako lumabas papunta sa may parking lot, sumakay ako sa kotse ko at minaneho ko ito.

Buti nalang at marunong na ako magmaneho ng kotse, dahil tinuruan ako ni lolo dad.

When I came home from school, I went straight to my room, my life here is so boring, I can't even talk to anyone here.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa iniisip ko, namimiss ko na ang Destiny Squad.

Sana makagraduate na ako para makauwi na ako sa pilipinas.

Hinimas ko ang tiyan ko atsaka ko iyon tinignan.

"Pasesnya ka na anak ah, kung marami akong iniisip, at na i-stress si mommy, hindi ko na kasi alam ang gagawin ko lalo na nagset sila lolo dad ng engagement party, bakit kaya kailangan pa nilang gawin yun? Mabubuhay naman ako kahit walang asawa ah, kakayanin naman ni mommy alagaan ka kahit ako lang mag-isa na walang hinihinging tulong sa kahit kanino" pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisngi ko. "B-basta anak bubuhayin kita sa abot ng aking makakaya" naiiyak kong sabi habang hinihimas ang aking tiyan.

Makalipas ang limang buwan ay malaki na ang tiyan ko, at apat na buwan nalang ay mailalabas ko na siya, at apat na buwan nalang din ay gagraduate na ako, napakagandang regalo ang anak ko para sa graduation ko, ngunit sabi nila ipapadala nalang daw ang diploma ko at ang medals ko kung sakaling hindi ako makapunta sa mismong graduation ceremony.

Naging close ko rin si Keila at eto nga kasama ko siya ngayon para sa ultrasound ko at para malaman narin namin kung anong gender ng baby ko

"Wow congratulations, it's a baby girl" nakangiting sabi ng aking OB. ako naman ay napatingin sa screen kung saan makikita ko ang aking baby. "And you're baby is very healthy" sabi pa ng ob ko, napangiti naman ako dahil sa magandang sinabi ng aking OB.

"I'm pretty sure Aisla na super cutie ng baby mo when she comes out of your tummy!" sabi ni Keila na halatang excited na excited sa paglabas ng baby ko. "ano nga palang name ang ibibigay mo for your baby girl?" tanong ni keila sa akin.

Nag isip naman ako kung anong babagay na pangalan sa baby ko.

"Hmm Kianna, Kianna Louise Xyceria" nakangiti kong sabi habang nakahawak sa tummy ko.

"Wow, sounds pretty" tuwang tuwang sabi ni keila.

a few minutes later my OB gave me the result of my ultrasound, pagkatapos nun ay lumabas na kami ni Keila sa clinic ng aking OB.

inalalayan naman ako ni Keila sa paglalakad.

Lagi akong iniingatan ni keila kapag sinasamahan niya ako sa lugar kung saan ko gustong pumunta. She is a very ideal bestfriend, siguro kung nandito lang ang DS iingatan din nila ako pero wala sila sa tabi ko, at hindi pa nila alam na buntis ako, natatakot kasi akong sabihin sa kanila.

Tears Of SorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon