Chapter-8 Wild hearts
Nakatulog si Xandrite sa tabi ni Kei habang yakap nya ito. Dahil narin sa sobrang pagod kaya nakatulog sya ng mahimbing.
Kinaumagahan dahan dahang iminulat ni Kei ang kanyang mga mata. Tila parang may nakayakap sakanya. Hindi sya nagkamali sa hinala. Dahil sa pag mulat ng kanyang mata, tangi nya lang nakita sa kanyang tabi ay si Xandrite. Hindi sya makapaniwala na katabi nya itong natulog, at hindi lang yun yakap pa sya nito. Tila masayang Masaya si Kei sa pagkakagisimg. Dahil katabi nyang natulog ang babaing iniibig. Sandal nya itong pinagmasdan habang natutulog. Gandang ganda sya kay Xandrite habang ito ay mahimbing na natutulog sa kanyang dib-dib. Hindi nya sukat akalain na yayakapin sya ni Xandrite habang natutulog. Pinagmasdan nya ang maamo nitong muka. Maski sya hindi makapaniwala, dahil tila parang isang napaka gandang anhel na natutulog si Xandrite. Ang mga mata na singkit, ang ilong na matangos, ang pisnging mamula-mula, ang mahahabang pilikmata, ang magandang kilay at higit sa lahat ang labing mapupula na para bang nanghihingi ng halik. Napaka ganda ni Xandrite pagmasdan, dahil hindi ito nakakasawang tingnan. Kahit sinong lalaki madaling mahuhulog kay Xandrite lalo na kung ganito ito kalapit pag pinagmasdan. Para syang angel matulog, natural lahat ng pag kilos nya. Waring wala syang pakielam sa paligid nya, basta makatulog lang sya. Higit sa lahat wala syang arte sa katawan, na naging dahilan kung bakit ang pagiging simple nya ay napalitan ng kagandahan. Ang sarap mong pagmasdan. Hindi ko maimagine ang ligayang nadarama ko ngayon. Gigising ka sa umaga katabi mo ang babaeng minamahal mo ng nakayakap sayo. Pagmamasdan mo ang maamo nitong muka habang syay natutulog, gusto ko ganto palagi. Pero alam kong isa lang tong pangarap para sakin. Pero umaasa ako, na may susunod pa na ganito. Ang makakasama ko sya at sya ang una kong makikita sa pag gising ko sa umaga.
Hindi napigilan ni Kei na dampian ng halik sa labi si Xandrite habang itoý natutulog. Alam nyang hindi nya ito mahahalikan kapag ito'y gising. Dahil panigurado bubugbugan sya nito pag nagtangka syang halikan ito ng gising. May pagka amasona kasi to. Kaya sinamantala niya ang pag kakataon. Xandrite, sorry sa nagawa ko. Pero hindi ko mapigil na halikan ka. Pasasalamat ko ito dahil inalagaan mo ko at hindi mo ko pinabayaan. This time ako naman ang may utang sayo.
Habang di maalis ang pagkakatitig nit okay Xandrite, bigla nya naisip na kailangan na nyang tumayo at ipaghanda ng pagkain si Xandrite. Alam nya kasing hindi ito nakakain kagabi dahil tanda nya nawalan sya ng malay kagabi habang ikinukwento nya ang buhay nya dito. Kaya dapat heavy breakfast ang kainin nito bago sila pumasok sa school.
Tinignan ni Kei ang wall clock. Alasais pa lang ng umaga. Pwede pa sya maghanda ng breakfast, tutal 9:30 pa naman ang pasok nila sa school kaya pwede pa. Mamaya ko na lang sya gigisingin kapag kakain na, hahayaan ko muna syang matulog ng mahimbing dahil alam ko napagod sya kagabi sa pag-aalaga sakin. Salamat uli Xandrite.
Si Kei ay laging maagang nagigising. Nakasanayan nya na kasing gumising ng maaga at paghandaan ng breakfast ang sarili. Pero this time, first time nya mag handa ng breakfast para sa taong minamahal kaya special ang umagahan na yun para sakanya. Inisip nya na magluluto sya ng masarap para magpa impress kay Xandrite.
Dali daling nagtungo si Kei sa kusina para magluto ng masarap na umagahan. Nagbuklat muna sya ng libro tungkol sa pag luluto, para makapamili ng lulutuin. Pero agad nyang naisip na kapag nagluto sya ng masarap na pagkain alam nya na malaki ang oras na makakain nito sa pagluluto. Kaya naman simpleng pagkain na lamang ang ihahain nya. Nagluto sya ng java rice, with omelette egg, hotdog ang bacon at isang mainit na gantas. Ready na ang lahat kaya naman mabilis syang pumunta sa kwarto upang gisingin si Xandrite. Hindi kasi masarap kainin ang pagkain lalo na pag lumamig na ito. Kaya naman takbo lakad ang ginawa nya patungo sa kwarto para gisingin si Xandrite.
Pag punta nya sa kwarto, nakita nyang mapayapang natutulog si Xandrite. Ngumiti sya sandali. Ang prinsesa ko tulog na tulog. Talagang napuyat sya sakin. Dahan dahan syang lumapit sa kama at umupo sa upuan at tinitigan si Xandrite. Hindi nya alam kung pano nya to gigisingin. Kaya naman, kinuha nya ang dulo ng buhok nito. At yun ang naisip nyang ipang gising dito. Dahan dahan nyang itinaas ang dulong buhok nito pababa sa matangos na ilong nito. Aba, tila ayaw mong magising ah. Sinubukan nyang ipadaan ang buhok sa mga pisngi nito. Tila ba hindi parin ito nagigising. Kaya dahandahan nyang kinilito sa tenga. Ngunit wa effect parin. Isa na lang ang naisip nya para gisingin ang prinsesa nya mula sa pagkakatulog. Ang halikan ito. Alam nyang hindi ito eepekto, pero malay mo sa halik ng prince charming nya ay magising sya.dahan dahan nyang inilapit ang ulo sa muka nito, at dahan dahang inilapat ang mga labi sa pisngi ni Xandrite. Pagkatapos tinitigan nya ito. Mukang effective nga ang kiss nya, dahil unti unting iminulat ni Xandrite ang mga mata nito. Ngayon nya lang napag masdan si Xandrite na dahang dahang imulat ang mata mula sa pagkakatulog. Oh god, ang ganda nya. Nasabi ni Kei sa sarili.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
Genç Kurgu"Paano kung isa sa mga hiniling mo ay natupad? Paano kung kailangan mo ng mamili sa kanila, sinong pipiliin mo? Ang nakaraan na pilit na bumabalik ngayon? O ang isang taong nagmamahal sayo,ngunit hindi ka sigurado sa nararamdaman mo.? O ang taong ma...