Chapter 10

1.9K 100 8
                                    

Hindi mapakali si Yvienne, hindi man lang niya magawang maupo para i-relax ang sarili. Parang sasakyang walang tigil kung pumasada ang utak niya. Huminto siya sa paglakad at pinisil-pisil ang sariling mga braso. Ngayon lang niya naisip kung tama ba iyong mga sinabi niya kanina sa harap ng chieftain.

Pinukol niya ng tanaw si Makki na nakatayo sa gilid ng bintana at nakatuon sa labas ang paningin, sa madilim na kawalan.

She just claimed him as her husband and bragged about a false pregnancy. She can't believe how fickle she can get when this guy is involved. She resisted him all along and now she made herself his wife all of a sudden. Isn't that pathethic?

"Makki," lumapit siya sa lalaki. "Do you think this is not a scheme to trap us?" she blurted out of desperation.

His amber eyes hiding in shades of darkness glided on her in a slow friction. "And your point?" Mababa ang timbre nito na sumasabay lang sa kalmadong hininga.

"I did not meant anything harm but isn't it unfair that they don't have this exemption for outsiders like us?" paliwanag niyang hindi rin naman sigurado sa hinala. "Kung may ganoon silang batas dapat applicable lang sa lahi nila hindi ba?" Kumumpas ang mga kamay niya para mabigyan ng emphasis ang sinabi.

Marahang tumango ang binata. "That's valid." Matikas itong humalukipkip at muling tumingin sa labas. Pero hindi niya makita sa mukha nito ang pagsang-ayon. "How far have you gone in your exploration?" tanong nito.

"What?" utas niya.

"Saan ka na nakarating sa exploration mo sa mga bansa? I find it amazing. You help them expose the wonders of nature found in their territories."

"Iyan ba dapat ang pag-uusapan natin?" nauumay niyang atungal. Hindi man lang ba ito nag-alala sa sitwasyon nila roon at may gana pang bolahin siya?

Muling gumalaw ang mga mata nito papunta sa kanya. "May kanya-kanyang batas at kultura ang bawat lugar na pupuntahan mo. Bisita ka kaya obligasyon mong igalang iyon at respetuhin katulad kung paano mo dapat igagalang ang kadiliman na pag-aari ng gabi. The culture of these race are prone to abuses because people like us excused ourselves from doing our part after we barged in without proper knowledge of their culture."

Saglit siyang nawalan ng kibo. May katuwiran ito. Isa sa mga importanteng aspeto ng kanyang paglalakbay ang respeto sa bawat bansang kanyang narating at mararating pa.

"I've done some research about the Chewa people. Sa buong mundo tanging mga lalaking Chewa ang walang record ng rape." Ibinaba nito ang mga braso at ipinasok sa bulsa ng pantalon ang mga kamay. "Now I understand why. Kahit mapunta sila sa ibang lugar dala nila ang kanilang batas. Proteksiyon nila sa sarili at proteksiyon sa mga babaeng nakikilala nila."

Kinagat niya ang sulok ng labi at sumimangot. Mukhang masesermunan pa yata siya sa tinatakbo ng usapang iyon. What she is trying to say is just a hypothetical possibility. She just wanted to get him out of there and saved him from a marriage based on those people's tradition. But she forgot one thing : Ignorance of law excuses no one.

"The value of their women is higher than anything precious in this land," nagpatuloy sa pagsasalita ang lalaki. "Their women are the center of their law and culture. Naging baluti ang batas na ito laban sa pang-aabuso sa mga kabababaehan nila. Walang lalaking pwede itong labagin dahil pananagutan niya ang bawat bahagi ng katawan ng isang babaeng Chewa. Ganito dapat tratuhin ang mga babae natin, do you agree with me?"

Umikot ang bola ng mga mata niya sa huling linyahan nito. "Really? Kaya pala gusto mo akong buntisin ng apat na bata."

Hindi man lang ito natinag at sa halip ay ngumisi ng pilyo. "Apat na beses kitang mahal kaya apat na babies agad. Kapag dinagdagan ko iyan ng apat pa, walong beses na kitang mahal. Pwede ring sampu kung gusto mo para sampung beses kitang mahal."

NS 18: ROMANCING THE ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon