My Love Has Gone

61 2 0
                                    

THIS STORY WAS PSICOM BY AMELIA LINCE AND MS. SASSY GIRL :) di po to copy paste lang , tinaype ko talaga, meron kasi akong book nila na STUPID LOVE, i just want to share it to those who doesn't have a book like mine (sana tama english ko HAHA) well eto na..........

Nag-aaral ako sa loob ng aming classroom para sa isang quiz nang bigla na lang akong mabulabog ng mga tilian at sigawan sa labas. Noong una hindi ko ito pinansin pero nang lumakas nang lumakas ay lumabas na ako para makiusyoso.

Iyon pala, kaya maingay ang mga kababaihan sa corridor ay dahil sa isang lalaking may hawak ng gitara at kumakanta. Gwapo at rockstar ang dating. May lungkot na mababanaag sa kaniyang mga mata. Napahinto na rin ako at nakinig sa mga kanta n'ya, lalo na nang kantahin n'ya ang isa sa mga paborito kong kanta.

Napapikit ako saglit, dinama kko ang kanta, at nang magmulat ako'y nagulat na lamang ako nang makita kong titig na titig s'ya sa akin! bakit? Hindi naman n'ya ako kilala! Napabawi ako ng tingin at tuluyan na rin bumalik sa room.

Kinagabihan, hindi ako makatulog. Iniisip ko pa rin ang misteryong lalaki. Sayang hindi ko man lamang nalaman ang kaniyang pangalan!

                                                                           * * * * * * * * * *

Pagpasok ko sa school kinaumagahan agad akong pumunta sa locker ko para kunin ang mga librong gagamitin. Pagbukas ko ng locker, maynalaglag na nakatuping papel. Pinulot ko agad iyon. Isang sulat.

Hi Rica,

I'm Mark. Kamusta ka na? Sana nag-enjoy ka sa panghaharana ko sa'yo kahapon. Pwede ka bang kaibigan? Text me lang sa: 0919895****

After reading the letter, nag-text kagad ako sa kaniya. Mula noonnaging regular textmates na kami. Todo saya ang pakiramdam ko palagiNaging close friendskami. After one month, me binigay s'ya sa aking CD. Hindi ko alam ang laman nun kaya nagmadali akong umuwi. Agad kong isinalang sa player para pakinggan. Tapos narinig ko muli ang boses n'yang kumakanta. Ang kantang una n'yang inawit sa akin noong nasa corridor s'ya.

Pagkatapos kong mapakinggan ang kanta sakto namang nag-text s'ya. Magkita raw kami bukas sa library, may sasabihin s'yang importante. Ano kaya 'yun?

Kinabukasan, nagmadali talaga akong tapusin lahat ng gagawin ko sa school para makarating ako sa tagpuan namin ni Mark. Agad akong nagpunta sa library. Wala pa siya roon pagdating ko.

"Rica . . . " ang bungad sa akin ni Mark. Malungkot ang kaniyang mukha.

Tinanong ko agad s'ya kung anong importanteng mensaheang sasabihin n'ya sa akin. Ilang minuto pa bago n'ya nakuhang magsalita.

"Aalis na ako . . . Approved na 'yung visa namin for canada. doon na kami maninirahan. baka hindi na kami makabalik rito sa pilipinas . . . "

Noon ko lamang nakuha ang mga sinabi n'ya. Nagpaalam na s'ya sa akin. Iiwan na n'ya ako. Ilang oras pa kaming nagkwentuhan bago s'ya nag-ayang umuwi. Hinatid n'ya ako sa bahay namin. Bago s'ya umalis, ibinigay n'ya sa akin ang kaniyang gitara. Remembrance daw. Doon na ako naluha pero pinilit kong tatagan ang sarili. Ayokong pati s'ya e malungkot din.

Ito ako ngayon, after five years, succesful na sa career pero hinihintay pa rin ang pagbabalik ni Mark.

 ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 SaLamat po sa pagbasa at pag-vote hehe^^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Love Has GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon