Twenty two- Dance

765 22 0
                                    

Nandito lang kami ni Brent sa taas ng yate, sinamahan nya akong magpahangin. Hindi naman kami nawalan ng topic kasi madaldal din sya. Hahaha.





"Ilang taon kana ba?" Takang tanong ko.



"Hahha why?"



"Sagutin mo nalang,"



"Fine. 24, how about you?" Nagulat ako.



"Hala weh? 24? Totoo?!" Hindi halata, muka syang 27 pataas. Hindi sa gurang yung etsura ah, dahil sa matured ng pag iisip.



"Is not it obvious?" Umiling ako,



" I mean sir, batang bata pa po ang muka mo, pero yung utak mo kasi ibang klase, pang 30s hehehe." Pag aamin ko,




"Others have said the same thing."



"Okay lang yan Brent, at least gwap--"




"Justine Kate!" Kahit kailan napaka wrong timing ng taong to.



"Sir?"



"Drop that sir," seryuso nyang saad. Pogi na sana nito eh, kaso walang ka emo-emotion ang muka.



"Excuse us Brent, mukang walang sa-mood eh." Binulong ko na yung huli na tama lang marinig ni Brent,



"Hahah, yeah sure. Put a smile on your face Mr. MaximoFuckboy," nang asar pa bago kami iniwan. Nag excuse us pa ako, akala ko kami mag wo-walk out.



"Are you feeling better now?" He asked while putting his arm around my waist.



"Yeah, it's nice to interact with Brent." Bakit kailangan may pa pulopot ng kamay pa sa bewang?





"He's funny," sabay inom ng wine na dala nya.




"Why are you here sir?" Tanong ko.



"I was just bored inside so I went out to get some fresh air." Oh?



"Ah, talaga?"



"Yeah." Mas inilapit pa ako nito sa sarili nya.


"Sir, ehh?"



"I'm sorry, ayuko lang na tinitingnan ka ng iba, you look innocent, and the people here are not." Ay wow, concern ang boss ko.



"I'm not concerned, I'm just worried that if something happened to you sisisihin pa ako." Ang kapal. Kaya pala. Kinuha ko ang kamay nya sa bewang ko at dumistansya.



"Hindi naman ako aanuhin dito sir kaya wag na kayong mag alala kasi kaya ko naman sarili ko." Akala ko naman concern talaga sya.


"Aishh, that's not what I mean, Kate." Talaga ba?




"Okay na nga ako dito sir, kay Brent nalang muna ako at makipag chika ka muna sa mga ka business partner mo. Okay lang talaga ako dito." Pamimilit ko.



"No, you stayed beside me."



"Opo sir." Muli nyang hinapit ang bewang ko papunta sa kaniya. Kunti nalang talaga iisipin kong may gusto sa akin ang lalaking to. Oh well, hindi imposible. Hahaa char.



"Hindi kaba gutom?" He asked.



"Gutom." Actually kanina pa, nililibang ko lang sarili ko. Pano kaba di gugutomin eh ang bango bango ng pagkain dito. Kahit saan ka mag lakad maamoy mo yung pagkain.




"Come on, let's eat inside." Hindi na akonnag reklamo at sumama sa kaniya.




Bumalik kami sa loob at umupo sa lamesang kinauupuan kanina ni Dark. Tinangay na ata ng hangin kanina ang hiya ko kaya maayos ko namang na pakitungohan ang mga mayayamang to.


Kumain lang ako dito sa tabi ni Dark habang sya ay busy makipag interact sa mga kagaya nya. Ano bang ambag ko sa business trip nato? Kain lang? Display sa tabi ng boss ko?


Namiss ko na tuloy si Lynlyn, ano na kayang ginagawa nya ngayon? Kumain naba yun? Nag half bath bayun kanina? Tulog na ba sya? Maayos kaya tulog nya? Arghh. Nawalan tuloy ako ng gana.


Hindi kaya sya umiyak kasi wala ako? Sana hindi naman. Naiwan ko pa naman cellphone ko kaya hindi ko sya matawagan. Bakit kasi iniwan ko?!




"Are you okay?" Napatingin ako sa gawi ni Dark.



"Yes, may naisip lang." Sabay balik ng ngiti ko.




"What are you thinking?" Kulit din minsan ni sir,


"Wala sir."  Hindi na ito nag tanong pa dahil may umupo sa tabi nya kaya nabaling dun ang attention nya.



Ako naman ay nagmumuni-muni lang dito hanggang sa nagsitayuan ang mga tao, nag taka pa ako nung una pero ng marinig ang music at makitang inaalalayan ng mga lalaki ang ka date nila sa harap ay nakuha ko din agad. Meron palang paganito pag may business trip? Malay ko diba, eh ngayon lang ako nakadalo sa ganito, medyo ignorante lang. Hahahah.



"Justine Kate, let's dance." Nagulat ako nang mag lahad ito ng kamay sa harapan ko.



"Hala ka Dark, seryuso ka?!" Ang oa lang, pero kasi boss ko sya tas secretary lang ako.



"C'mon, let's enjoy this night." Wala na akong nagawa sa pamimilit ni Dark kaya ito ako ngayon nasa gitna habang sumasabay sa sayaw ng kapareha ko.





"This is my first time to dance my secretary,"


"Hindi naman kita pinilit na isayaw ako eh." Nagrereklamo ba sya?



"Shit. That's not what I mean, Kate." Buntong hininga nyang saad.



"Eh ano?"



Lumapit pa ito sa akin na tama lang hindi magdikit ang ilong namin, naka tingin ako sa kaniya habang sya at nakayuko sa akin. Para lang kaming may label kahit na boss at secretary lang naman ang status namin.

Hindi ko alam kong pa fall lang ba ang sirualong to o ganito lang talaga sya sa mga secretary nya.



"I never dance my secretary, just you." Seryuso nyang saad at di inaalis ang tingin sa akin.



"Bakit naman?" Eh secretary nya din naman kaya ako ngayon.





"Hindi ko sila ka level." Tumaas kilay ko dahil sa sagot nya.



"Bakit mo ako sinasayaw ngayon?" Pagtataray ko na. Ibang klase din talaga to.




"That's my question too, I don't know why, gusto lang talaga kitang isayaw. Feeling ko iba ka kaysa sa mga naging secretary ko." He said.




"Paanong iba? Eh nag apply naman ako bilang secretary mo auh." Kahit kinakabahan ay matapang ko paring tinatanong bawat sagot nya. Hindi ko alam kung bakit, pero kinikilig ako sa mga pinagsasabi nya.



Malala na ata tong boss ko, kung ano ano na kasi mga sinasabi.




"Hahah, I don't know. Wag na nating pag usapan yun," luhh, bilis naman mag bago ng isip nito.



Sumayaw lang kami sa gitna hanggang sa napagod kaming dalawa at bumalik na sa kinauupuan namin. Nakita ko pa nga kanina si Brent may kasayawan na. Sus, lalaking yun talaga. Hahaha. At yung isang medyo joker ay diko na nakita, last na kita ko dun may kasamang babae, so iba pumapasok sa utak ko ngayon kasi hindi ko sila nakikita dito.

The Secretary of Mr.Dark Maximo(Complete ✅)Where stories live. Discover now