You Belong With Me [Chapter 22: First Date]

2K 23 2
                                    

Sabine's POV

Napaupo ako sa gulat. Panaginip lang pala. Bangungot ata ang tawag doon. Buti na lang walang aswang o kaya namatay. Nakakatakot yun. Pagtingin ko sa cellphone ko ay 5:00 AM pa lang. Kaya pagtingin ko sa gilid ko ay mahimbing pang natutulog si Jasmine.Lumabas ako ng kwarto kasi hindi na ako makatulog. Saan naman kaya ako pupunta?

Napakanta tuloy ako habang nasa elevator. Nakakatakot kasi ako lang mag-isa. Mamaya bigla na lang akong magkaroon ng kasama. Jusko. Tinatakot ko na naman ang sarili ko.

"Panalangin ko sa habang buhay 

Makapiling ka, makasama ka 

Yan ang panalangin ko-oh 

At hindi papayag, ang pusong ito 

Mawala ka, sa 'king piling 

Mahal ko iyong dinggin"

Nasa ground floor na rin ako. Hay salamat. Wala namang kakaibang nangyari. Pumunta na lang ako sa may beach tapos umupo.

"Ang ganda ng sunrise." Nasabi ko na lang sa sarili ko.

"Oo nga." Pagtingin ko sa taas ko si Red pala. Tumingin na lang ulit ako sa harapan. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. Hindi ko na siya tiningnan.

"Sorry na kasi." Hindi ko siya tinitingnan.

"Sorry. Sorry. Ano ba yan! Ang hirap kaya." Aba! May gana pa siyang mainis? Hindi siguro sanay.

"Aaaahhh. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ganito na lang ililibre kita."

"Suhol?" Hindi ko pa rin siya tinitingnan. "Parang ganun na nga. Sige na, dadalhin kita sa bayan."

"Libre ba lahat?"

"Oo." Tapos tumingin ako sa kanya. "Maliligo lang ako, after 30 minutes magkita ulit tayo dito."

Tumango lang siya. Ganun talaga ako kabilis magpatawad saka actually kasalanan ko naman kung bakit ako nawala at nadapa. Hahaha. Eh sinisisi niya masyado yung sarili niya. Saka ako yung klase ng tao na basta libre kahit saan sasama. Pag-akyat ko sa room ay tulog pa rin si Jas. Ano kayang nangyari kagabi? Eh si Cyrus kaya tulog pa? Naligo na ako tapos nagbihis. Nagpaganda este nag-ayos lang. Ayoko namang magmukhang katulong niya. After nun ay bumaba na ako. Aba! Ang bilis naman niya.

"Naligo ka ba?" Tapos humarap siya sa akin. "Bakit ang bilis mo?"

"Mabagal ka lang" Tapos nag-umpisa na siyang maglakad. Bakit parang ang cold niya? Ganyan ba siya mag-sorry?

Red's POV

Hindi naman niya kailangang magpaganda ah. Bakit nag-ayos pa siya? Baka pagtinginan siya ng mga tao. Ayoko nun gusto ko ako lang. Haha. Joke lang. 

"Saan ba tayo pupunta?" Naiinis na siguro siya kasi kanina pa kami naglalakad.

"Doon nga" Ang sarap niyang inisin.

"Saan nga?"

"Basta doon!"

"Nakakainis ah! Saan nga kasi yung doon?"

"Sa puso ko" Tapos tumingin ako sa kanya.

"Ah ganun? Sige, balik na ulit ako sa hotel."

Tapos tumalikod siya at naglakad pabalik. Haha. Hinawakan ko yung balikat niya para pigilan siya. 

"Joke lang! Ito naman, napaka-sensitive!"

Tapos naglakad na ulit kami.

"Kung makabanat ka naman kasi eh. Di naman nakakatuwa."

"If I know, kinilig ka."

"In your dreams!!!"

Hala. Nagalit?

"Malapit na tayo."

Pumasok na kami sa loob ng gubat. Kasi nandoon yung pupuntahan namin. Noong una nga nagdadalawang-isip pa siya.

"WWWWOOOOOOOOWWWWW~! May ganito dito? Ang ganda!"

Nandito kami ngayon sa isang part ng gubat. Special place namin ito ng Daddy ko. Siya mismo ang nagtanim ng mga bulaklak dito. Matagal na nga itong lugar na ito pero alagang-alaga pa rin.

"Dito dinala ni Daddy si Mama nung nag-propose siyang magpakasal. Sabi ko sa sarili ko dadalhin ko dito yung babaeng pinakamamahal ko" Tapos tumingin ako sa kanya.

"Oh? Ilan na ba ang nadala mo dito" Nang-aasar ba siya? "Siguro mga 10 na?"

"Ikaw palang" Halatang nagulat siya. "Pero dinala kita kasi may kasalanan ako sayo." Yun lang ba talaga? Oo naman. Aaahhhh. Amp. Nababaliw na ako.

"Ganun ba?" Tapos tumingin siya sa mga flowers."Maganda dito kaya pinapatawad na kita. Saka kapag ako nakipag-date sana dito ako dalhin ng first date ko. Sa katulad ng place na ito."

First date? First? Date? Ibig sabihin never pa siyang nakaka-experience ng ganun?

"First? Wala pang nagyaya sayo?" Tinanong ko siya na may halong pagtataka.

"Wala pa." Grabe naman yan. Napaka-conservative. "At bakit? May problema ba doon, ha?

"Wala naman. Bakit naman hindi ka pa nakikipag-date?"

"Bakit? Wala lang. May hinihintay pa kasi ako na tao. Hhmmmm. Kapag siguro nawalan na ako ng pag-asa sa taong yun papayag na akong makipag-date kahit kanino. Haha. Napaka martyr ko kasi kaya baka kahit lolo na yung taong yun eh maghihintay pa rin ako." Tumingin siya sa akin.

"Naranasan mo na bang magmahal ng tunay?" Umiling ako. Eh sa hindi pa naman talaga. Oo nga, minahal ko din naman yung mga naging girlfriend ko dati kaso laging may kulang. Kaya hindi ko din naman masabi na minahal ko sila ng tunay.

"Ano? Sa dami ng naging girlfriend mo kahit isa man lang?" Tumango naman ako.

"Hindi ko pa kasi nakikita yung babaeng yun. Katulad mo hinihintay ko pa din siya." Tapos tumawa siya.

"Sigurado ako na kapag nakita mo yung babaeng yun mahihirapan ka. Siya ang karma mo sa lahat ng mga kasalanan mo." Tss. Nanakot pa.

"Buti ka pa hindi mo pa nakikita. Ako nakita ko na kaya lang may problema. Unrequited love kasi. Hahaha!" Tumawa siya na naiiyak.

"Minsan talaga gusto ko ng sumuko. Kaya ko nga pinatulan yung trip ni Jas na kunin ang no. ni guy#10 at ang nakakatwa pa sa lahat ay ikaw yun! Si Shake boy! Hahaha. Kamalas-malasan nga naman sa pag-ibig oh."

Hindi ko alam kung tatawa ako o magagalit sa sinabi niya. Basta ang alam ko...

"Tara, date tayo. Ito na ang first date mo." Gusto ko siyang pasayahin. Hindi alam nung taong hinihintay niya kung ano ang kulang sa kanya.

"Baliw ka ba!? Asa ka naman." Nababaliw na talaga ako.

"Baliw na kung baliw basta sasama ka sa akin. Date ito. Ito na ang first date mo. Gusto mong dalhin ka sa ganitong lugar di ba? Ayan, dinala na kita. Ano pa bang gusto mong gawin sa first date mo?"

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon