"Mrs. Alonzo"
I have a girlfriend named Carina Santiago, we've been together for six years. Niligawan ko siya nuong second year high school kami, napaka-simple niya at mabait na talagang nagpahulog sa akin.
Habang tumatagal ay lalo siyang lumalambing, sa una ay masaya ako ngunit habang tumatagal ay nakakasakal na, madalas siyang magselos at magtampo.
Mahal na mahal niya ako at ramdam ko iyon, mahal ko rin siya kaya tumagal kami ng anim na taon, ngunit pakiramdam ko napapagod na ako sa relationship na 'to.
At dahil matagal na kaming magkarelasyon ay ninais kong may mangyari saamin at makuha ko na siya ng buo ngunit tumanggi siya at laging sinasabi ang...
"Matt, hindi pa ako handa-- darating rin tayo jan, hmm?" Tumatango na lang ako kahit labag sa kalooban ko.
Nakapagtapos na ako ngunit siya ay second year college pa lang dahil inuuna niya ang trabaho at laging bumabagsak.
Sa trabaho ay maraming tukso at isa na ruon si Kristine---ang katrabaho ko, 'di tulad ni Carina ay hindi mo ito makikitaan ng pagka-simple dahil sosyal na sosyal ang datingan niya, kitang-kita ang kurba ng katawan dahilan upang madarang ako.
Nagkaroon kami ng sikretong relasyon habang kami pa ni Carina-- and yes I'm cheating on her, ibang-iba si Kristine kay Carina-- binibigay nito lahat ng pangangailangan ko, pinaramdam niya sa 'kin ang maging isang tunay na lalaki.
Nagsasawa na ako kay Carina, hindi niya alam alagaan ang sarili at puro pamilya ang iniisip.
"Gustong-gusto ko talaga ang surname mo---someday magiging Mrs. Alonzo rin ako...I love you," malambing niyang sabi at yumakap sa likuran ko
Kung nuon ay gusto ko siyang maging ina ng mga anak ko ngayon ay hindi na, nagbago na ang isip ko at ginustong si Kristine ang makasama habang buhay.
"Carina-- let's break up," malamig kong sabi at binaklas ang yakap niya saka siya hinarap.
"L-love naman! Prank ba 'to?" Tumatawa siya ngunit nagtutubig ang mga mata.
"I'm sorry...pagod na 'ko sa relasyon na 'to, and I love another woman now, mag-iisang taon na kami." Tuluyan siyang umiyak sa harap ko at humawak sa mga kamay ko.
"B-bakit? Minahal naman kita, a? Kahit marami akong responsibilidad ay hindi kita isinantabi! Kahit alam kong nanlalamig ka na lumaban ako! Tapos malalaman ko lang may iba ka na!" Kahit hirap itong magsalita dahil sa pag-iyak ay naintindihan ko pa rin ang sinabi niya.
Gustong-gusto kong punasan ang luha niya ngunit wala ng atrasan 'to, nakaramdam ako nang kaunting pagsisisi ngunit hindi ko binawi ang sinabi ko.
"Carina,look at you!-Mula nuong high school tayo walang nagbago sa 'yo! Hindi mo man lang mabigyan ng oras ang sarili mo! And you look...you l-look stupid," pahina nang pahina kong sabi.
Lumuluha niya akong tinignan at tumango ng paulit-ulit, panay ang punas niya sa luha ngunit ayaw paawat sa pagtulo ang luha niya.
"Hindi mona ako kailangang laitin, papakawalan naman kita, sana sinabi mo nang maaga, hindi mo na dapat pinaabot pa sa puntong ginawa mo akong tanga nang makipagrelasyon ka sa iba." tumayo siya nang maayos at seryoso akong tinignan.
Mula nang araw na 'yun ay hindi na kami nagkita, tumagal pa ng isang taon ang relasyon namin ni Kristine ngunit kalaunan ay naghiwalay rin kami dahil sobra siya kung magdemand, panay ang hingi niya sa 'kin ng material na bagay, gusto sa fancy restaurant siya dalhin, hindi siya malambing tulad ni Carina at hindi ko naramdaman na mahal niya ako 'di tulad ng pinaramdam ni Carina sa akin nuon.
Lumipas ang tatlong taon at labis akong nangulila kay Carina, gusto ko siyang balikan ngunit huli na pala
Ikakasal na siya,
Sobrang sakit! Nagsisisi ako, sana ay hindi ko na lang siya iniwan, sana ay lumaban ako kasama siya ang tanga ko upang ipagpalit siya sa iba.
She's marrying Lucas, masaya ako dahil responsable si Lucas, mabait at mabibigyan siya ng magandang kinabukasan.
She's smiling sweetly that I had never seen when I was with her, nakapagtapos na rin siya at isa ng manager sa isang sikat ng company, sobrang saya na niya ngayon at hindi ko na siya guguluhin pa.
Ang pangarap niyang maging Mrs. Alonzo ay matutupad na... masakit man isipin ngunit hindi sa akin.
She's getting married with Lucas, my half younger brother
A/N
Don't cheat pare...be contented🙂
BINABASA MO ANG
One Shot Stories Compilation
SonstigesBawat tao ay may kanya-kanyang kwento, ang istoryang ito ay naglalaman ng iba't ibang kwentong magpapasaya't magpapaiyak sa mga mambabasa. One shot stories of Sirenakalata