Chapter 39

261 5 0
                                    

"Dad, kaninong bahay yan? Ang ganda!" manghang tanong ni Yumi sa ama. Ngumiti naman ang huli at iginiya kami papasok sa bahay. Kung maganda na ang itsura ng mansyon sa labas pa lang ng gate, mas lalo itong maganda sa loob. Nakatirik ang bahay sa gitna, sa left side nito ay mukhang playground na pasadyang ginawa dahil may swing at iba pang palaruan na makikita sa park. Samantalang sa kanang bahagi naman ay mayroong nakatirik na kubo na napapalibutan ng iba't-ibang klase ng bulaklak. I was totally amazed. This place is so perfect for us.

"Wow! May swing!" masayang sigaw ni Yumi at tumingin sa ama. "Dad, is this our house?" puno ng excitement na sabi nito.

"Yes, babies. From now on, dito na tayo titira." Nakangiting imporma ng lalaki at masuyong tumingin sa kanya. "If that's okay to your mom."

Napalunok naman ako. Oo at nagagabdahan ako dito sa bahay pero paano sina mama at lolo. Sino na ang makakasama nila. Mukhang nabasa naman nito ang mukha niya dahil ngumiti ito. A reassuring smile.

"Don't worry, nasabi ko na kila tita ang plano ko at pumayag naman sila. Ikaw na lang daw ang tanungin ko kung gusto mo bang tumira sa iisang bahay kasama ako at ng mga anak natin."

"Sige na mommy! Payag ka na please..." paghihikayat sa kanya ng mga anak. They even pouted their lips and hell, they are so cute! Ang hirap hindian.

"Paano sina lolo at lola niyo kung dito na tayo?" nananantyang tanong ko sa dalawa. Mukha naman silang napaisip sa sinabi ko.

"Okay lang po yun mommy. They can just visit us here or tayo po ang dadalaw sa kanila. Sige na po please.. dito na lang po tayo." Nakahalukipkip na sabi nito. Mukhang nagustuhan talaga nila ang bahay.

"Paano ba yan, hon. Kaya mo bang tanggihan mga anak natin?" nanunuksong sabi ni Mathius sa kanya. She sighed. Wala na. Pinagkakaisahan na siya ng mag-aama niya. Three versus one eh.

She sighed defeated. "Okay. Dito na tayo titira. Para namang matitiis ko ang kakyutan nitong dalawang baby damulag ko.."

"Yehey! Thanks mom!" sabay yakap ng dalawa sa ina. Samantalang si Mathius nman ay ipinulupot ang kamay sa bewang niya bago inilapit ang bibig sa tainga niya para bumulong. "Thank you, mommy."

"Pwede na po ba kaming maglaro doon daddy?" masayang tanong ni Matthew habang nakaturo sa may palaruan. Napasimngot ang mga ito ng umiling ang ama. "Mamaya na mga anak. Mainit na kasi. Let's just go inside para makita niyo na rin ang mga kuwarto niyo."

Napangiti naman ang mga ito at nag-unahan pa papasok ng bahay, pero hindi agad nakaasok dahil nakalock pa. Natatawa tuloy kami ni Mathius habang binubuksan ang pinto.

Inilibot ko ang aking tingin sa kabuuan ng bahay. Mula sa may pinto ay makikita mo kaagad ang sala at isang hagdadan sa may gitna paakyat sa taas. Sa kanang bahagi naman ay ang pinto papasok sa dining room at isang library.

"Daddy, saan po ang kuwarto namin?" excited na tanong ng mga bata sa ama nila.

"Sa taas babies. Nandoon lahat ng kuwarto. Let's go." Inalalayan namin ang mga bata sa mahabang hagdan papunta sa second floor. Sa left side niya kami iginiya at binuksan ang isang pinto doon.

"This is going to be your room from now on, babies." Nakangiting imporma ni Mathius sa mga anak, samantalang ang dalawa naman ay nagtatakbo sa loob. Mayroong itong dalawang kama sa magkabilaan at tanging maliit na bedside table lmang ang naghahati dito. Sa may kaliwang bahagi ay nandoon ang iba't-ibang klase ng laruang pambata para sa kanila.

"May stocks na ba ng pagkain dito? Para makaluto ako ng meryenda natin." Mahinang sabi ko kay Matyas na nakatingin sa dalawan na busy sa pagtatatalon sa kanya-kanya nilang kama.

Childhood Series 1: Hate to Remember You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon