Kabanata 2: Las Islas Filipinas, Colonia de España

12 0 0
                                    

"Gising, Gising!" ang narinig ko habang ang aking mata'y nakapikit at halos parang 'di ko na maigalaw ang aking braso at hindi ko maimulat ang aking mata.

"Gumising ka na dali!" ang narinig ko

At bigla na lamang...

Ako'y nasampal sa aking mukha nang malakas at pilit na binuka ang aking mga mata. Dahil sa iyon ay, binuksan ko kaagad ang aking mata at pinunasan ko ang mga ito gamit ang aking damit.

Nang talagang naimulat ko ang aking mga mata, napansin ko ang paligid namin. At bigla na lamang ako napasabi ng: "OH MY GOSH!"

Napansin ko na kami'y nakapaligid sa isang gubat sa gitna ng daan at malapit sa isang pamayanan na puno ng mga taong na para bang naka-barong at baro't saya. Malayo sa sari-sari store at unibersidad na halos walang puno kung saan kami'y pumunta. Pinunasan ko muli ang aking mata para siguraduhin na ito'y totoo nga. At sa sandaling iyon, bigla na lamang ako nakaramdam ng kamay na kumapit sa aking mga braso na para bang siya'y desperadong makakapit. At bigla ko na lamang narinig ang:

"Ethan! Kanina pa akong gising, hindi na tayo sa Manila. May kalesang dumadaan pero iniwanan lang tayo. Uso dito ang mga naka-barong at baro't saya. Lahat ng mga naririnig ko ay puro Espanyol at kung anumang whatever language 'tong pinagsasabi nila."

At sa sandaling iyon, lumingon ako at nakita ang isang babae na hinaharangan ng dalawang mga nagmumukhang sundalo na nakasuot ng kulay asul at may dalang mga baril na hindi pangkaraniwan na nakikita sa Maynila. Para bang isang baril na ginamit ng mga Espanyol noon sa Pilipinas. Mayroon din silang mga sombrero na kamukha ng mga ginagamit ng mga Pruso sa Europa.

Gumising na lang bigla si James, at nang lumingon siya at nakita ang mga sundalo na hinaharangan ang babae sa daan, tumayo siya kaagad at tumakbo patungo sa mga sundalo.

"Nagpapakabayani ata si James," ang sabi ni Raymund nang makita niya si James na tumatakbo.

Buti na lang ay hindi hawak-hawak ng mga sundalo ang mga baril nila at ibinaba nila ang kanilang mga baril sa daan dahil plano nilang gahasain ang babaeng nasa daan.

Ngunit, sumugod si James papunta sa mga sundalo at hindi sa mga baril na nakalatag sa tabi ng daan, at nang makita ko iyon, ay sumunod na ako at tumakbo patungo sa baril at itinutok ko ang baril sa mga sundalo ngunit hindi ko sila binaril dahil natakot akong makapatay.

Tumigil naman ang mga sundalo bago pa man mabugbog si James. Pero pumasok sa aking isip ang tanungin ang mga sundalo kung sino sila.

"Sino kayo? Ba't kayo nasa kalsada?" ang tanong ko sa mga sundalo

"¿Qué? ¿De qué estás hablando indio?" ang sagot ng isa sa mga sundalo

Hindi ko naintindihan kung anumang pinagsasabi nila pero napansin ko na sila'y Espanyol dahil narinig ko ang salitang "indio."

"Sabi niya hindi niya daw alam kung anong sinasabi niyo." ang tugon ni Raymund nang marinig niya ang sinabi ng mga sundalo

"Marunong ka bang mag-espanyol? Pwede mo bang i-translate yung mga sasabihin ko at sasabihin nila para malaman natin kung nasaan talaga tayo?" ang sabi ko

"Hindi naman ako masyadong marunong pero sige, I'll try." ang tugon ni Raymund

"Ese chico habla ingles," ang sabi ng isa sa mga sundalo

"You you speak ingles?" ang sabi ng isa sa mga sundalo

Nagulat kaming lahat nang marinig siyang magsalita ng Ingles.

"Yes, we speak English." ang tugon ni Raymund

"Let we soldiers free. We no do bad. Let go and we not tell priest." ang sagot ng sundalo

El Primer Presidente de FilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon