NGUMITI AKO bago umiling sa mga kaklase ko. Pilit kasi nila akong nilalakad kay Nelson, isa sa mga basketball player ng university. Hindi na nga ako mahilig sa dating. Tsaka isa pa, masaya ako sa nangyari noong nakaraang araw. Tinotoo nga ni Theo na akin siya sa buong araw.
We danced until midnight, hugging each other while singing different love songs.
Hindi ko akalain na ganoon pala kasaya sa pakiramdam iyon. When he was hugging me, everything felt right. Everything seemed to be in place and everything was magical.
Fireworks, butterflies and different kinds of emotions were lingering around us when we were dancing and. . . it was the best.
We were just dancing, nothing sexual, but the happiness that went through me that time was too strong and too euphoric.
Babaunin ko ang ala-alang iyon hanggang sa pagtanda ko.
Ngumiti ako nang maalala ko kung ilang beses niyang hinakikan ang ulo ko. He kissed my head 143 times.
Pilit kong iniisip na sana may kahulugan ang mga halik niya sa ulo ko pero baka ako lang naman ang nakapansin noon. Hinayaan ko na muna iyon. Alam ko naman kasing imposible na magustuhan ako ni Theo sa paraan na gusto ko.
Natigil ako sa pag-iisip tungkol kay Theo nang itulak ako ni Nikki, isa sa mga kaklase ko kay Nelson kaya naman napanguso ako nang tumama ang katawan ko sa katawan ni Nelson.
Ooh's and Ahh's filled the whole classroom. I just rolled my eyes and touched the pearl that Theo gave me.
"Please, tigilan n'yo na kami," pagmamakaawa ko sa mga kaklase ko. Nagtawanan lang silang lahat dahil doon.
Si Nelson naman ay tila nakangisi lang at tila nag-e-enjoy sa pang-aasar ng mga blockmates namin sa amin.
"May boyfriend ka na ba, Alex, ha?" tanong sa akin ni Nikki kaya naman ngumuso ako.
"W-Wala pa!"
"Naks," nakangiti na saad ni Nelson. "May 'pa', ikaw, ha! Siguro crush mo ako?" saad niya sa akin.
Inirapan ko siya dahil doon. Ang kapal ng mukha ng tukmol na ito. Mabilis na tinadyakan ko ang paa niya at nakita kong napakagat siya ng labi habang nagpipigil ng tawa.
"Kagat langgam?" he asked.
Nagtawanan na naman ang mga blockmates ko dahil doon. Hindi ko alam pero minsan ay masaya talaga kasama ang mga ito. Hindi ko rin alam kung totoo ngang crush ako nitong si Nelson.
May itsura naman siya. Moreno, makapal ang kilay at halatang bad boy ang itsura. Magaling din ito sa basketball at sa acads. . . pero hindi ko lang talaga siya type.
Matagal ko nang alam na wala sa akin ang puso ko. Bata pa lamang ako ay naibigay ko na sa isang tao ang puso ko.
Kaya nga kahit nagkakaroon ako ng boyfriend noon, hindi ako umiiyak kapag nag-be-break na kami dahil hindi gaanong masakit. . . dahil alam ko sa loob-loob ko na kahit anong gawin kong pakikipag-relasyon sa iba, hinding-hindi mag-wo-work ang relasyon namin dahil wala na ang puso ko sa akin.
Kumunot ang noo ko nang bigyan ako ni Nelson ng isang bungkos ng santan. Tumaas na rin ang kilay ko dahil doon at natawa ako pagkatapos dahil alam ko kung saan niya kinuha ang mga bulaklak.
"Tarantado ka, Nelson!" tawa ko dahil doon. "Ninakaw mo ito sa may gilid ng guidance room!" natatawang sita ko sa kaniya.
"Looking for: Lalaking magnanakaw ng bulaklak para sa akin," sigaw ni Nikki kaya naman nagtawanan ang buong block namin. "Sana all, heto mga type ko, eh. Bad boy!" saad pa niya.
BINABASA MO ANG
Lost Without You
RomanceAlessandra Xander Sebastian's heart has been beating for Theodore Caleb Zaguirre since she was a child. He was her savior, her light, and she spent her whole life with him by her side. Without him, life isn't complete. So she showed him love and did...