(1) Kidnapped

285 2 1
                                    

INIS Kong pinagtatadyakan ang walang sing kingina na bote na Ito na nakuha pang humarang sa daan ko.

Talagang ngayon pa kung kailan hindi naging maganda ang gising Ko!

Pero kung tutuusin ay hindi naman na din talaga ako nakatulog sa kahahanap ng pera para sa dragon kong Auntie.

Ang matandang iyon.. bakit kaya hindi pa sya mamatay?

Hindi ba nya alam Kung paano kasama sa katawan ang paninigarilyo?

E kingina itim na nga ang gilagid ng matandang dragon na yun e! Para bang isang sigarilyo nalang e talagang kukuhanin na agad.

Napailing nalang ako bago tinapakan ang bote sa sobrang pagkaasar Ng maalala ko ulit ang itsura ng babaeng dragon na iyon. Agad na napirat ang bote at gumawa ng masakit sa tengang ingay.

Hindi ko na Ito pinagtuunan pa ng pansin at basta na lamang nilampasan. Saan naman kaya ako makakahanap ng pera pambali ng sigarilyo ng dragong Yun? Kingina matabunan na sana iyon ng mighty white!

Kahit madaling araw ay nakuha pa akong paalisin para dumelehesya ng panigarilyo, kinginang yan!

'Kung ginagamit mo yang ganda mo para magkapera!? Balewala naman yang pagiging mukhang banyaga mo kung ganyan ka Helliony!'

Ganon ang laging sinasabi ng pangit na matandang yun.

Ano bang benepisyo ang makukuha nun sa paninigarilyo Aber? Bukod sa konting ubo nalang ay mamamatay na Ito ay ano pa ba?

Ha?

Bakit may kinginang van na parang sumusunod sakin? Agad akong nagpakaalerto hindi pa man ako nakakasiguro sa hinala Ko.

Mas mabuti na ang sigurado.

Hindi ko pinahalata ang pagiging Alerto ko sakanila ngunit pasimple parin akong nagbilis sa paglalakad.

Agad ding bumilis ang andar ng sasakyan at dun Ko napagtanto na....

Kingina naloko na! Mukhang ako nga yata ang sadya!

Mabilis akong napatakbo at pucha muntik pang tumama ang mata ko sa poste. Mahirap mawalan ng mata lalo na kung green eyes.

Itinaas ko ang middle finger ko sa nakita kong humahabol sakin at nginisian ito ng sa tingin ko ay Hindi na nito ako mahahabol pero pakiningteyp! Meron pa palang Isang sasakyan na paparating sa dapat ay pagtataguan ko.

"Tanggala naloko na talaga!" Mahina kong pagmura bago huminto sa pagtakbo. Ano pang gagawin ko? Wala na akong matakbuhan! Napasipol nalang ako at nagpamulsa para Di mahalata na medyo nawala ang angas ko.

"Angas nyo ha!? Bakit ba kayo nanghahabol!" Maangas kong sabi kahit medyo nakakaramdam na ng mga 20 percent over 100   na kaba.

"Miss sumama ka samin at wag ka ng maraming sinasabi." Masama ko itong tinitigan.

"Oo na sasama na basta wag kanang magsalita uli, ingay mo e." Irita lang talaga sya sa maingay. Ayaw nya ng maingay.

Nakita Kong napangisi pa ang hayop bago binuksan ang pinto ng itim na limousine.

'Ayos ha, Ganda ng loob nito, may pwede kayang manakaw don?'

"Pasok na.." Muli at pinakyuhan ko ito ng makita na tumitig pa ito sakin ng matagal. Kinaiinisan ko rin ang ganyang mga tao, yung mga tingin ng tingin. Di ko alam kung away o gulo ba ang hanap e.

Binuhay na ang makina ng makasakay ako at yung g*go inabutan ako ng plastic bag na may lamang kung ano.

"Ano to bomba?" Tamad kong Tanong.

"Buksan mo nalang gaga! Gigil mo akesh kanina pa!" Napanguso ako bigla ng bigla itong bumanat ng ganon. Pucha e kalahati pala ni Eva to e!

"Ano ba kasi to Mami?" Kunot noo kong Tanong.

"Handa ko yan birthday ko kasi ngayong araw." Natawa tuloy ako, hanep talaga! Laugtrip!

"Iniinsulto mo ba ako? Bakit ka tumatawa dyan? Tinatawanan mo ang handa ko?" Taas kilay nitong tanong.

"Pucha naman kasi, naisipan mo talagang ngayon kumidnap e birthday mo naman pala."

"Ngayon kasi nautusan barbie girl.."

"Anong barbie girl?" Sindak ko rito. Inirapan Naman ako nung bading.

"Gaga, Malamang! Mukha ka kasing barbie! Green eyes ka pa o diba? Pak! Ngayon lang ako nakakita ng ganyang kulay ng mata sa personal. Panigurado mangingibabaw yang ganda mo don." Humahangang sabi nito at humalakhak. Mukang Tanga.

Binuksan ko nalang ang plastic bag na inabot nya na may amoy mabango sa loob.

Huwaw! Pucha chicken joy to ha? Tsaka spaghetti at pancit! E kung kanina pa nya sinabi na may ganito pala edi sana ako na mismo ang nag suggest sakanya na ako nalang ang Kunin.

Hindi na uli sya nagsalita at nagdrive nalang, Buti naman, ingay e. Nilamon ko nalang ang pagkain at Napahawak sa tiyan na busog.

"Happy birthday Mami!" Feeling close kong bati kay bading, syempre binigyan ako ng chicken joy e! Para sa pobreng tulad ko halos ginto na sakin yon.





The Mafia Boss Property (Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon