REBOUND?

9 0 0
                                    

REBOUND?

Outing ng batch namin ngayon sa isang resort. Bale isang bus at isang van ang sasakyan namin.

Ako naman tong si hindi masyadong excited, late na akong dumating. Kakadating ko lang ng biglang kakaalis lang nung bus.

Nakita ko yung mga kaibigan ko na sumilip sa bintana at kumindat sa akin.

Hahabulin ko na sana yung bus ng biglang may tumapik sa balikat ko.

Paglingon ko, nakita ko si Marty.

Hindi ko alam pero feeling ko namumula ako.

Kung alam nyo lang matagal ko nang crush itong lalaking ito. Ewan ko ba kung bat ko nagustuhan tong lalaking to.

"Grace, dun kana sumakay sa van." sabi niya habang nakangiti. Ang lumanay talaga ng boses nya. Siguro isa yun sa nagustuhan ko sa kanya.

Hindi naman ako nagpahalata at nginitian ko rin sya.

Nagblush ang loko.

"Ang cute mo pag nagbablush ka." bulong ko saka dumiretso na ko sa van ng nakangiti.Ewan ko lang kung narinig nya.

Atasaka sumunod narin sa akin. Kita ng aking pheripheral vision na nakangiti ang loko.

Nung pagpasok ko sa van, dalawa nalang ang vacant seat, dun sa may likuran.

Ang ayaw ko pa naman ay sa likuran, baka sumuka ako mamaya.

Sumigbay sya sa akin at AWKWARD!!

Hindi pa nagtagal wala pang isang oras ng napasuka ako.

Habang sumusuka ako, nafefeel ko ang comfort nya. Sabi nya if gusto ko daw sumandal sa kanya ayos lang daw. Hindi na ako nag inarte at sumandal na ako sa kanya. Aba sayang ang opportunity. Minsan lang to mangyari.

Bakit ganun, parang ang bait nya. Sa school naman halos iluwa na ako ng classroom dahil ayaw nya akong tignan. Ayaw nya akong pansinin. Kahit anong gawin ko na pagpapapansin sa kanya, ayun dedma. Tapos ngayon halos langgamin kami sa sobrang bait nya.

Sus. Pakitang tao.

Habang nasa byahe di ko maiwasang makinig sa mga kwentuhan ng iba na sya namang ikinagising ng diwa ko.

"Alam nyo ba magkatipan na ulit si Kylie at si Jayson?" -Bert
"Ay oo alam ko na yan noon pa, buti nga at nagkabalikan na yung dalawa. Halata naman na mahal nila ang isa't-isa." -Grethel

Si Kylie. Ex ni Marty. I'm so happy to her decisions! Dahil ngayon masosolo ko na si Marty. Mwahaha. Joke. I'm not that bad naman, kahit crush ko yan nasasaktan pa rin ako para sa kanya. Oo, kahit crush lang nasasaktan pa rin kami. Alam ko namang mahal talaga ni Marty si Kylie, kaso ito namang si Kylie ginamit lang ata si Marty para maging rebound tapos nung magkabalikan sila, iniwan niya si Marty ng ganun ganun na lang? Nasan ang hustisya?

"Pero sabi nila, ginamit lang daw talaga ni Kylie sya e. Ang kapal naman ng babaeng yun." -singit naman ni Cristina.

Yeah, tama kayo. Ginamit lang sya. Tiningnan ko naman ang mukha ni Marty. Na ngayon ay tulog na.

Shems! Bakit ganito!! Ito na ba Lord yung matagal ko na sayong hinihinging anghel? Kung ito na nga yun Lord, hindi nako magpapatumpik-tumpik pa. Booom karaka raka!

"Oy, oo nga. Feeling ko rin." pagsang ayon ko rin.
"Aba, at nakikinig pala si Ms. Always Late. Hahaha" sabi ni Cristina at nagtawanan pa.
"Hoy, kung tutuusin nga mas bagay pa nga kayo e." -Grethel

Sus. Mga mambobola talaga tong mga kaklase ko.
"Eh kung kayo nalang kaya, tutal alam naman ng buong klase na si Marty talaga ang crush mo e. Ayeee." -Cristina at nagsang ayon pa yung iba.
"Pssh! Wag kayo maingay baka marinig at magising natin si Marty. At saka may tamang panahon para jan. Diba Mar--" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil ng biglang tingin ko sa kanya ay mukhang kagigising lang nya.

"Wala kang narinig diba?" tanong ko. Sana naman wala syang narinig. Please. Please. Wala kang narinig diba?

"Aling banda, yung crush mo ko, o yung tamang panahon?" tanong niya. So it means na nakinig nya nga yung mga pinaguusapan namin.

Nung pagkasabi nya nun, I was saved by the bell! I mean tumigil yung van. I think dito na ang destination namin. Dahil nung tumingin ako sa labas ay may nakasulat na Regano Beach Resort. Agad agad naman akong bumaba at pilit na iniiwasan si Marty.

Bakit ganun? Bakit narinig nya? Akala ko ba tulog sya? Bakeeeet??? Oh lupa kainin mo na ako sa kahihiyan!!

Ginala ko naman ang paningin ko at nakita ko ang mga sadista kong mga kaibigan na sina Janelle, Hazel and Shaina.

Mga babaeng to lagot kayo sa akin.

*evil smile*

Kumaway sila sa akin at lumapit ako. Nginitian ko sila ng napakatamis.

"Oh ansaya mo ata, kayo na ba?" tanong ni Janelle sabay siko sakin.

"Oo kami na ATA.. PLINANO NYO TO NOH?" sabi ko sabay hila sa kanilang mga pinakamamahal nilang mga buhok.

"Aray! Aray ha! Nakakahurt kana kaya. Pero hindi nga?" sabi ni Shaina na nagpapacute sabay brush sa buhok nya.

"Sus, asa naman." sabi ko ng medyo malungkot.

"So ano na nga ang nangyari? Kwento na daliiii." Hazel.

At ayun nga kinwento ko sa kanila lahat. As in lahat! At ang mga loka, kilig to da max! Kaibigan nga naman, mas grabe pa silang kiligin kesa sayo.

Nandito kami ngayon sa pool at kwentuhan. Yung iba naming kaklase nagpipicture, yung iba nasa gubat at gustong maglakbay kasama si Dora, yung iba naman nakahiga sa tabi ng pool, feeling tourist.

Lumapit samin ang barkada ni Marty.

"Hey girls, what's up?" sabi ni Darel.

"What's up your face."

"Tong dalawang to, LQ na naman." Shaina.

"Ahh, oo nga pala, tawag ka ni Marty nandun sya sa may garden. May sasabihin daw sya sayo." turo sa akin nung isa pa nilang kabarkada. Limot ko na ang pangalan.

"Ah, guys cr lang ako ha?" palusot ko sa kanila pero ang totoo, pupuntahan ko sya. Ang haharot talaga ng mga kaibigan kong ito. Nakikipagbasaan na sa mga kaibigan ni Marty.

Nang makarating ako sa garden, nakita ko si Marty na nakatingin sa akin. Lumapit sya sa akin.

Palapit ng palapit.

"A-Ano, may sasabihin ako." sumenyas naman ako ng 'sige-go-lang-look'

"Ano, alam mo ngayon lang ako nagkalakas ng loob na sabihin ito sa iyo..." mukhang alam ko na ang sasabihin nito. Nagtatapat ba sya sakin ng nararamdaman nya? Liligawan nya ba ako? Hihihi, kinikilig ako!

"MATAGAL NA KITANG MAHAL GRACE!" sigaw nya. Teka, bakit sinigawan nya ako?

"A-Ano sinabi mo?"

"Mahal kita Grace, matagal na. Pwede bang manligaw?" sabi nya ng malumanay sabay hawak sa kamay ko.

Yes! Mahal nya ako! Pero, baka maging rebound lang ako. Kagagaling nya lang sa break up tapos...

"Ano, Marty..." sabay bitaw sa kamay nya.

"Natatakot ka bang maging rebound?" Ha? Mind reader ba sya.. Paano nya nalaman?

Tumalikod ako at ng hindi pa ako nakakailang hakbang ng bigla na naman syang nagsalita.

"Look, hindi totoo yung naging kami ni Kylie. Pinsan ko si Kylie at nagpatulong lang sya na pagselosin yung gago nyang boyfriend kaya nagpanggap na kami. Iniiwasan kita dahil naiilang ako. Matagal na kitang pinagmamasdan sa malayo. Tuwing nakikita kitang masaya, napapangiti ako ng wala sa oras. At di nagtagal ay nalaman ito ng mga kaibigan ko at tinulungan nila akong magplano nito."

It means...

Humarap ako sa kanya ng nakangiti. Yumakap ako sa kanya at binulong ito...
"Mahal din kita matagal na.. Hinihintay ko lang din talaga tong time na to."

-END-

KAYENALINE'S ONE-SHOT STORY COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon