Chapter 1: Wretched Soul

95.6K 3.6K 1.1K
                                    

1.

Wretched souls

Sisa

(3 days earlier from the prologue)        

“Serenity… Serenity anak mag-usap tayo.” Narinig kong may kumatok sa pinto—Si Daddy.

“Anak sige na, please open the door. Your Dad and I missed you so much.” Pakiusap naman ni Mommy.

“Alam naming galit ka pero sana naman kumain ka kahit konti man lang.” Sabi pa ni Daddy.

“Serenity please, I missed you so much. Can you just at least come out and give me a hug?” I heard her voice crack and I know that for the thousandth time, I made my Mom cry again. “Sweetie, that boy told us everything—why you went away, why you stayed at Crimson Lake… and what happened to Julia… Serenity please let us help you. We can help you, we’re your family at mahal na mahal ka namin ng daddy mo. Anak andito lang kami parati.”

Huminga ako ng malalim at nilunok ang hikbi kong nais kumawala. Labis ang panginginig ng mga kamay at pag-agos ng luha ko. Niyakap ko na lamang ang tuhod ko at nanatiling nakaupo sa sahig habang nakasandal sa gilid ng kama ko. Pinipilit kong ‘wag umiyak pero sadyang ayaw tumigil ng luha’t mumunti kong hikbi. Ayokong marinig nila akong humahagulgol kaya gamit ang nakakuyom kong kamao ay itinakip ko na lamang ito sa bibig ko. Ayokong gumawa ng ingay. Ayokong magsalita. Ayokong marinig nila akong umiiyak.

I lost Julia… I lost Zepp… Ponzi betrayed me… and now I just lost Spermy.

I am not a kind person. I cuss a lot. I break the rules. I speak the cruel thoughts from my mind. I really don’t give a damn for what others would say about me. But that doesn’t mean I’m a bad person. It may not be obvious but I care a lot for them… I push them away, I insult them every step of the way, but that doesn’t mean I don’t care. I care. I just don’t like showing it.

Did I take them for granted?

Hindi ba ako deserving na magkaroon ng kaibigan?

Bakit nila ako laging binibitawan at iniiwanan?

Masama ba akong tao?

Mali ba ang pagkakakilala ko sa sarili ko?

"N-nakausap ko si Mommy bago siya…. Sisa hindi lang siya ang Crimson Ripper! Madami sila! Sila-----"

Napatakip na lamang ako sa tenga ko nang muling bumalik sa isipan ko ang huling mga katagang narinig ko mula kay Spermy.  Para akong nasisiraan ng bait sa tuwing bumabalik sa isipan ko ang putok ng baril at maging ang pag-aagaw buhay niya pero sa isang iglap ay biglang bumalik sa isipan ko ang naging pag-uusap naming ng nanay niya noong nakaraang araw.

“Why did you kill Julia? What did she ever do to you?!” Sigaw ko kay Mrs. Grady na nakaupo sa tapat ko. Nakatingin lamang siya habang may posas na ang mga kamay. Kung wala lang sa tabi ko si Spermy, siguro napatay ko na siya sa sakal.

“I didn’t got to her first. I failed to save her from hell.” Walang emosyon niyang sambit at tiningnan ako sa mga mata.

“Bullshit!” Napatayo ako at napahampas sa mesa pero biglang hinawakan ng umiiyak na si Spermy ang kamay ko.

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon