[2] Her Second Dream

23 6 0
                                    

Camerron's Point of View
Pagkaraan ng  anim na buwan.

Mahimbing ang aking tulog nang maalimpungatan ako dahil naramdaman kong may kung anong nakadapo sa dulo ng ilong ko.

Kasabay nang pagdilat ng aking mata ay ang paglipad ng paruparo na siyang nakadapo doon. Agad kong namasdan ang asul na kalangitan na may pailan-ilang tumpok ng mga ulap na tila bumubuo ng mga imahe.

Napangiti nalang ako sa nakita, kay gandang pagmasdan.

Umupo ako mula sa pagkakahiga nang makaramdam ako ng mahinang kaluskos, nilibot ko ang aking mata sa paligid. Nagulat ako nang mapagmasdan na nasa gitna ako ng isang napaka gandang hardin, napapalibutan ng mga bulaklak at naka-upo sa malinis at luntiang damo.

Isang kumpol ng mga paruparo ang nagliparan sa hindi kalayuan na pumukaw sa aking paningin. Nang biglang pinalibutan nila ang isang pamilyar na pigura ng isang lalaking nakatalikod ang aking nakita. Namimitas siya ng mga puting rosas.

Nakasuot ng puting polo at itim na pantalon.
Namangha ako sa mga paruparong tila nagsasayaw habang nakapalibot sa kaniya. Dali-dali akong tumayo at pumunta sa kinaroroonan niya para malaman kung sino siya.

Pero teka, napatigil ako sa paglalakad nang bigla akong may naalala, siya... siya 'yong lalaking nasa unang panaginip ko! Nag-umpisa na namang kumabog ng malakas ang dibdib ko sa sobrang kaba pero hindi ko mapigilan ang kagustuhan ng mga paa kong lumapit sa kaniya.

Nang tuluyan akong makalapit sa kaniya ay bigla na lang napalitan ng isang matamis na ngiti sa aking labi ang takot na nararamdaman ko kanina, isang ngiti ang naipinta sa aking mga labi nang biglang lumapit sa akin ang tatlong paruparo, inilahad ko ang aking mga palad at dumapo sila doon.

'Sino ka?'

Dalawang salitang biglang kumawala sa aking bibig. Hindi ako nakatingin sa kaniya kundi sa mga paruparong nakadapo sa palad ko at tila sila'y masayang naglalaro doon.

Wala akong sagot na nakuha sa kaniya ngunit bigla na naman akong namangha ng may lumitaw na paruparong lumilipad na may dala-dalang isang puting rosas at ipinatong sa nakalahad kong palad.

Lumipad ang dalawang paruparo na kaninang nasa palad ko at sumama sa iba pa habang naiwan nalang ay ang rosas.

Kinuha ko iyon at inamoy ang halimuyak, ang bango, biglang gumaan ang pakiramdam ko. Parang may mahika ang amoy niya na tinanggal lahat ng pangamba sa loob ko.

Mayamaya ay naramdaman kong may mga kamay na humawak sa aking braso, unti-unti kong inangat ang aking ulo nang mapagtanto na ang estrangherong lalaki ang may gawa no'n.

Bakit hindi ako natatakot? Bakit napaka kalmado ng paligid? Gusto kong malaman kung sino siya pero ayoko ng magtanong pa sa kaniya.
Hindi ko namalayang nakaharap na siya sa'kin at tila pinagmamasdan ang aking mukha.

Pero bakit parang may mali?

Bakit hindi ko maaninag ang kaniyang itsura, bakit malabo?

Hindi na nasagot ang aking tanong nang biglang maglaho ang paligid. Naging alikabok ang mga bulaklak at mga damo sa paligid. Nang tingnan ko ang hawak kong bulaklak ay unti-unti na rin itong nagiging alikabok at nagsimulang tangayin ng hangin at ang pagbalot ng kadiliman ang huling nangyari.

--

Camerron's Reality

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko, parang ang gaan sa pakiramdam, natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakangiti sa kawalan. Tama ba 'yong nasa panaginip ko? Hindi na 'yon bangungot 'di ba?

'Good morning mommy!'

Nagmamadali akong bumaba ng hagdan at agad kong natanaw si mommy na naghahanda ng agahan.

'Mukhang ang ganda ng gising mo ah, anong meron?' Bungad niya sa'kin nang matanaw niya akong papalapit.

'Hmmm? I don't know mom, hindi ko nga alam kung bakit,' sagot ko habang pinipigilan ang pag ngiti.

Umupo ako sa upuan at tiningnan 'yong mga nakahandang pagkain, bigla tuloy akong nagutom. Naramdaman kong nakatitig sa 'kin si mommy kaya tiningnan ko rin siya, and boom! She's looking at me with a weird look. Ano na naman kayang nasa isip ni mom.

'What's with the look mom? Kung makatingin kayo para namang may ginawa akong krimen,' patawa-tawa kong sita sa kaniya dahil ang weird talaga ng tingin niya sa 'kin.

'Tell me, may boyfriend kana 'no?'

Halos malaglag ako sa inuupuan ko nang sabihi niya 'yon. Walang tigil akong natawa habang nakatingin sa kaniya.

'HAHAHAHAHAHAHAHAHA my god mom!'

Halos hindi ako makahinga kakatawa dahil sa sinabi niya, what? Ako may boyfriend? I wish!

'Wag mo nga akong tawanan anak, para kasing may iba sa'yo, ngayon lang kitang nakita na ganyan ka blooming pagkagising palang,' kakaiba pa rin 'yong tono niya.

Si mommy talaga.

'Mom I told you hindi ko talaga alam and wala naman sigurong masama maging masaya hindi ba? Kaya tama na nga 'yang hinala mo sa 'kin, wala akong boyfriend, manliligaw nga wala, eh.' Dipensa ko.

'Ok, basta sabihin mo sa 'kin kapag may nagugustuhan kana ha? Nako! Baka lokohin ka lang niyan.'

Nagtawanan lang kami at nagsimula ng kumain ng breakfast.

That weird dream again.

While I Was Sleeping [Dream Trilogy 1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon