Chapter 22: Safe

73 12 1
                                    

"Uuwi ka na?"

Naglakad ako palapit kay Yandiel, nakasakay na ito sa motor niyang honda at nakatingin lang sa akin. Tumigil na ako sa paglalakad at hinarap siya. Katulad ng dati ay walang pinatunguhan ang usapan namin ni Ryker. I should be more patient for now on.

"Oo, uuwi na ako sa amin," malamyang sagot ko.

Napaawang ang kanyang bibig, nakatingin pa rin sa akin. "Sakay na."

Ako naman ang natigilan at bahagyang kumabog ang dibdib, hindi agad ako nakaimik at aksidenteng nabaling sa likuran ng motor niya. I never tried riding motor since I grew with an old red car.

Unti-unti akong umiling at nahihiyang ngumit. "Ayoko. Maglalakad na lang ako."

"Ka-arte mo," sambit niya. "Pulis ka, 'di ba? 'Di ka ba sumakay sa ganito?" dugtong niya sa medyo iritable at nang-iinis na tono. Hindi naman ako pulis, hindi rin ako mukhang pulis.

"Grabe ka naman." I giggled lightly. "Sige, ihatid mo ako sa sakayan ng XLT. Ayos lang ba?"

"Bahala ka," tipid niyang sagot kaya natawa na lang ako. Napaka-ano niya talaga, hindi ko maipaliwanag.

Sinukbit ko ng mabuti ang maliit kong backpack at sumampa sa kanyang motor para umangkas. I was too hesitant but I needed to touch his broad shoulder just to get up. Tinanggal ko na ang kamay ko sa kanyang balikat nang nakasakay na ako.

"I wonder how many girls did you offer riding here," pabirong sabi ko sa gitna ng kanyang pagmamaneho. Tiningnan ko ang mukha ni Yandiel sa salamin ng kanyang motor at nahuli siyang ngumiti. Hindi ko mapigilan ang kakaibang kaba na nararamdaman ko, hindi ko maintindihan.

"Hindi ako nag-aangkas ng babae," saad niya.

Nagkibit balikat nalang ako at tumingala sa mga nagtataasang puno na aming nadadaanan kaya malilim ngayon ang maliit na kalsada. Hinahangin ang buhok ko kahit nakatali ito. Ganito pala ang pakiramdam na umangkas sa motor, ngayon pangarap ko nang magmaneho ng ganito.

"Trees here are beautiful. Tingnan mo oh, nahuhulog yung mga dahon," pagsasalita ko at bahagyang inilahad ang aking kamay sa hangin. Buti na lang ay hindi siya ganoon kabilis na magmaneho.

Hinarap ko siya nang makarating na kami sa hintayan ng XLT sa mismong harap ng gate ng CLSU, nagtaka ako nang iparada niya ang kanyang motor sa gilid. "Saan ka pupunta, Yandiel?"

Ngumuso siya. "Sa trabaho ko."

"Saan yung trabaho mo?"

"Dito."

Natawa ako sa 'di malamang dahilan, nakunot lang ang kanyang noo dala ng pagtataka sa akin. Ewan ko ba. Para akong nababaliw.

"Sige garod, salamat ng marami sa paghatid. May XLT naman na pala, ako lang ata ang pasahero," nakangiting sabi ko. "Babye, Yandiel!"

Ginulo ko ang kanyang buhok at nagpunta na sa nag-iisang XLT sa tabi ng kalsada. Sumakay ako sa gawing likod dahil may mga pasahero pa mamayang hihintayin. Pumikit ako saglit at ipinahinga ang ulo sa gilid na aking sinasandalan habang nakatanaw sa grupo ng mga bundok sa bukid na katapat ng kalsada.

"O, sakay na. San Jose! Sakay!"

Napaupo ako nang maayos at napatingin kay Yandiel na nakatayo na sa pintuan ng XLT ngayon at sumisigaw. Napatingin ito sa akin at ngumisi, halos mamatay ako.

"Para makauwi ka nang mabilis."

Dahil sa pasigaw niya nang ilang minuto ay nagkaroon ng mga pasahero ang XLT. Kumaway ako kay Yandiel nang paalis na ang XLT dahil may kasunod ito para sa iba naman na pasahero. I can't believe this, he was supposed to be resting in his home this time.

Covenant in the WildernessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon