Nadia's POV
"Gosh ang daming cake topper, may pera ba 'to?" Tanong ni Nastunye habang naglalakad siya papalapit sa cake.
Nastunye watched the beauty of her cake.
"Happy happy happy birthday Sa 'yo ang pagkain Sa 'yo ang inumin Happy happy happy birthday Sana'y mabusog mo kami"
Biglang kumanta si Seph habang may kasama itong palakpak kaya binatukan ko siya agad para huminto siya sa pagkanta.
"Gago ayusin mo nga, hindi naman umiinom si Nastunye." Reklamo ko.
"Ang ganda ng pagkakakanta ko tapos bigla mo na lang akong babatukan. Ano ka hilaw?" Angal naman niya.
"Agaw atensyon naman 'tong dalawang 'to. Mag hiwalay na lang kaya kayo, Kuya Seph, do'n ka sa tabi ni Papa. Naj, dito ka sa tabi ni Nastasiya." Salita ni Nyura para tumigil kaming dalawa.
"Ayoko nga, 'di ko iiwanan si Nads." Seph suddenly hugged me but I immediately pushed him away from me.
"Kadiri ka, lumayo ka nga sa'kin 'di ka naman naligo." Inirapan ko lang siya. Nakita kong nakatingin sa'kin yung pamilya ko kaya agad akong ngumiti at tinaasan yung energy ko saka humarap kay Nastunye.
"O kanta na kayo, Ma, Pa. If you know the song, let's sing along." Naka-ngiting kong sambit habang nakaharap kay birthday girl. "Ako'y nasa Malate, alas siete ng gabi..... joke lang. Ang panget niyo naman kasama." Reklamo ko dahil ayaw nilang umimik.
"Ang ogag mo naman. Ayusin mo nga!" Reklamo ni Nyura sa'kin.
Napakamot na lang ako ng ulo, "Mag blow ka na nga lang ng candle, Nastunye. Ayaw makisama ng pamilya mo."
"Anong ayaw makisama? E ikaw yung may sariling mundo." Sagot ni Nastasiya sa'kin.
"Dios ko naman ang mga anak ko. Simpleng bagay ang bunganga nanaman abot hanggang barangay." Reklamo ng tatay ko sa'min hahaha
"Blow ko na lang yung candle." Nastunye just held her hand and closed her eyes then wished.
"I wish... Sana bumait na si Ate Nyura, sana numipis na yung muk'a ni Ate Nadia, sana gumanda na si Ate Nastasiya."
Nagulat kami sa wish ni Nastunye. The three of us stopped and looked at her immediately.
"Tanginang wish 'yan." Reklamo ko nang bigla akong pinalo sa p'wet ni Mama.
"Maria Nadia, ang bunganga mo nanaman walang preno. Nasa harapan ka ng pagkain." Panayam ni Mama.
Tumawa lang si Nastunye kaya inirapan siya ni Nastasiya.
"Nastunye, kung ikukumpara lang din sa'yo yung pagmumuk'a ko e mas maganda ako sa'yo." Reklamo naman ni Nastasiya.
Nyura scratched her head, "Pinagsisisihan ko na naglagay ako ng sampung libo d'yan sa cake." Nadulas si Nyura kaya napatakip agad ng bibig si Nastunye.
"What?! Is there money in my cake?!" Nastunye said in excited tone.
Nastunye immediately pulled out the cake topper and she suddenly shouted when she immediately saw the blue money.
"Waaaaaaaaaa! May tatlong tao hahaha" Sigaw niya.
Dahan-dahan niya lang hiinila yung mga pera habang may ngiti sa kanyang labi. Kita ko sa kan'yang ngiti yung saya at pananabik nararamdaman niya.
"Pautang is waving hahaha" Singit ni Joseph.
"Sige, next life hahaha" Nastunye said and laugh.
"Hahahahaha I don't like cakes pero kung money cake....." Nastunye chuckled.
"Muk'a ka talagang pera, Nastunye." Nyura giggled.
Tinignan ko lang yung magulang ko, nakaakbay si Papa kay Mama habang siya naman ay pumapalakpak at masayang pinapanood yung bunso nila.
"Waaaaaaaaaa! Thank you, Mama, Papa!" Sigaw ni Nastunye nang biglang nagsalita si Nastasiya.
"How about us? Ako nagbayad ng cake, si Ate Nyura naman yung sa money, si Ate Nadia naman yung sa.... sa...."
Nastasiya suddenly stopped speaking when she realized what she was going to say.
Ang huli naming sorpresa.
I just smiled, "Why don’t you pull up Jimin’s photo as well?" I said so she immediately pulled the topper and she almost cried at what she saw.
Lumabas dito ang car key ng sasakyan na binili ko para kay Nastunye. It's Hyundai Accent.
"Oh my! Oh my god!" Biglang umiyak si Nastunye dahil sa kaluguran habang naglalakad papunta sa akin para yakapin ako.
This time I let her hug me.
Pagkatapos niya 'kong yakapin, niyakap niya naman si Nyura.
I just approached Mama and Papa to hug.
"Thank you, Ma, Pa." Bulong ko habang niyayakap sila.
Kung hindi dahil sa sipag at t'yaga nila, hindi kami makakatapos ng pagaaral at magkakaroon ng magandang trabaho. Dahil sa kanila kaya naging custom officer si Nyura, naging engineer ako, naging pharmacist si Nastasiya and then our future architect, Maria Nastunye R. Mendoza.
Pharmacist na drug lord, Architect na sa Minecraft lang magaling at Engineer na may sariling formula hahaha
"Aren't you guys fooling me? Baka nagsasayang lang ako ng luha pagsasapakin ko kayong lahat." Nastunye weep.
"Gaga hindi kami magaaksayang ng pera sa pagrerenta lang ng susi no." I smirked as I rested my arm on Mama's shoulder.
"Tama na ang iyakan, tignan mo na yung sasakyan mo!" Masayang sabi ni Joseph, kung makapagsalita siya akala mo siya yung nagbayad.
Naglakad na kami papunta sa labas kung saan naka garahe yung accent. Bakit hindi nag-isip si Nastunye na baka sa kanya yung sasakyan sa labas?
Thanks to Nyura na umasikaso sa lahat.
I bought this car for Nastunye as a birthday gift to her, besides I decided to buy Nastunye a car because she got into the Ateneo, this also my reward for her hard work to study.
Never nawala sa honor list si Nastunye since elementary.
10 years old, tinuruan na kaming mag motor ni Papa. 15 years old tinuruan naman kaming mag four-wheel. Nastunye will just get a license, may sasakyan na siya eh.
Since nakapasok siya sa ADMU, hindi niya na kailangan mag commute.
Umiyak nanaman si Nastunye pagkatapos niyang makita yung red car niya.
"I'm so speechless. Thank you so much, guys!" Pasasalamat niya at nag group hug kami.
"Happy birthday, Tunye!" Bati ko.
"Thank you, Ate. I love you." Nastunye kissed me on the cheek.
"I hope we made you happy today, Nastunye." Ani ni Mama kaya niyakap ni Nastunye si Mama ng solo.
"I love you, Ma!" She hugged Mama very tightly.
Ang totoo... hinuhulugan ko pa yung sasakyan. Kaya 'wag kang magtaka kung isang araw kunin nila yung sasakyan ni Nastunye kasi hindi ako nakapag hulog.
Hahahahaha I was kidding. Para talaga kay Nastunye 'yun, kaya nga ko nagtatrabaho ng mabuti para may pang gastos yung pamilya ko.
Hindi lang halata pero pinagbubuti ko yung trabaho ko para sa kanila.
"Long drive tayo mamaya?" Pagaaya ko.
YOU ARE READING
The Secret Life Of Misfits | √
RomanceCorrupted Lies Series #2 Nadia back to the Philippines after her master's degree in Singapore. Nadia and Joseph continued to see each other and to catch up every single thing they missed to each other. But Joseph had three children so their relation...