Kabanata 36

412 16 0
                                    


Kabanata 36

Terror

"Sapat ba ang pagmamahal na ibinibigay ko sa 'yo? Nararamdaman mo ba? May kulang ba? Sumosobra na ba ako?" sunod-sunod na tanong ni Chester.

Tumigil ako sa pag-render ng aking plate. Tinakpan ko ang water marker. Umayos ako sa pagkakaupo't kinunutan siya ng noo. Nag-inat ako bago siya muling tinitigan. May kaunting agwat ang pagitan namin. Kaharap ko kasi ang drafting table samantalang siya naman ay nasa kaniyang kama.

"Hindi ko alam kung nang-aasar ka lang ba talaga, o gusto mo lang ng lambing? Sapat ka, Chester," sambit ko, sabay ngiti sa kaniya. "Sapat lahat sa akin ang pinadadama mo."

Napaatras naman ako nang kaunti at nanlaki ang mga mata nang biglaan siyang tumayo. Bahagyang tumagilid ang kaniyang ulo, unti-unting umuukit ang ngiti sa kaniyang mga labi.

"Aba! Ano'ng kailangan mo, ha?!" Pinangunahan ko na siya.

Iiling-iling siyang ngumisi. "Wala... Gusto ko lang panoorin ka habang gumagawa ng plate."

Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong  mapairap sa kaniya. Imbis na patungan pa ang sinabi niya, nagpatuloy na ako sa paggawa ng plate.

Nangangatog ang mga kamay kong hinahanap ang water marker na ginamit ko kanina. Nakakalat kasi iyon sa katabi kong table. At sa rami ba naman, hindi ko naman ito agad-agad na mahahanap. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang mga mata sa akin ni Chester, pati na rin ang palad niyang nakapatong sa ibabaw ng sinasandalan ko.

"Wala ka bang trabaho ngayon kaya ako ang naisipan mong uratin?" Sinubukan kong panatiliin ang postura ko. 

Tuluyan ko nang nahanap ang hinahanap kong kulay. Binuksan ko ang takip ng marker. Ngunit bago pa man ako tuluyang magpatuloy sa pag-a-apply nito sa illustration board, huminga muna ako nang malalim at mariing pumikit upang ikalma ang mga kamay kong nanginginig.

"Naglalambing lang ako, mahal..." Tumawa pa siya.

Umiling ako't sinubukang i-focus ang sarili sa plate. Mabuti at naitikom na rin ni Chester ang bibig niya, pero ang kapalit naman no'n ay nakaupo na siya sa tabi ko. Hindi ko na lang siya nililingon dahil alam kong magtatagpo lang ang mga mata namin.

"May nainom ka ba, o ano?" I chuckled. "'Di ka naman sobrang clingy. May kaunting sweetness sa katawan, oo. Same lang tayo."

"Anong 'may nainom'?" 

Napansin ko ang pag-iba ng tono ng pananalita niya kaya naman nilingon ko siya kaagad. Nag-angat ako ng isang kilay.

Kinagat niya ang kaniyang mga labi. "Aalis kasi ako... Sa susunod na buwan pa ang balik ko," pahina nang pahina niyang sabi.

I licked my lower lip and stared at his eyes. "Next month?" hindi makapaniwalang tanong ko ngunit pakiramdam ko'y wala akong karapatang magreklamo dahil hindi naman siya aalis kung hindi importante.

Isang tango naman ang iginawad niya. Tipid lamang siyang ngumiti at hinimas ang buhok ko. "I am the CEO of Defuen Rice Corporation. Kailangan ako sa meetings. Kung hindi man dahil sa meetings ang pag-alis ko, sinisigurado kong mismong mga mata ko ang nakakikita kung paano iproseso ng mga tauhan ko ang pangangalaga sa bigas na ihahatid sa Maynila, at sa mga probinsiya."

Hindi kaagad nag-sink in sa akin ang lahat ng mga sinabi niya. Naiwang nakabuka ang aking bibig, dahan-dahan at isa-isang pinoproseso ang impormasyong ibinahagi niya. At sa kaniya mismo nanggaling! Hindi ko iyon basta-basta nakalap lamang sa ibang mga tao!

"Unti-unti ko ring masasabi sa 'yo ang lahat... O bago ko pa man masabi sa 'yo isa-isa, sa iba mo pa malalaman." Napabuntong-hininga siya. "Mas katanggap-tanggap yata kung maririnig mo sa iba, kaysa sa akin mismo manggaling. Dahil magkakilala tayo. Iyong ibang maaaring magsabi sa 'yo, hindi mo naman lubos na kilala."

Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon