(A/N: From the characters of DS game entitled 999: 9 hours, 9 persons, 9 doors. Enjoy reading! ^_^)
Madilim na ang paligid at natatakpan na ng mga ulap ang buwan. Maririnig mula sa paligid ang tila pag-iyak ng isang sanggol. Nagising ang isang babaeng may suot na damit na parang sa pasyente, mula sa pagkakahimlay nito sa gilid ng kalsada.
Sa pagbangon niya, nagsimulang sumakit ang kanyang tiyan at unti-unti, lumalaki rin ito! Tumayo siya at nagsimulang maglakad sa kalsada na parang buntis kahit hindi pamilyar sa lugar. Iisa lang ang kanyang hangarin, ang makauwi kaagad at makawala sa nakakatakot na lugar na iyon. Tanging takot lang ang kanyang nararamdam at pag-iyak lang ang kaya niyang gawin. Wala siyang mahingan ng tulong. Ni hindi niya alam kung paano siya napunta doon.
Ilang sandali lang, isang itim na kotse ang bumundol sa kanya na parang intensiyon ng driver ang gawin ito. Naging sanhi ito upang matumba ang kaawa-awang babae. Mula sa kanyang mga duguang paa, gumapang palabas ang isang nakakapangilabot na sanggol! Pangit at bangibi ang itsura nito at tila nangangapa sa dilim. Panay ang pag-iyak nito.
Lumabas ang driver ng kotse at laking gulat ng babae na wala itong mukha! Kinuha nito ang palakol sa kotse at walang habas na pinagsasaksak ang sanggol. Tinaga niya ito na tila may mga matang nakakakita. Bumulwak ang mga lamang loob nito at lumabas ang napakaraming dugo mula sa nangingisay na katawan nito.
Napasigaw ang babae at natuon ang atensiyon ng walang mukhang lalaki sa kanya. Siya naman ang isusunod nito. Walang awa niyang hinataw ng buong lakas ang ulo nito hanggang sa maputol ito gamit ang hawak-hawak na palakol. Pati na rin ang mga kamay at paa nito, hindi nakaligtas. Iniwan niya itong naliligo sa sariling dugo.
"AAAAHHHH!!!" napasigaw si Leane sa paggising niya.
Napatingin ang lahat sa kanya. Punong - puno siya ng pawis at halatang takot na takot ito. Panaginip. Isang napakasamang panaginip lang pala.
"Oh Leane, ano nangyari?" tanong ng boyfriend niyang si Nick na nagmamaneho.
"N-nanaginip ako ng nakakatakot. Nagising ako sa madilim na kalsada. May suot akong mahabang puting damit. Paggising ko bigla na lang lumobo yung tiyan ko. Pinilit kong tumayo at pagkatapos, nabundol ako ng kotse. May lumabas na duguang baby sa akin. Nakakatakot ang itsura niya. Lumabas yung driver na nakabangga sa akin pero, w-wala siyang mukha. Kinuha niya yung palakol at saka pinatay kaming dalawa," halos nauutal-utal pa rin siya habang nagkukwento dahil sa takot.
"Kung ano-ano kasing iniisip mo. Relax ka lang!" sabi ng boyfriend.
"Mga ilang oras pa ba tayo makakarating?"
"Tatlong oras pa."
Apat na oras na silang nasa biyahe kasama ang apat pang mga kaibigan. Ilang beses na silang nagstop-over para kumain at para hindi mainip.
Si Leane ay labing-anim na taong gulang. Simple, mabait, at maganda. Nakalugay ang kanyang mahabang itim na buhok. Dahil sa "near perfection" nitong anyo kaya siya nagustuhan ng boyfriend na si Nick. Mas matanda ito ng isang taon sa kanya. Labing-pitong taong gulang. Gwapo, maputi, mayaman at kulay putik ang buhok. Masasabi mo talagang bagay sila sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Road Trip
HorrorIsang grupo na binubuo ng anim na iba't - ibang mga kabataan ang magpapalipas ng weekend sa baryo ng Sta. Barbara. Ngunit ang hindi nila alam, ang kalsadang madadaanan nila ang uubos sa kanila, isa - isa. May makakaligtas kaya? Anim na buhay, isang...