Bestfriend

5.8K 173 36
                                    

"BESTFRIENDS"

Minsan napapaisip ako kung totoo ba ang true love dahil sabi ni Mama true love niya si Papa, pero bakit iniwan pa rin niya kami at sumama sa iba?

Sixteen years old ako nang lumipat kami ng tirahan kasama si Papa at ang dalawang nakababata kong kapatid.

Dahil baguhan ay mahirap makisama at dahil hindi ako lumalabas ay wala akong naging kaibigan.

Isang araw may nag-aproached sa akin--- babae at lalaki, mabait sila kung kaya't madali kaming nagkasundo,

Si Aldric ay ahead sa akin ng dalawang taon, at ang bestfriend naman nitong si Roselyn ay kaedad ko lamang.

Naging close kami sa pagdaan ng ilang buwan at hindi ko namalayang nahulog ang loob ko kay Aldric.

Maswerte na yata ako dahil gusto rin pala niya ako, niligawan niya ako at sa loob ng dalawang b'wan ay naging kami.

Sa paglipas ng apat na taon ay mas nahulog ako sakanya, first year college na ako at kumukuha ng kursong nursing.

Si Aldric na yata ang true love ko...

Umuulan at wala akong masakyan kaya tinawagan ko siya--- ang sabi niya ay parating na siya ngunit kalahating oras na rin at wala pa siya

Tumawag ako at nanlumo sa narinig

"Pasensya na, Babe--- nadaanan ko kase si Roselyn at hinatid na sakanila pero lumakas ang ulan hindi na niya ako pinayagang lumabas, mag commute ka na lang"

Hindi ako nagreklamo dahil malakas naman talaga ang ulan--- makalipas ang isang oras ay nakauwi rin ako

Dumalas ang pangyayari na lagi niyang inuuna si Roselyn;ang bestfriend niya

Merong hindi natuloy ang date namin dahil sinamahan niya si Roselyn, hindi niya ako nasusundo dahil nauna niyang nadadaanan si Roselyn at higit sa lahat ang oras niya na dapat para sa akin ay napupunta kay Roselyn.

Bakit puro na lang si Roselyn? Napuno ako kung kaya't kinausap ko si Roselyn,sa maayos na paraan

"Pasensya kana sa sasabihin ko pero nakikiusap ako na sana limitahan mo ang paghingi ng oras sa boyfriend ko--- nawawalan na kasi siya ng oras saakin"

Ngumiti naman siya kung kaya't napalagay ang loob ko

"Sorry kung naaagaw ko ang oras nyo--- di bale sayong-sayo na siya"

Ngumiti na lang ako kahit parang sarkastiko ang naging tugon niya

Kinagabihan ay tumawag si Aldric at galit na galit

"Gwen! Anong sinabi mo kay Roselyn? Bakit iyak siya nang iyak at ayaw akong kausapin? Ang sabi niya ay mag-uusap lang kayo!"

Nagulat ako sa naging bungad niya saakin

"Ha? Ang sabi ko lang limitahan niya ang paghingi ng oras sa 'yo! Hindi ko siya inaway bakit naman siya iiyak?'

Nagmura siya at binaba ang tawag

Mula nang araw na yun ay hindi na nagparamdam pa si Aldric sa akin--- ni text o tawag ay wala na, sinubukan ko siyang puntahan sa kanila ngunit nakila Roselyn siya.

Pakiramdam ko hindi na ako ang girlfriend niya.

Nag-text ako sakanya na mag-usap kami sa park upang makapag-usap na kami nang maayos
Kalahating oras akong naghintay bago siya dumating

"I miss you," agad kong sabi at yumakap.

Hindi siya umimik at inalis ang pagkakayakap ko sakanya

"Let's  break up,"  sabi niya na kinatulala ko.

"Babe naman---anong dahilan--" hindi ko na natapos ang sasabihin.

"Buntis si Roselyn at hindi siya kayang panagutan ng gagong 'yun! Itatakwil siya ng pamilya niya
kung walang aako sa pinagbubuntis niya."

Nanlumo ako at umiyak sa harap niya.

"Iiwan mo 'ko para sakanya? Pa'no naman ako? Aldric, mahal kita!'

Wala ng natira sa dignidad ko dahil lumuhod ako at niyakap ang binti niya.

"Hindi ko pwedeng pabayaan si Roselyn! Anong klaseng bestfriend ako kung iiwan ko siya? Gwen-- mahina ang puso ni Roselyn." Umiling ako at umiyak ngunit balewala sakanya

Lumipas ang isang bwan at nabalitaan kong nagpakasal na sila--- sobrang sakit, pilit kong kinakaya pero hindi ko mapigilang umiyak gabi-gabi.

Hindi ako nag-eskandalo o tumutol sa kasal dahil ayokong ipagsiksikan pa ang sarili ko, kung mas gusto niya sa bestfriend niya hahayaan ko na siya.

Akala ko siya na ang true love ko, darating kaya ang panahon na ako naman ang pipiliin?

Mahirap palang magmahal ng lalaking may girl bestfriend.

Ang oras ko ay ginugol ko sa pag-aaral at pilit siyang kinalimutan,  umaasa akong sana ay kayanin kong magmahal uli.

A/N
#workoffiction

One Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon