Mensahe

559 49 4
                                    

Minamahal na mambabasa, 

Ang kuwentong inyong babasahin ay hango sa mitolohiya ng Pilipinas. 'Pagkat laganap ang mga istoryang patungkol sa griyego at roman na mitolohiya, isang grupo ng mga manunulat ang nagkaroon ng ideya upang magsulat ng kuwentong magpapakita na may sarili ring mito at alamat ang ating bansa. 

Ang mga ito'y mayroong pagkakaugnay-ugnay sa bawat isa kung kaya'y mas nakabubuting basahin ang iba pang serye upang ito'y masubabaybayan at maunawaan. Nawa'y mayroon malawak at bukas na isipan ang mambabasa upang maintindihan ang mga salita't bawat pangyayaring magaganap.

Paala-ala lamang na ang manunulat nito'y hindi perpekto't nagkakamali rin sa ano mang aspeto.  Ang ano mang pagkakatulad nito sa ibang kuwentong nabasa hindi sinasadya't pawang pagkakataon lamang. Kaya kung inyong mamarapatin ay hinihiling ng manunulat na sana'y walang magkomento na inihahalantulad ito sa iba.

Mayroong mga paksa na sensitibo't puno ng bayolente at nakakasulasok na pangyayari. Kaya naman kung hindi ka handa'y sarado ang susunod sa pahina upang ikaw ay lumisan na. Kung likas ka namang demonyo't pinanganak kang ginto ay bukas ang mga susunod na  kapitulo upang ikaw ay magbasa't mahalina sa makabuluhang mundo ng mga anito.

Nagmamahal,

GLC            
Inyong Manunulat 

 Tawaghit ng KarimlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon