Dear Jasper,

64 5 3
                                    

January 12, 2015 8:30 am

Nakakatawang isipin na sinusulatan kita kahit alam kong di mo to mababasa. Kasi hindi mo naman alam na sinusulatan kita, hindi mo naman kasi ako kilala. Sabagay, sino ba namang gustong kilalanin ako? Baka nga mandiri ka sakin pag nalaman mong sinusulatan kita.

Sabi nila, pag may problema ka daw, ikwento mo lang sa iba gagaan na yung pakiramdam mo. Napaisip ako doon, gagaan ba talaga pakiramdam mo? Hindi ba pwedeng mawala nalang? Hindi ba pwede yun Jasper? (Di mo pala to nababasa) Naisip ko wala naman sigurong masama kung susubukan ko. Kaya nag isip ako kung sinong pwede kong masabihan, pero umabot ng isang linggo wala parin akong maisip kung sinong pwede. Wala naman kasi akong kaibigan, walang kumakausap sakin. Magulang ko parehong busy, wala rin akong kapatid, malayo din samin yung nga kamag-anak namin. Hanggang isang araw, nakita kitang dumaan sa room, nakangiti, binabati lahat ng masalubong mo. Para kang artista kung mag approach ng tao. Nasa isip ko nung time na yun, ikaw nalang yung pagsasabihan ko, ikaw nalang kahit di mo ko kilala, ikaw nalang kahit hindi mo naman alam. Baka sakaling maging katulad mo ako. Ginagalang ng lahat, nginingitian ng lahat, kinakausap. Anong pakiramdam ng ganyan Jasper? Masaya ba? Buong buhay ko kasi di ko naranasan yan. Kinamumuhian ako, kinadidirihan. Ano bang problema sakin? Mukha din naman akong tao diba? Katulad nyo din naman ako. Pero bakit kung ituring ako iba? May mali ba?

Letters to JasperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon