"Hay nakoo, feel ko nahuhulog na ata ako" sabi ko kay Kate habang nakapangalumbaba. Kakatapos lang kasi ng math subject namin kaya eto magkatabi kami at nagkwekwentuhan.
"Baliw ka ba?!Hindi dapat, bes hindi tama."
Biglang nagpop sa isip ko yung muka ni Liam, hindi ko alam kung bakit? Baka tama nga si kate na hindi tama kapag nafall ako sa kanya. Ewan ko,bigla nalang isang araw hindi ko na sya makalimutan.Akala ko crush lang, paghanga lang. Habang patagal pala ng patagal lumalala.Dati wala lang sakin yung pangalang Liam Pontez.
Dati normal na kaibigan ko lang sya ay walang ng iba pa don.
Dati madalas kaming magasaran.
Dati nakukuha ko pang ngumiti sa kanya.
Dati close kami.
Pero dati pa yon. Simula nung araw na may nararamdaman na ko sa kanya,di ko alam kung hanggang ngayon katulad parin kami ng dati.Kasi noong una, inaasar asar palang kami nila. Hanggang sa ewan ko ba sa sarili ko na biglang isang araw nagkakatotoo na.
Ganito kasi ako, madaling bumigay.
Kahit pa sinabihan ako ni kate na wag ng ituloy pa, makulit ako kaya tinuloy ko yung feelings na nararamdaman ko sa kanya.
Hindi ko alam na dun sa isang desisyon ko na yon, duon pala magkakaroon ng malaking pagbabago sa buhay ko.
Hindi ko alam na dun sa isang desisyon ko na yon, maraming papasok na ibat ibang tao sa buhay ko.Sa pagpasok kaya nila sa buhay ko, mahahanap ko kaya yung mr. right ko? O masasaktan lang ako?kakayanin ko ba?
Ako si Yumi Andres, 16 years old, kabilang sa mga NBSB. Nagaaral sa divine academy 4th year highschool, at patuloy parin sa paghahanap kay Mr. Right, samahan nyo ako sa journey ko...
BINABASA MO ANG
Finding Mr. Right
RandomBeing a simple girl with good friends,how will i find my right guy? Or this right guy will bring pain into my life? O sya ba yung magiging dahilan ng pagiyak ko? Follow my journey on how i fall in love with the guy i never appreciated before.