Camerron's Point of View
Tumindig ang balahibo ko dahil sa lamig ng hangin na humahampas sa buo kong katawan. Wala akong suot na jacket at tanging t-shirt at jeans lang ang nag-iimsan ng kontin sa lamig ng gabi. Hindi ko alam kung nasaan ako. Matataas na building ang nakikita ko sa paligid at makukulay na ilaw sa gitna ng malalim na gabi. Napakaganda.
Kasalukuyan akong nasa gilid ng kalsada, maingay ang mga dumadaan na sasakyan at pailan ilang mga taong dumadaan sa sidewalk pero tila hindi nila ako napapansin. Bakit para akong invisible sa kanila.
"You're here, too." Napalingon ako sa likod nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Siya na naman.
Pero sa oras na humarap ako sa kaniya, tila nawala ang lakas ng buo kong katawan. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko dahil hindi malabong mukha na inaasan ko ang tumambad sa akin. Kahit ilaw lang mula sa mga building at mga sasakyan ang nagbibigay sa amin ng liwanag, malinaw na malinaw sa mga mata ko ang brown at singkit niyang mga mata. Ang makinis niyang pisngi, ang medyo makapal niyang mga kilay at ang perpektong hugis at mapupula niyang mga labi.
Pero bakit gano'n, bakit may kung ano sa emosyon ng mukha niya. Galit? Tama, parang galit siya. Pero bakit naman?
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko na lang.
Hindi siya sumagot, nagsimula lang siyang maglakad. Hindi ko alam kung saan siya pupunta pero sinundan ko pa rin siya. Ewan, sabi ng katawan ko ang kailangan ko siyang sundan. Nakaharap ako sa gwapo niyang likod habang sinusundan siya.
Nagulat ako nang bigla na lang siyang tumigil kahit na iilang hakbang pa lang ang nagagawa niya. Nauuna siyang naglalakad kesa sakin kaya napatigil rin ako, hinarap niya ako habang ganun parin yung emosyon niya, galit pa rin siya.
"Hindi ba sabi ko sayo umiwas ka sa kanya?! Bakit napaka tigas ng ulo mo!" Napaatras ako nang bigla niya akong sigawan.
Teka, anong sinasabi niya? Sakin ba siya galit? Pero bakit?
"Sumagot ka!" Napapikit ako habang tinatanggap ang sigaw niya. Hindi ko na napigilan ang paghikbi ko, bigla akong natakot sa kaniya at gulo rin ang isip ko sa kung bakit ba siya sumisigaw. None-stop ang pag-agos ng luha ko.
"Bakit ka ba nagagalit sakin!" Paos ang boses ko pero pinilit ko parin siyang sigawan.
Gulong gulo na ako!"Dahil ayokong may nanakit sayo! Ayokong hinahayaan mong inaapakan ka ng ibang tao! Dahil nasasaktan ako!" Mataas pa rin ang boses niya.
Pinunasan ko ang luha ko dahil basang basa na rin ang pisngi ko bago ko siya sinagot. "Hindi ko alam kung anong nangyayari sayo. Bakit ka nasasaktan? Ano ba ako sayo?" Napatulala siya dahil sa sinabi ko at hindi siya agad nakasagot, I knew it, wala lang naman ako sa kaniya. Ni hindi ko nga siya kilala.
Hindi siya sumagot pero ang sunod niyang ginawa ang hindi ko inaasahan, alam kong kanina pa mabilis lahat ng pangyayari pero this time parang nag-slow motion lahat. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang paglapat ng labi niya sa labi ko.
He kissed me causing my heart to skip a beat. Halos maestatwa ako sa lugar na kinatatayuan ko. Tila naglaho lahat ng pakiramdam sa buong katawan ko at ang tanging nararamdaman ko lang ay ang malabot niyang mga labi.
Unti-unti siyang humiwalay sakin at bumulong sa tenga ko, tila isang bula na naglaho ang galit sa boses niya. Napalitan ito ng sobrang lambing na boses na tila dinuduyan ang kaluluwa ko.
"Nagkakaganito ako dahil, dahil..."
Hinintay kong matapos ang sasabihin niya. Pero bigla na lang lumabo ang lahat. Biglang umikot ang paligid at unti-unti siyang nawala sa paningin ko hanggang sa tuluyan nang dumilim ang paligid.
--
Bigla akong napadilat at tumambad sakin ang puting kisame ng ospital, kinapa ko ang pisngi ko na basa ng luha, totoong umiyak nga ako. Parang totoo lahat, ramdam ko pa rin sa lambot ng labi niya.
Pinikit ko ulit ang mga mata ko habang inaalala yung mukha ng lalaking laging nasa panaginip ko, hindi ako makapaniwala. Sa wakas ay nakita ko na siya, nakita ko na nang malinaw ang mukha niya. Pwede ko kaya siyang makita sa totoong buhay? Posible kayang mangyari 'yon o hanggang sa panaginip na lang talaga kami magkikita?Pero yung halik, damn! This makes me crazy! Mygad Cams! Panaginip lang yun, ok? Wake up! Hindi ka na nananaginip kaya tumigil ka na.
"Cams baby are you awake?"
Narinig kong bumukas ang pinto kaya dinilat ko ang mga mata ko at tumambad sakin si mommy na may dalang prutas.
"Yes mom, kakagising ko lang," mabilis kong sagot sa kaniya.
"What happened to your eyes? Umiyak ka ba?" pagtatakang tanong niya na agad ko namang kinakaba. Patay, masyado ba talagan mugto ang mga mata ko dahil sa pag-iyak?
"I just had a sort of bad dream, I thought...' pagpapalusot ko sa kaniya at ewan ko dahil bigla na lang akong napangiti pagkatapos kong sabihin 'yon.
Siguradong kung anu-ano na naman ang itatanong niya kapag nalaman niya ang na nanaginip na naman ako tungkol sa lalaking 'yon.
Nilagay niya sa table yung basket ng prutas na dala niya pagtapos ay umupo siya sa kama ko, umupo ako nang maayos when she held my hands.
"The same dream? I thought that makes you happy," halata ang pag-aalala sa boses niya.
I sighed. Sabi ko na nga ba, kilalang kilala talaga niya ko.
"I never said that I'm sad, mom."
Tama, actually masaya ako. Naguguluhan lang talaga ako sa lahat ng nangyare.
"Then what's with the look baby?"
"I'm jus confused, that's all."
"Confused with?"
Bigla akong natawa habang nakatingin sa kaniya. Sinasabi ko na nga ba, magiging non-stop question and answer talaga kapag nasimulan namin ang ganitong usapan.
"Mom naman eh, ang dami niyong tanong," reklamo ko pero natatawa pa rin.
"It's because you look unfine, nag-aalaala lang ako sayo." Bahagya siyang sumimangot. Naguilty tuloy ako.
I hug her, mom is so sweet wihout her noticing it at all.
"I love you mom."
"I love you too baby."
Kumalas ako sa pagkakayakap at hinarap siya. "By the way mom, sabi ng doctor puwede na raw akong lumabas ngayon ng ospital. Tamang tama puwede na ko mag-resume sa school bukas, 'di ba?" Sobrang excited ng boses ko. Gusto ko na kasi talagang pumasok ulit sa school at maramdaman ang normal na buhay.
"Are you sure kaya mo nang pumasok?"
"Yes mom, miss ko na pumasok sa school." Para akong bata na first time pa lang papasok sa school.
"Ok then, uuwi na tayo mamaya."
Yey! Sa wakas makakauwi na ako!
Kinuha ko ulit yung notebook na nasa table na nasa tabi ng kama ko at binuksan ulit ito, kailangan ko na makahanap ng magiging master ko as soon as possible.
BINABASA MO ANG
While I Was Sleeping [Dream Trilogy 1] COMPLETED
Ficção AdolescenteShe dreamed of him. He dreamed of her. What will happen if you met in reality the person in your dreams?