KABANATA 10

45 6 0
                                    

"Ate wake up na!" Sigaw ni Astrid sa labas palang,Agad naman akong dumapa para umayos ng higa.

"Later." Inaantok kong saad.

"Anong later ka jan,Ngayon na yung graduate nyo baka ma-late ka!" Agad naman akong napabangon dahil sa gulat.

"Sh*t." Bulong ko.

"Tita bilis po!" Sigaw ko,Ayokong ma-late.

"Oo anak anjan na.." Sagot ni Tita,At dali-daling pinaandar ang sasakyan.

"Na e-excite ako!" Masayang saad ni Astrid,Kaya napatingin ako sakanya.

"Bakitt?"

"Kase ako mag sasabit ng medal mo.." Proud nyang saad.

"Tita si Mama po?"

"Wag mo nang hanapin yun Ate,Wala naman maitutulong." Agad naman akong napatingin kay Astrid.

"Astrid yung bunganga mo." Saway ko agad sakanya,Hindi ko sya tinuruan maging bastos kahit sa magulang namin.

"Totoo naman Ate ah!" Nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses nya sakin at ang mga luhang nag babadyang pumatak sa mata nya.

"N-nakita ko sya Ate...N-nakita ko syang pumasok sa bar..Sinundan ko sya dahil miss kona sya at gusto ko sya din ang magsabit ng medalya sayo..." Huminto muna sya saglit para punasan ang mga luha sa mata nya,"P-pero nakita ko at narinig ko na binibenta ni Mama ang katawan nya Ate..Kaya galit ako sakanya!Galit na galit ako kase may mga anak sya pero anong ginawa nya?!Nagpapasarap!" Agad kong niyakap si Astrid at umiyak.

Hindi ko gustong magalit si Astrid kay Mama,Pero wala e nakita at narinig na nya ang hindi dapat.Hindi ko alam na binibenta na pala ni Mama ang katawan nya ano pabang sunod?Hindi nya alam nakikita na ng anak nya ang mga pinang gagawa nya.

Kaya ba hindi na sya umuuwi?Dahil may bagong tirahan na sya?

"Ate..totoo rin bang nag dro-droga si Mama?" Agad naman akong napatahimik,Pano nya nalaman yun?

"S-sino nag sabi sayo nyan?"

"Si Cassy..Yung kapatid ni Kuya Chester.." Mahinang saad ni Astrid,Napagod na siguro sa kakaiyak.

"H-hindi ko alam Astrid,Wag mo ng intindihin ang mga sinasabi ng iba tungkol kay Mama,Astrid.Intindihin mo ang sarili mo mag tapos ka ng pag-aaral andito lang si Ate." Sabay halik ko sa noo nya.

"Mahal na mahal kita Ate.."

"I love you more Astrid."

Napatingin naman ako kay Tita Lira na ngayon ay palihim na umiiyak,Bumitaw muna ako sa yakap ni Astrid para tumingin sa labas dahil kahit ako ay naiiyak na din sa nangyayari sa nanay namin.

Bakit kailangan pang makita ni Astrid?Hindi ba pwedeng sakin nalang lahat?Hindi ba pwedeng ako nalang ang makakita ayokong umiyak ang kapatid ko dahil sa pinanggagawa ni Mama,Ayokong magalit sya,Ayokong maging malungkot sya,Ayokong may bumabagabag sa isip nya..

Hindi kona namalayan na andito na pala kami sa paaralan namin ni Astrid dahil sa dami ng iniisip,Graduate mo toh Vien maging masaya kana muna ngayon kase pagkatapos nito haharapin muna ang tunay na pagsubok mo.

"Una napo ako kita nalang tayo sa loob.." Hindi ako makatingin kay Tita ng diretsyo sa mga mata nya dahil makikita ko ang lungkot nito para saamin ni Astrid.

"Good luck Ate!" Masayang saad ni Astrid,Tumango ako sakanya at ngumiti.

"Vien!" Gulat akong napatingin kay Jasmine isa sa mga naging kaibigan ko din dito,Akala ko hindi na ako magkakaroon ng kaibigan..Akala ko si Chester nalang talaga pero nagkamali ako.

That Night(That Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon