No One Knows How It Feels Like

14.3K 92 6
                                    

Four years ago...

***

VENICE'S

***

I got nowhere to go to but to Joshaia Stephen Martin's house. Nakasukbit sa kanang balikat ko ang malaking bag na naglalaman ng mga damit ko at nasa kabilang kamay ko ang isang lumang bayong na laman naman ang mga gamit ko sa school.

Halos pinagtitinginan ako ng mga nakasalubong ko papunta rito. Hindi naman na nakapagtataka iyon dahil na rin sa itsura ko. Mugto ang mga mata ko, may pasa sa pisngi at may sugat sa gilid ng leeg ko. Wala ako sa maayos na kondisyon, sa pisikal, mental, at emosyonal na aspeto.

Nararamdaman ko ang mabibigat at nagtatakang tingin sa akin ng mga kapitbahay nila Stephen habang nakatayo ako sa harapan ng kahoy na pinto ng bahay nila. Dikit-dikit lang ang bahay dito kaya hindi na rin nakapagtataka na maraming usisero't usisera.

Sino ba ang hindi magtataka kung may babaeng teenager na bugbog sarado ang bigla na lang mangangatok sa kapitbahay mo nang alas nuwebe ng gabi.

Naglayas. Magtatanan. Ni-rape. Binugbog.

Iyan ang mga bulungan ng mga nasa paligid ko. Hindi ko sure kung bulong lang iyon o sinasadya talaga nilang marinig ko dahil sa lakas ng boses nila.

But I had no time and energy to deal with them. I'm tired... and in deep pain.

Gusto kong makatakas.

At kaya ako rito pumunta kila Stephen. Alam kong alam niya kung paano ko matatakasan ang matinding sakit na 'to.

"S-Stephen," nanghihinang usal ko nang tuluyang bumukas ang pinto sa harapan ko.

Lumabas si Stephen na tanging sando at boxer shorts ang suot habang may nakasinding yosi na nakaipit sa kaniyang mga labi. Malalim ang pagkakakunot ng noo niya sa mga kapitbahay niyang nakatunghay sa bahay nila bago bumaling ang tingin niya sa akin.

Nanlaki ang mga mata niya bago kaagad akong nilapitan. "Venice! A-Ano'ng nangyari sa 'yo?" Mabilis niyang itinapon ang yosi niya bago ako marahang hinawakan sa mga balikat. "Putangina. Sino'ng gumawa nito sa 'yo?" Mabilis na kinuha niya ang laylayan ng suot niyang sando at inangat iyon para punasan ang leeg ko.

Napangiwi ako dahil sa hapdi nang dumampi ang tela sa maliit na hiwa ng kutsilyo sa leeg ko.

"M-May mga tao, Steph-"

"Putangina! Hindi 'to pelikula mga gago! Aalis kayo o papaulanan ko ng bala ang mga bahay niyo!"

Napakurap ako sa bersyon ni Stephen sa harapan ko. Ito ang unang beses na nakita ko siyang ganito kabayolente.

Automatikong bumalik sa alaala ko ang mga nakakatakot na nangyari kanina sa bahay at ang dahilan kung bakit ako nag-alsabalutan.

Kaagad akong umatras palayo kay Stephen kasabay ng panginginig ng katawan ko. Hindi ko na napigilan ang mga emosyon at tuluyang kumawala ang masaganang luha at malalakas na hagulgol ko.

"Shit, Ven. A-Ano bang-"

"Wag mo akong sasaktan, please. 'Wag mo po akong patayin!" Mariin kong niyakap ang sarili ko kasabay ng mga masasamang alaala. My foster dad almost killed me. Malinaw sa alaala ko ang pakiramdam ng malamig at matalas na kutsilyo nang itutok niya iyon sa leeg ko.

"Huminahon ka, Ven. Sshhh, ako 'to. Hindi kita sasaktan." Bumalik sa kalmado ang tono ni Stephen bago siya dahan-dahang lumapit sa akin. "Ssshh. Ligtas ka rito. Ligtas ka sa akin, Ven. Hmn... Shit. Ano'ng karapatan ng hayop na iyon na saktan ka. Mapapatay ko siya," mariin niyang saad na para bang alam niya na kung sino ang nanakit sa akin.

Three to TangoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon