(Author: Hi. May naging problema lang po ako. :) Nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko pa o hindi ang storyang ito pero itutuloy ko siya. Nasaktan lang naman ako chos. Hahahaha pero okay lang ako. Message niyo ako, ikukwento ko sa inyo dali. Hahahaha. Salamat!)
-----------
Leila.
Hi. I'm Leila Raven Roque. 17 years old. Cousin ako ni Racquel sa mother side.
Noong 12 years old ako, month of April. Umalis kami. Pumunta kami ng America. Umiyak ako nun lalo na nung nakita kong umiyak sa harap ko si Racquel. Mahal na mahal ko siya. Tinuring niya akong parang kapatid niya dahil only child lang siya. Ganoon rin ako. Para kaming magkapatid.
Noong unang araw namin sa America, umiyak ako. Pagdilat ko, wala si Racquel sa tabi ko. Sa totoo lang, nagkalagnat pa ako nun. Sobrang taas. Siguro, nastressed ako. Sobrang mahal ko talaga yun si Racquel.
Noong June na, may naging kaibigan ako. Dalawa sila. Ang saya saya naming tatlo. Then nung tumagal na, nagkaroon sila ng boyfirend. Ako? Hindi na nila nabibigyan ng time. Sobrang nadepressed ulit ako. Iniwan rin nila ako.
Pagkauwi ko nun, ang lungkot ko. Nagkulong ako sa kwarto ko. Si Racquel, nawala. Pati yung dalawa kong kaibigan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gulung-gulo na ako..
Nung nasa kwarto ako, nagFB ako. Tinignan ko wall ni Racquel. Nakita ko siya.. sa picture nga lang. Hindi pa siguro siya nagbubukas. Hindi kasi siya pala-FB eh. Pinilit ko lang yan na gumawa ng account para magcha-chat kami. Pero hindi niya ata ginagamit. Minessage ko siya araw-araw kahit hindi siya nagrereply tulad ng "Hi couz!","Musta na couz? :)", "Miss na kita. Paramdam ka naman.", at marami pang iba.
Nung araw rin na iyon.. May nagmessage sa akin. Classmates kami noong nasa Pilipinas pa ako. Siya yung first crush ko. Kaya medyo kinilig ako. Kasi close rin kami dati sa personal. Sa totoo lang, crush ko pa rin siya kahit ilang buwan na kami dito sa America.
"Hi." -siya
"Hello!" -ako
Nagchat kami na nagchat. Parang siya yung naging kaibigan ko kahit nandito ako sa America at nandoon siya sa Pilipinas. Kaya masaya na rin ako kahit nagkakachat lang kami.
-------------
3 months later.
Umamin ako sa kanya na naging crush ko siya dati. At ganoon rin siya. Sobrang saya ko!!!! HEAVEN!!!
Then iyon. Naging KAMI rin. Ako pa ang nanligaw sa kanya kaya nagulat siya kaso through chat nga lang. Lagi akong umuuwi ng maaga para magkausap kami lagi. Diretso ako sa kwarto ko. Open agad ng FB. Minsan nga hindi na ako gumagawa ng assignments. Minsan, late na rin ako magpasa ng projects. At minsan, hindi na rin ako nag-aaral kapag may exams kami kasi nga.. Kachat ko siya.
Oo. Siya rin nawala sa buhay ko. Nakipagbreak rin siya kasi hindi niya raw ako sineryoso. Ang sakit. Sobra. First crush. First boyfriend. First love ko. Naglaho.. Nagsimula sa isang simpleng "Hi." at "Hello!" pero nag-end sa salitang "Sorry."
Grabe no? Sobrang obsessed ako sa isang tao. Kaya siguro ako iniiwan. Hahahaha Yes. Siguro mas better kung mag-isa nalang ako. Tutal lahat naman sila, wala na sa tabi ko. Yung mga yaya at guard namin ang naging kaibigan ko. Pati parents ko. Nagpa-home school na lang ako. Pinilit ko sila mom at dad. Sumang-ayon naman sila.
At ngayon, kasama ko na naman si Racquel. Ang saya ko sobra. :)
------------
January 26, 2012, Thursday 6:35 AM.
BINABASA MO ANG
LOVE DOES (KathNiel)
RomansaL O V E D O E S . . . Hi. I'm Racquel Zeus Villarama. Babaeng hindi alam na babae siya. Babaeng hindi alam na maganda siya. Babaeng moody. Babaeng hindi alam kung paano magmahal. Babaeng hindi alam na may magmamahal pa sa kaniya. Paano kung isang...