"O, iho, ba't kayo naririto?" ang tanong ng magsasaka
"Kailangan po namin ng tulong." ang sagot ko
"Sa'n ba kayo galing?" ang tanong ng magsasaka
"Sa bilangguan po." ang sagot ko
"Bakit naman?" ang tanong ng magsasaka
"Hinuli kami ng mga sundalo kahit ninanais lang namin na makainom ng tubig." ang sagot ko
"O sana'y sinabi mo na kanina pa, halina't baka mahuli pa kayo." ang sabi ng magsasaka
Umapak ako sa loob ng bahay ng magsasaka. Tinignan ko ang paligid at napansin ang mga anting-anting, gayuma, at mga gamit na makikita mo sa isang tradisyonal na magsasaka.
Ngunit, mayroong isang gamit na kumuha sa aking paningin, ang papel. Papel na nanluluma at puno ng dumi, walang balot, papel lang.
Pumasok ako at umupo sa upuan na inihanda ng magsasaka sa akin. Inisip ko: "Nasaan ako? Joke ba 'to? Sino siya?"
"Iho, gising." ang sabi ng magsasaka
Tinitigan niya ako at inilagay ang kanyang kamay sa aking kamay at sinabing: "Alam ko kung anong iniisip mo."
"At ano naman po iyon?" ang sagot ko
"Alam ko na galing ka sa bilangguan, at alam din na ika'y walang ginawang mali." ang sabi ng magsasaka
Inalis ng magsasaka ang tingin niya sa akin at tumingin sa pintuan at tinitigan ang asul na langit na hindi natatabunan ng mga ulap at sinabing: "Tawagin niyo ako bilang 'Adolfo' at hindi bilang isang magsasaka. Ako ay isang edukadong tao, nakamit ang mataas na pag-aaral, ngunit narito ako, nagsasaka. Alam ko kung ano ang pakiramdam na inyong nararamdaman.
"Bakit po? Ano po ang nangyari?" ang tanong ni James
"Natikman ko rin ang inyong pagraranas. Itinapon nila ako sa bilangguan dahil ako'y edukado, dahil gusto ko ang kapayapaan, ngunit heto, itinapon dahil tinatawag akong baliw ng mga taong gusto kong tulungan. Ngunit, hindi ako swinerte tulad niyo, pinaghintay ako ng limang taon bilang isang bihag nga mga Espanyol." ang sabi ni Adolfo
"Naiintdihan ko po pero 'di ba't may kasalanan ka sa Diyos?" ang sabi ni James
"'Yang Diyos mo, bakit hindi niya ako sinagip? Bakit niya ako pinahintay ng maraming taon? Bakit mga Anghel ang tinatawag niyong mga prayle, ngunit sila pala'y alagad ng demonyo." ang sabi ni Adolfo
Pagkatapos sabihin ni Adolfo iyon ay tumayo si James at naglakad palabas.
"Ah, humihingi po ako ng paumanhin, hindi ko-" ang sabi ko bago ito putulin ni Adolfo
"Hindi ko na kailangan ng paumanhin. Ipinakita na ng kaibigan mo kung sino siya, wala akong pakialam." ang sabi ni Adolfo
"Oo nga pala po, paano mo tinulungan 'yung mga tao?" ang tanong ko
"Simple lang, nagsusulat ako." ang sabi ni Adolfo
"Eh bakit po 'yun 'di gumana?" ang tanong ko
"Dahil relihiyoso ang mga tao. Hindi sila nakikinig dahil sa kanila: 'Alagad ng Diyos ang mga Prayle' kahit pa man sila'y halos patayin na ng mga demonyong prayle, nananatili silang bulag at patuloy na sinasamba ang mga demonyo." ang sabi ni Adolfo
"Ah, oo nga pala, ano po pala 'yung papel na 'yan?" ang tanong ko
"Ano nga uli ang pangalan mo, iho?" ang tanong ni Adolfo
Inisip ko agad kung anong pangalan ang gagamitin ko: Miguel ba o ang totoong pangalan ko? Inisip ko na mas maganda kung gagamitin ko ang pangalang "Miguel" para hindi nila malaman ang totoong pangalan ko, o kapag gagamitin ko ang totoong pangalan ko, maaring tulungan ako ng magsasaka at baka pa man ako'y makatakas sa mga awtoridad dahil sinabi ko sa kanila na ang pangalan ko'y Miguel.
BINABASA MO ANG
El Primer Presidente de Filipinas
Adventure[FIL] Si Ethan at ang kanyang barkada ay sumulong sa isang paglalakbay na hindi nila makakalimutan dahil sa isang mumunting tanong: "Sino ang unang pangulo ng Pilipinas?" [ENG] Ethan and his friends venture out to a journey that they will never for...