Loving An Otaku Girl

218 4 1
                                    

Otaku. Ano nga ba ang otaku? 

.

.

.

Oo, tama. Sila nga.

Ang mga taong mahihilig sa mga animated na drawing na ang tawag ay "anime". Yung mga taong makikita mong punong puno ang kwarto ng lahat na anime-related na bagay. Yung mga tipong kukunot ang noo pag narinig na tinawag mong "cartoon" ang isang anime character. Mga bukambibig ang mga iba't ibang characters na gustong gusto nila, mga updates sa mga gusto nilang anime shows o mga cosplay events at sila din ang mga nilalang na tinatawag na mga "cosplayers", sa kadahilanang sila yung mga tipo ng taong makikita mong madalas sa mga mall sa mga certain time na may suot suot na makukulay na wig at mga magagarang costume na sobrang dami na kulang nalang eh parang domination na yung ginagawa nila sa mall. (Peace. I love you mga kapwa cosplayers ko.)

Sa madaling salita. Sila ang tinaguriang mga "geek", "wirdow <weirdo>" at mga "isip bata" ng society natin. Ang mga "clowns" at "outcasts" sa vocabulary ng ibang masasamang nilalang dito at ang mga madalas pagtripan. Sila din daw yung mga 0% ang love life sa kadahilanang walang taong gugustuhing maging karelasyon sila dahil sa ugali nila.

Pero..

..Mali sila. Dahil isa ako, sa mga taong walang kahilig hilig sa mga bagay na yan at minsan ay nawe-weirdohan ako sa mga ganito, ang nahulog sa isang katulad nila.

Sa isang Otaku girl.

Loving An Otaku GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon