VI.

2.3K 121 37
                                    

VI.

 


-Xyla-

 


"Hoy! 'Nong nangyari sa 'yo? Ba't ang laki ng eyebags mo?" Tanong sa 'kin ni Thea sabay upo. Walang gana ko syang tiningnan saka yumuko. Nung isang araw pa nangyari 'yon pero ngayon lang talaga nag-sink in sa 'kin yung sinabi ng lesheng 'yon.



"Hoy Xyla! Tigilan mo nga 'yang pagiging cold mo." Sabi nya pero nanatili akong nakayuko. 'Pag nasa school kasi, nagiging cold ako kahit kanino. Kumbaga may split personality ako.



"May dance practice kami mamaya." Nanlulumo kong sabi. Narinig ko naman ang hagalpak nya. Leshe. Napaka-supportive talaga nito.



"Hahaha. Kaya ba lumaki nang ganyan ang eyebags mo? C'mon Xyla! Sasayaw ka lang mamaya. 'Wag kang masyadong stressed." Sabi nya kaya tiningnan ko sya nang masama. 'Kala nito ang daling sumayaw.



"Tss. Gisingin mo na lang ako 'pag andyan na si Ma'am." Sabi ko saka yumuko ulit. Narinig ko syang bumuntong-hininga. Aba! 'Kala nito sya ang may problema.



Buong araw na lutang ang utak ko. 'Di ko rin pinapansin yung mga classmates ko na panay ang titig sa maganda at maamo kong mukha -_-. Tss. Inggit lang ang mga 'to.



At nung nag-ring 'yong bell na sign na uwian na, agad akong tumayo saka inayos ang mga gamit ko. Kelangan ko nang umalis dito. May praktis o wala, uuwi ako kasi baka 'di ako makapagpigil 'pag nakita ko ang hudas na 'yon. Nasa mood pa naman akong manampal ng mga taong masyadong makapal ang mukha.



"Ahem! Sa'n ka pupunta Ms. Montero?" Tanong nung MAPEH teacher namin. Ngumiti ako nang pilit saka hinawakan ang tiyan ko.



"A-ah..May LBM po kasi ako. Kelangan ko na pong umuwi." Sabi ko pero halatang hindi sya kumbinsido sa pagsisinungaling ko.



"Alam mo naman siguro kung gaano ko kinamumuhian ang mga taong nagsisinungaling. May dalawang gitara na hindi pa naibabalik sa Music Room. Pakibalik nun tapos pwede ka nang umuwi." Masungit nyang sabi saka umalis. Leshe! Lahat na talaga ng teachers dito eh utusan ang tingin sa 'kin.



Padabog kong kinuha ang mga gitara saka binitbit. Tss. Sa'n na ba kasi ang Thea na 'yon?



"Xyla! Kararating lang ng BDT. Punta ka na sa dancing room." Excited na sabi ni Thea na kararating lang. Tiningnan ko sya with a bored look.



"Ibabalik ko lang 'tong mga gitara tapos uuwi na ako." Cold kong sagot. Napairap naman sya saka ako binatukan.

Dancing Queen (BTS: Complete) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon