Stalking My Crush

108 4 3
                                    


2nd shot ko!

••••••••♥•••••••
Hanie's POV

Kruuu. Kruuu. Kruuu

Bakit ba ang peaceful ng araw na ito?
Walang hiyawan o kaya naman walang kilig moments ngayon. Hayyy.

Oo nga pala, Kasi wala si crush. Walang hiyawan ng mga friends ko kapag nakikita nila si crush para tuksuhin ako, Wala yung kilig encounter namin ni crush. *sigh*

Malapit na ang time namin para sa first subject namin ngayong hapon kaya matamlay akong bumalik sa classroom at malapit na rin mag-uumpisa ang boring na class namin. History, Kung sana tugtog lang ng EXO yan gaganahan pa ko kaya lang subject .

Wala pa si maam nang pumunta ako dun kaya matutulog muna ko ^_^

"Good afternoon class!" Narinig kong bati ni maam samin. Nandyan na pala sya? Sige dedma lang sakin yan.. Dream Land here i come.

ZZZZZ....

"MR. GELO! WHY ARE YOU LATE!" Nagising ako nung narinig ko ang sigaw ni maam. Hindi dahil malakas ito kundi dahil narinig ko yung pangalan ni Gelo! Buhay na po ang kilig cells ko!!

Napansin kong tumingin sya sakin sabay tingin sa baba.

"Maam..Napuyat po kasi ako kagabi kasi po.. Hinatid namin si papa sa airport" pagpapaliwanag nya at hinawakan ang batok nya. Tinignan ko naman sya, halata ngang puyat sya dahil sa laki ng eyebags nya pero..ang gwapo pa rin nya. Hihihihi

Nagstart na maglessons si maam at nakinig na ko dahil..katabi ko si crush >///< at nagpapasalamat ako sa katabi kong absent ngayon at kay Mang Miloy dahil nirepair nya ang upuan ni Gelo Hihihi.

Nakinig talaga ako ng nakinig kay maam.

"Class! Get a 1/2 crosswise and lets have a quiz" masaya kong kinuha ang crosswise sa bag ko.

"Ahh.. Hanie pwedeng pahinging crosswise?" Hanie daw?! OMG HANIE! MAY TAWAGAN NA PALA KAMI OMG. AY TOINKS! PANGALAN KO PALA YUN T^T

"Sure" cool na sabi ko at pumilas ng isang piraso, dahan-dahan talaga ang pag-pilas ko para walang punit.

Inabot ko sa kanya ang papel. At hindi ko maiwasan na mapatitig sa kanya dahil tinitignan nya ang ang papel na binigay ko.. may problema ba? Tapos tinignan ko uli yung papel ko... Ayaw nya ba kay hello kitty? Ang cute kaya nya. :3

Pero sinulat nya na rin ang pangalan nya dun at nag-quiz na kami. Pag katapos ng quiz ay nag-exchange kami ng papel at bigla kong nahawakan ang kamay nya. Mabuti nakapag-react ako agad-agad at kinuha na lang ang papel nya baka kung hindi ko pa kinuha ang papel nya ay hawakan ko na lang ang kamay nya. >/////

Nang lalagyan ko ng corrected by ang papel nya ay nagdahan-dahan pa ko kasi.. pangit handwriting ko tapos kadalasan pumipirma pa ko kaya lang hindi ko na nilagyan, malaki pa naman pirma ko. Tsaka yung pagchicheck ko rin maliit lang.

Hanggang matapos ang History namin ay inenjoy ko lang ang klase namin pero time is short :< kasi uwian na huhuhu.

Madaling lumabas si crush at ako naman ay naiwan dahil may meeting kaming mga officers para sa clasroom namin. Pagkatapos nun ay nag-uwian na kami at diretso bahay naman ako.

Papasok na sana ako ng may napansin akong box sa baba ng gate namin. Tinignan ko ang box at may laman itong brownie na puro heart shape. Sa loob rin nun ay may isang note.

Hi Hanie,

Sana maenjoy mo ang brownie na to, pinagpuyatan ko ang paggawa nyan. Huwag kang mag-alala sa ingredients dahil chineck ko yung mga expiration date nun para safe ka. Sana maenjoy mo

~LOGE

Tinikman ko ito at... *o* ang sarap. Pinagpatuloy ko ang pagkain sa kwarto ko at napansin ang lahat ng mga pikachu na stuff toys dun. Hindi ako mahilig sa pikachu pero bigay sakin nyan ni LOGE yung secret admirer ko. Sya rin yung nagbigay ng brownie sakin.

Nung first time kong makatanggap ng gift sa kanya ay gusto ko sanang itapon.. kasi ayaw ko kay pikachu. Pero naisip ko kasi na sayang yung ginastos nya para lang ibigay sakin to. Syaka halatang bago. Kaya nilalagay ko na lang sa shelf ko.

Nasanay na ko sa pagbibigay nya.. last week pa nga tong pamimigay nya kaya sanay na ko.

* next day*

May dalang gitara si Gelo at nakikipag-usap sya sa mga tropa nya. Napansin kong may mga eyebags pa rin sya kaya halatang nagpuyat nanaman sya. Tapos yung upuan binalik na rin dito, Yung katabi ko pumasok na. Hayy! Good for one day lang pala ang ganong moment. •_•

Kahit Sad ako ngayong araw ay nakinig pa rin ako. Running for honors kasi ako kaya kailangan kong imaintain ang grades ko.

Good news kasi..

Hindi pumasok yung first teacher namin kaya nagkwentuhan kami ng mga kaibigan ko.

" Mga Bhiii~ dito tayo sa likod" sigaw ni Bhea. At nagsipuntahan naman kami sa likod.

"Mga Bhii~ huhuhu Hindi nya na ko chinachat Laslas na T^T" nagdadrama nanaman si Mae dahil sa boyfriend nya.

Hay! Inggit ako T^T lahat sila may boyfriend tapos ako wala. Huhuhu. Take note yung mga boyfie nila may connection kay Gelo. Kaya nga iniisip ko meant to be kami kasi parehas kami na single xD. Hahaha

" Uhh.. May nabasa kamo akong mga one shot sa wattpad." Sabi ni Nina habang hawak hawak ang percy jackson book nya.

"Anong one shot?" Tanong ko naman sa kanya.

" Yung iistalk mo yung crush mo. Effective kaya yun?" Nagtatakang tanong nya habang nagpapatuloy syang magbasa ng libro nya.

" Ay nako tigil-tigalan nyo nga yung mga wattpad na yan! Bad influence yan ay!" Sigaw naman ni Rio.

"Nagbabasa ka rin naman ha" sabi naming lahat

"At least hindi adik!" Napairapa na langsi Rio sa inis.

"Wait.. may plano ako. Hanie diba palaging maaga umuwi si Gelo? Bakit hindi mo kaya itry na istalk sya?" Oo nga naman no! Bakit hindi ko itry yun.

Tumango na lang ako at excited na istalk sya. Kasi bakit nga ba ang aga nya umalis? Kaya nacucurious ako.

Naghintay ako ng uwian at..Yes

Uwian na namin kaya umalis na si Gelo. Kaya sinundan ko sya ng patago.

Operation: Stalk My Crush

Wait! Dumiretso sya sa street namin at may dalang gitara,malaking box at flower.

Hindi kaya sya si?!

Huminto sya sa paglalakad at kumuha ng note at nagsulat. Pagkatapos ay nilagay nya yon sa loob ng box.

Lumapit ako sa kanya. "G-gelo anong ginagawa mo dito?" Mukha naman syang nagulat.

"A-ah kay mama mo may sasabihin sana ako...." sagot nya habang kinakabahan. Napatingin ako sa mga hawak nya. Liligawan nya kaya si mama?

Ouch.

"Tatanong ko lang Kung pwedeng ligawan kita." Sabi nya at tumingin na sya sakin ng diretso.

"Ha? Ikaw si LOGE?" OMG!

" Akala ko mahahalata mo ko e? Hahaha. Oo ako si Loge" ngumiti sya sakin with matching dimples pa.

Binigay nya sakin ang box at flower.
At naggitara sya ng be your everything ng boys likes girls.

"..be your forever, be your fling baby i will be your everything." Natapos nya ang kanta nya at ngumiti uli sakin.

" Hanie. Sorry kung pikachu ang binibigay ko palagi sayo.. kaya ngayon Hello Kitty na :) " Hindi naman ako makapagsalita dahil sa kilig.

Pero alam ko ngayong parang kamatis na ko sa pula ngayon.

" Pero alam mo ba na ako talaga ang nagbibigay sayo nyan simula nung una?"

Umiling ako at ngumiti sa kanya.

" Paano mo nalaman?"

"Because Im stalking my crush" nakangiting sabi ko.

Best Feeling Ever. That your crush is stalking you.

Stalking My CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon