Chapter Three

149 2 0
                                    

(Felix's POV)

   School day nanaman, may dini-discuss ang teacher namin about Physics pero wala ang atensiyon ko doon... Hindi kasi maalis sa isip ko ang sinabi ni mama eh... Pero pakiramdam ko ang saya-saya ko... Umepekto kaya ang sabi ni mama... Hindi ko muna iniisip yun...

"Mr. Buenaventura!" tawag sakin ng teacher namin.

Napatigil tuloy ako sa kaiisip.

"Can you solve this problem?" tanong sakin ng teacher ko habang tinuturo ang nakasulat sa board.

Collision pala ang lesson namin ngayon... Nalito ako sa problem pero tumayo pa rin ako para i-solve iyon, tumungo ako sa blackboard...

"A 1200 kg car moving at 40m/s, W collides w/ a 1100 kg car moving with a certain velocity in the opposite direction. After collision, the 1200 kg car attains a velocity of 45 m/s, westward while the 1100 kg car moves at 35m/s, eastward. Find the velocity of the 1100 kg car before collision."

Halos mabaliw ako sa problems, pero iniisip ko kung paano ko iso-solve ito eh wala namang calculator.

"Mr. Buenaventura, are you going to solve it or you'll just stand up there." biglang sabi ng teacher ko.

Mukhang nagagalit na si Ma'am Quizon, kasi kanina pa ako nakatayo rito, sinulat ko na lang ang solution, bahala na kung magkamali...

Tapos ang kinalabasan ng answer ko ay 2.95 m/s, W at binilugan iyon at bumalik na ako sa pwesto ko.

Namangha ang mga kaklase ko sa sinulat ko pati na rin ang mga tropa ko.

"Mr. Buenaventura is correct!" sabi ni Ma'am Quizon. Palakpakan lahat ang mga kaklase ko, tama pala ang sagot ko... 0_0

"Next time Mr. Buenaventura, stop daydreaming in my class or else your conduct in my subject will be deducted." sabi sakin ni Ma'am Quizon. "Understand?!"

"Yes ma'am!" sagot ko. Si Ma'am Quizon, Physics teacher pero inglishera, daig pa niya ang English teacher namin pag nanenermon eh magtatagalog pa.

May ibubulong sana si Hanson ng...

"Mr. Samaniego! Don't talk to my class!" sigaw sa kanya ni Ma'am... 0_0 Naman o nakakagulat talaga si Ma'am Quizon.

"Sorry ma'am." pahiyang sagot niya..

And after that, nagtuloy na uli ng discussion si Ma'am Quizon...

Five minutes later nag-bell na kaya tayuan na kami at naglabasan sa classroom namin para sa recess time...

Pagdating namin sa canteen naupo kami sa dati naming pwesto kapag kakain... Sina Nicko at Ian bumili ng pagkain nila... Kami naman ni Hanson ay naiwan dahil may baon naman kaming food...

"Sinadya niyo ba talagang lasingin ako ha!" basag ko sa katahimikan.. Sandaling napatigil si Hanson sa kinakain niyang sandwich...

"Ano bang pinagsasabi mo Felix? Lahat tayo lasing noong Friday!" sagot ni Hanson...

"Ikaw ang pinakamaraming nainom sa amin... Tawa ka pa nga ng tawa eh habang binabanggit ang ex mo!" tuloy niya. "Sumayaw tayo kasama ang mga babae roon... Nakisayaw lang kami pero ikaw nakipaghalikan ka sa isang babae roon... Di mo ba alam yun pre..."

"Hindi eh! Akala ko si Jamie yung nakahalikan ko noong gabing iyon!" sabi ko naman.

Sa sinabi kong iyon ay nag-smirk siya,

"Tingin mo ba hilig ng ex mong pumunta sa mga bar?" 

Oo nga, hindi nga mahilig sa mga ganun iyon, pero hindi ibig sabihin bar hopper ako habang kami pa ni Jamie.

My Nerdy Girlfriend (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon