Nakikinig ako ngayon ng kanta ng Paborito kong banda...
Tama. MAROON 5 ang paborito kong banda. Ewan ko rin kung bakit.. pero kahit ang lalaswa ng Music Videos nila and may Matured-content ang songs nila, Idol na Idol ko pa rin yang band na yan.
sa dinami-rami ng kanta nila na gustong-gusto ko, isa lang ang nakapag-LSS (last song syndrome) sakin...
Hindi ito yung favorite song ko pero... Ilang araw na syang nagpe-play sa utak ko..
Siguro dahil sa...
*Flashback*
We attended the wedding of our beloved professor. . After the wedding, e dumerecho kami sa isang well-knowned hotel for the reception.
Lahat ng students naging student ng professor namin ay invited kaya naman nagmistulang parang mini-JS ang dating ng wedding reception nila.
here comes the throwing of the boquet of flowers...
Lahat ng babae nagpuntahan dun.. as in lahat, well except for me. wala lang, ayoko lang.
"My Dear students, listen to me. Dahil more on students pa yung nandito compared dun sa mga naka-graduate na at dati kong mga estudyante, iibahin ko yung meaning netong throwing of boquet na ito. Kung yung normal meaning nito is: kapag ikaw yung naka-salo, ikaw ang susunod na ikakasal, ngayon ang gusto kong maging meaning nito para sa inyo is: Kapag ikaw ang nakasalo, magiging masaya ang buhay pag-ibig mo. Ok ba yon??" -sabi ng professor namin na naging dahilan ng masasayang paghihiyawan ng mga kababaihan.
lumapit sa akin yung professor namin na parang nagtataka, siguro kasi ako na lang talaga yung babaeng nakaupo.
"Krystal! Bakit nakaupo ka pa dyan? Pano na lang maisasakatuparang ang K-couple nyan kung uupo ka lang dyan??" tanong sa akin ng professor namin
"Prof naman eh. masakit na kasi yung paa ko. Manunuod na lang ako dito!" sabi ko sabay ng pag-ngiti ko.
malakas na nagbilang ang mga babae at ayun... may nakasambot din ng boquet..
Kung di ako nagkakamali, Trina ata yung name nung babaeng nakasalo nung flowers... Ay ewan. basta ka-batchmate namin sya! :D Ano bang papel nyan s story ko at kailangan ko pang alalahanin ang name nya? =_=
Dumating ang oras para sa kainan and habang busy kami sa pagkain nagsalita sa may microphone ang prof namin..
"May I request the K-Couple to sing a lovable duet here in the stage?" -and with that, naghiyawan na naman ang mga tao.. Tatanggi sana ako kaso nakita ko naman siyang lumitaw of out nowhere from the crowd.. Sya na katambal ko sa so-called K-couple.
Hinawakan nya ang kamay ko at inalalayan hanggang sa makarating kami sa stage,. Binigyan nya ako ng isang mikropono at nagsimulang tumugtog ang background music..
(Pakinggan nyo nalang yung video sa gilid at i-imagine nyo na kami yan at kumakanta. Nakakatamad kasing mag-type or mag-copy paste ng lyrics eh. Wag nyo nalang panuorin.. pakinggan nyo lang. kase baka isipin nyo na kami yan.. xD just continue reading! :D)
Habang kumakanta kami, padami ng padami ang mga couples na sumasayaw sa gitna.. Ang sweet-sweet nila.. Gusto ko ring sumayaw ng ganun..
teka, hindi ko pa nga pala napapakilala sa inyo itong ka-duet ko at yung sinasabi nilang katambal ko daw sa K-Couple.
He's Kristoff. My beloved bestfriend.. And when I say BELOVED, I mean it.. literally.
Gaya ng iba pang cliche stories, may gusto rin ako dito sa lalaking ito.. Take note, he's my best friend kaya nagsimula yang K-Couple na yan, kasi madalas kaming magkasama. Sabi nila ang cute daw namin na couple. Sabi nila bagay na bagay daw kami. Sabi nila they can sense the word FOREVER with us... ang dami nilang sinasabi na kahit ako gusto kong maniwala sa mga sinasabi nila, pero nginingitian lang ito ni Kristoff.