Chapter 21: Worldly Aspirations

70 11 2
                                    


"Good morning!" bati ko kay Yandiel na papasok sa pinto. Natigilan ito at tumingin sa akin. He scoffed.

"Tanghali na, Deborah."

"Tanghali na yung 10:30? Maaga pa," sabi ko at mas ginulo ang kanyang magulong buhok bago pumasok sa room. 

Ingay ang sumalubong sa akin sa loob, karamihan ay mga lalaking nasa likod na kinakantyawan si Yandiel na pumasok. Pumapasok naman na siya araw-araw, bakit parang naninibago pa rin sila? Sila nga iyong hindi regular ang pasok.

"Balita ko Yandiel, sumemplang ka raw."

Naningkit ang aking mga mata at aksidenteng nagkatinginan kami ni Don dahil nakabaling siya sa pwesto ko sa likod. Nagtatawanan ang mga lalaki sa likod ko at may magkaakbay pa.

"Nakita mo ba kong nagmo-motor?" pabalang na sagot ni Yandiel, nakatingin lang ito sa sulat sa notebook niya at nakayuko.

"Hindi ba ikaw yung kagabi? Si Aiden 'yon?"

"Hindi ko alam." Hindi pa rin siya tumitingin.

"Hindi mo alam? Eh, 'di ang bobo mo naman pala. Ahahahaha!"

Kinabahan ako nang tumingin sa direksyon ng likod ni Yandiel. Yumuko ako at saglit na hinawakan ang sintido para magdasal. Kung kailan magsisimula ang klase at parating na ang prof namin na si tita, saka sila magsisimula ng away. Mga Educ ba talaga itong mga 'to?

"Hindi mo rin alam? Edi mas bobo ka," Yandiel replied with his lifeless gaze.

OA na nagsigawan ang mga nasa loob ng room dahil sa sinabi niya. Mas napahawak ako sa aking sintindo. I just saved him last week from this oppressing world, and here he is towards other people. I'll just trust on the process, hindi naman porket saved ka ngayon ay nagbago ka na agad kinabukasan, nagtitiwala ako na araw-araw siyang babaguhin, hindi biglaan.

"Sabado na bukas, bunso. Alam mo na, ha?" bulong ni Aiden sa akin habang kumakain kami, bumalik siya sa pakikipagkwentuhan sa seryosong si Yandiel.

Nagkibit-balikat na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Anong gagawin garod bukas? Pakiramdam ko ay wala naman akong ambag doon sa fraternity sa totoong buhay, linggo-linggo lang akong nagpupunta sa lugar dahil na rin abala ako sa school. Buti si Aiden, nasisikmura nila na pumunta roon kahit seniors na sila. Eh, ang dami rin ginagawa sa course nila, ah?

Dumating ang araw ng sabado, dapat ay biyernes pa lang ng gabi ay nasa bahay na ako. Dahil sa fraternity na ito ay sabado na akong nakakauwi. They have weekly plans that I'm not even part of, I can't even relate to them since most of them are men.

Natapos ang discussion na wala rin akong napala. Wala rin naman pinapagawa sa akin, hindi katulad nila Aiden na mukhang abala rito noong mga nakaraang araw. Yandiel got hit by a paddle several times because he skipped a day. Eh, ako? Nakakapagtaka naman.

Noong sa abandonadong daycare center ay initiation lang ang naabutan ko at hindi sila gano'n karami, taliwas sa sinabi nilang daan rin ang member dito. Nakakapagtaka talaga, anong ginagawa nila gabi-gabi?

Their fraternity is hidden, I don't even think they do some charity or something to help the school. Is this even registered?

"Anyways, wala ka bang napapansin d'yan sa alalay mo?"

Akmang bubuksan ko ang knob nang may narinig akong nagsalita, boses ng babae. I know that voice, where did I hear it again?

"Hmm?" That's Ryker's voice.

"Yung alagad mong bata. Ano na pangalan no'n? Yandel? Yandale?"

Natigilan ako at mabilis na binitawan ang knob ng pinto para makinig. Tumingin ako sa paligid at baka may nakakakita sa akin. Wala naman. Bukod doon ay nakarinig pa ako ng tunog ng baraha, yung mga naririnig sa sugalan.

Covenant in the WildernessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon