Kabanata 5

245 16 0
                                    

Pagkatapos ng pangatlong tugtog at masigabong nagpalakpakan ang mga bisita kasama ang aking pamilya, maging ang mga prinsipe sa kalapit na lamesa lamang. Ngunit hindi naman naalis sa isip ko ang pares ng mata na nakatingin sa akin kanina. Ang kanyang ekspresyon ay hindi ko mabasa dahil nanatili itong seryoso.

Nakilala kaya ako ng prinsipe? 

"Ang galing mo, mahal na prinsesa!" sinalubong ako ni Adina paglabas ko ng bulwagan.

At dahil tapos na ang aking pagtugtog room ay kailangan ko ng umalis. May bitbit itong makapal na tela at ipinatong sa aking balikat. Nandito kami ngayon sa hardin dahil wala na rin naman akong gagawin sa loob. Tiyak na kahit wala ako roon ay magpapatuloy ang kasiyahan.

"Anong problema?" aniya ng mapansin ang pananahimik ko.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Adina ang mga katanungan ko o hayaan na lang ito. Ngunit hindi ko makakalimutan ang mukha ni Princess Nirvana ng marinig niya ang paborito kong tugtugin sa violin. Hindi ko siya natanong dahil mabilis siyang nahila paalis ng kanyang taga-silbi.

Ngunit kalaunan ay nagpasya na lang akong ikuwento kay Adina ang nangyari kanina sa kaganapan sa amin ng prinsesa.

"Sa tingin mo ba ay dapat ko ng hindi tugtugin 'yon?" bumilog ang kanyang bibig at mabilis na umiling.

"Hindi mo naman kailangan gawin 'yon. Isa pa, iyon ang iyong paborito. Baka naman may ibang dahilan ang prinsesa kung kaya't ganoon na lang ang naging reaksyon niya." Bumuntong-hininga ako.

"Nakita ko ang malungkot at pangungilila sa mata ng prinsesa. Nais ko man siyang kausapin ay alam kong hindi ako mabibigyan ng pagkakataon lalo't mas'yado silang maraming ginagawa." Dagdag ko pa.

"Maaaring may nakaraan ang prinsesa at naalala niya lang. 'Wag mo mas'yado isipin." Napatango na lang ako.

Naisipan namin na mag-usap na lang ng ibang bagay. Hanggang sa may lumapit sa aming isang taga-silbi at kinausap si Adina. Ang tagal din ng pag-uusap nila kaya tumayo na ako mula sa pagkakaupo at sumenyas lang kay Adina na maglilibot muna ako.

Dinala ako ng aking mga paa sa rock formation kung saan kita ang malakas na alon sa baba. Napayakap ako sa aking sarili ng makaramdam ng lamig. Naiwan ko pala ang tela na ipinatong ni Adina kanina sa balikat ko. 

Madilim ang paligid at tanging ang maliwanag na buwan ang siyang nagbibigay ng pansamantalang liwanag sa aking kinalalagyan.

Hinubad ko ang aking sapin sa paa at dahan-dahan na lumakad palapit sa malaking bato. Iginilid ko ang aking katawan upang magkasya ako at kinapa ng aking paa ang tatapakan ko. Nais kong pumunta sa dalampasigan at para magawa ko 'yon ay kailangan ko pang bumaba.

Hindi ako hinahayaan ng hari o ng reyna na maglalagi sa ganitong uri ng lugar. Ngunit nais ko lang lumanghap ng sariwang hangin at alam kong dito ko iyon makukuha.

Kahit delikado ay nagawa ko pa rin na makababa. Hindi naman ito ang unang beses na ginawa ko ito. Tuwing nababagot ako sa palasyo ay dito ako pumupunta. Walang sino man sa aking pamilya ang nakakaalam na pumupunta ako rito, kahit pa si Adina.

Patalon akong bumaba at napangiti ng maramdaman ng aking mga paa ang pinong puting buhangin. Bawat lakad ko ay siyang paglubog naman ng aking paa sa buhangin ngunit hindi naman iyon nakasagabal sa aking paglalakad.

Tinatangay ng hangin ang aking buhok at hindi na ako nag-abala pa na sakupin 'yon at hinayaan na lang. Sa dami ng nangyari sa buong linggo na nandito ang mga bisita galing sa ibang palasyo ay pakiramdam ko ay maraming nagbago.

Nakakilala ako ng ibang tao. Nakausap. At hindi ko alam kung matatawag ko bang kaibigan.

Tumingala ako sa bilog na bilog na buwan at napangiti. Pinapakalma ako nito kahit tinitingnan ko lang ito. 

Scarlet of Arrows (Book 1)Where stories live. Discover now