00

10 0 0
                                    


DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales and incidents are either the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.

This story is still unedited, so expect typographical errors, grammatical errors, wrong spelling and whatsoever errors. Please bare with me. If you have any concerns feel free to message me.

"Hi Readers, Don't expect too much para hindi nasasaktan! Please bare with me thank you!"

Read at your own risk.

Warning: This story contains horror, murders and matured scenes that are not suitable for young audiences.

***


"RUN!"

Sigaw ni Cassie at kasunod 'nun ay ang mabilis naming pag kilos, halos mawalan na ako ng hininga dahil sa pagtakbo namin. Kailangan naming makaalis ng buhay sa lugar na ito. Hindi ko na rin ininda pa ang mga sugat ko sa katawan at nagpatuloy na sa pagtakbo. Pilit inalalayan ni Louise at Elvis si Cassie na ngayon ay hindi na makapaglakad dahil sa saksak niya sa binti, halos mabingi na ako at tanging iyak lang ni Cassie ang naririnig ko.

"Please just let me go. Run!" Sigaw ni Cassie sa amin pero hindi namin siya pinapakinggan at patuloy lang kami sa pagtakbo dito sa madilim na gubat. Hindi ko na hahayaan na may mawawala pa sa amin, enough is enough. 

"Cassie please, you promised na makakalabas tayo dito ng sama sama at buhay." Rinig ko ang pagpiyok ng boses ni Elvis at ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

Napatingin ako sa taong humahabol sa amin at hindi ko na maiwasang hindi maluha, hindi ko akalaing aabot kami sa ganito, we just need a rest but then ganito ang nangyari sa amin, kung hindi ko na lang sana ipinilit pa ang lakad na ito ay baka hindi na sana ito nangyayari, kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan.

Inalis ko muna ang mga iyon sa isip ko dahil alam kong wala ng magagawa iyon sa sitwasyon namin ngayon, maya maya ay nakakita ako ng isang maliit na bahay nabuhayan ako ng loob  saka ko sila iginaya doon at ng makarating kami doon ay dali dali kaming pumasok at isinarado ang pintuan. Nakahinga ako ng maluwag pero agad kaming napatingin sa pintuan ng marinig namin ang marahas na pagkatok at pinipilit na buksan ang punta agad kaming pumunta sa pintuan saka tulong tulong na pinigilan ito. Napansin ko si Cassie na dahang dahang tumayo at tumingin sa amin habang umiiyak. 

"Jamie, you have to live..." panandalian siyang huminto sa pagsasalita saka lumingon sa boyfriend niyang si Elvis saka ngumiti, "Elvis, I love you so much." Hindi namin alam kung bakit niya sinasabi ang mga bagay na iyon pero bigla akong kinabahan dahil sa sinabi niyang iyon. Nawala ang atensyon namin kay Cassie ng biglang lumakas ang pagtulak sa pintuan, Lahat kami ay ibinigay ang buong lakas sa pagtulak ng pinto. 

Ngunit maya maya ay napansin naming paunti unti ng humihina ang pagkatok at ang marahas na pagtulak  hanggang sa mawala na ito, napatingin kaming lahat kay Elvis ng sumigaw ito at sunod sunod ng nagpatakan ang mga luha sa mga mata ko. 

Cassie....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 07, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Nanay, Tatay gusto kong tinapay.Where stories live. Discover now